Chapter 62

1.8K 56 2
                                        


SAVANNAH's POV

"Huaaahhhaaayyy...." Hikab ko sabay bangon mula sa kama ko.

Kinapa ko ang cellphone sa bedside table saka tinignan ang oras at alas sais na nang umaga. Malapit nang mag-alas syete.

Tumayo ako saka mabigat ang katawan na pumasok ng banyo. Tamad na kinuha ko ang toothbrush at nilagyan iyon ng toothpaste bago sinimulang magsepilyo.

Tinatamad na tinitigan ko ang mukha sa salamin. Mukha akong aswang dahil sa gulo ng buhok ko. Tsk. Tinapos ko ang paninipilyo saka naligo para pumasok dahil may klase na naman.

Pagkatapos kong maligo ay mabagal ang bawat hakbang na lumabas ako ng banyo habang walang ganang nagkukusot ng buhok.

Tinungo ko ang closet at naghanap ng magandang susuotin sa araw na ito. Matapos magpalit ay tumayo ako sa harap ng malaking salamin at sinipat ang sarili. Kahit ang mga mata ko ay parang tinatamad pa.

Nagbuntong hininga ako at inayusan ang sarili at nang matapos ay agad din akong lumabas ng kuwarto dala ang bag ko.

Nakakailang hakbang pa lang ako sa pasilyo nang may maramdaman akong bagay na papalapit sa kinaroroonan ko kaya mabilisan kong ihinakbang paatras ang mga paa ko.

Nang tignan ko ang bagay na iyon na bumaon sa sementadong pader ay isa iyong palaso. Mukhang may idea na ako kung sino ang may ari niyon base sa kulay at ganda ng palaso na iyon.

Lumingon ako sa may bandang kaliwa ko at ibababa na sana ang tingin nang bumungad sa akin ang tatlong magkakasunod na palaso na sa tingin ko ay sunod-sunod ang pagtira niyon.

Mabilis akong dumapa para iwasan ang mga palaso ngunit saktong pagdapa ko ay ang siya namang pagbaon ng napakatulis na palaso sa harap mismo ng mukha ko at halos gahibla lang ng buhok ang lapit niyon sa ilong ko. Hindi ko maiwasang mapalunok muntikan  na ako roon ah.

Napipikong tumayo ako at mabilis na iniwasan ang sunod-sunod na namang paparating na mga palaso. Naglabas ako ng baril saka tumayo sa gilid ng railings at tumalon pababa sa first floor kung nasaan ang may kagagawan ng mga pag-atakeng iyon.

Mabilis kong ikinasa ang baril nang makita ang mabilis niyang pagkilos at mabilis na pagpapakawala ng sunod-sunod na palaso. Ikinasa ko ang baril at sunod-sunod ding pinatamaan ang mga arrow niya ngunit may nakalusot pa ring isa. Salamat sa mabilis na pagbaba ko dahil hindi ako tinamaan ng napaka tulis na palasong iyon. Nanlilisik ang mga matang tinapunan ko ng tingin ang bagong dating na nakangisi lamang sa akin.

"Tang*na ka!" Sigaw ko sa kaniya at mabilis kong ikinasa ang baril at sunod-sunod siyang binaril ngunit parang wala lang sa kaniya ang mga bala dahil napaka bilis ng pagtira nito at bawat balang natatamaan ng kaniyang palaso ay tumatalsik lamang iyon at sa huli, ako pa ang mabilis na umiilag.

"It's been a long day cousin." Nakangising sabi nito at sunod-sunod akong tinira.

"F*ck you Kath!" Naiinis kong mura sa kaniya habang mabilis ang galawan na mabilis na iniiwasan ang mga palaso niya.

"I miss you too Sav." Natatawa nitong sabi at mas binilisan pa niya ang kaniyang pagkilos kaya naging mabilis din ang bawat pag-ilag ko.

Makakaganti rin ako sa 'yong tang*na ka!

Mabilis kong inilabas ang kutsilyo ko saka malakas at mabilis iyong ibinato sa kaniya na ikinaangat lang ng sulok ng labi niya.

Maayos siyang pumosisyon. Mabilis ang galaw ng kaniyang kamay at maingat ngunit mabilis niyang ipinuwesto ang palaso sa bow at nakangisi iyong suwabeng pinakawalan.

Nagsalubong ang kilay ko nang makita kung paano tumama ang dulo ng kaniyang palaso sa dulo ng kutsilyo ko dahilan ng pagtil ng kutsilyo at sabay ang mga iyon na bumagsak sa sahig.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon