Chapter 84

1.7K 55 1
                                    


Paglabas ko ng kuwarto ni Mr.Venture ay agad kong hinanap ang CCTV room. Hindi ako puwedeng mag-iwan ng ebidensya.

Pansin ko sa bawat sulok ng mansiyon na ito ay may nakakalat na mga CCTV at kung hindi ako nagkakamali, nasa second floor ang CCTV room.

Kalmado akong bumaba ng hagdanan. Pansin kong kahit saan ay nagkalat ang mga bangkay. Mga bangkay ng mga taong makasalanan. Oh... I'm a murderer too. Well, mga masasamang tao lang naman ang pinapatay ko.

Nang marating ang second floor ay pumasok ako sa CCTV room. Ikinasa ko ang baril at binaril ang isang CCTV Monitor. Muli kong ikinasa ang hawak na baril at babarilin na sana ang isa pang monitor nang wala ng lumabas na bala sa baril ko. Nakamot ko ang ulo ko. Naubos na pala.

Ibinulsa ko na lang ang baril at iniangat ko ang hawak na katana. Medyo natutuyo na ang mga dugong kumapit doon. Nagkibit balikat ako at gamit ang katana ay sinira ko lahat ng kagamitan sa loob ng CCTV room.

Napangiti ako nang makitang wasak na lahat ng mga gamit. Kahit ang mga USB, CD's at memory card ay sinira ko na rin para wala na talagang ebidensiya. Nakangiting sinuri ko ang hawak na katana.

"Napakatibay mo pa rin kahit na matagal na panahon na nang huli kitang ginamit." Natawa ako sa sinabi. Bumili ako ng katana para matalo si ate noon. Pero dahil sa mas magaling siya ay palagi niya akong natatalo.

Nagbuntong hininga ako saka mabilis na lumabas at bumaba ng first floor. Natigil ako sa paghakbang pababa nang makarinig ako ng sirena ng sasakyan ng mga pulis.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Lihim akong nagdiwang nang may makita akong pinto na sa tingin ko ay isang back door. Dali-dali akong lumapit doon saka iyon binuksan at mabilis na lumabas.

Mas lalong nagiging malakas ang ingay ng sirena tanda ng malapit na sila. Damn... I really need to get out of here. Tiningala ko ang mataas na bakod. Kung sinuswerte ka nga naman ay may mga matutulis na bakal pa sa pinaka dulo ng gate.

Paulit-ulit akong napamura nang makarinig ako ng mga papalapit na yabag. I have no choice. Bahagya akong umatras saka mabilis na tumakbo at mataas na tumalon at ihinawak ang kanang kamay sa bakal bago pabaliktad na tumalon pababa sa kabila.

"May nakita kayo rito?" Tanong ng isang lalaking pulis na nasa loob ng gate.

Ihinakbang ko ang paa at gusto kong batukan ang sarili nang makaapak ako ng isang plastic battle na walang takip.

"Move!" Sigaw ng nasa loob ng gate.

I love you self! Badtrip na mabilis akong tumakbo papasok sa masukal na kagubatan. Lumiko ako pakaliwa sa direksiyon ng sasakyan namin. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at hindi nagtagal ay narating ko rin ang kinapupwetuhan ng sasakyan namin.

"Ang tagal mo." Naiinis na sabi sa akin ni Katherine.

Hindi ko siya pinansin at dali-daling sumakay sa kotse ko't mabilis na pinaharurot iyon paalis. Agad namang sumunod sa akin si Katherine. Buti na lang, hindi kami makakadaan sa harapan ng mansyon kung nasaan ang maraming pulis kaya hindi pa rin kami mahuhuli.

Nang marating namin ang condominium building ay halos sabay lang kaming nagparke ng sasakyan ni ni Katherine. Nakangiti akong lumabas ng sasakyan. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Nang lingunin ko si Katherine ay masayang nakangiti ito sa akin.

"You are really looked mess." Naiiling niyang sabi.

"Yeah. But feels good."

"Whatever. Anyway, makikitira muna ako pansamantala sa flat mo. Pina-ranovate ko pa kasi ang bahay ko eh."

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon