Mula sa puwesto ko ay tinanaw ko ang mataas na bakod. As usual ay wala na namang bantay ang gate sa labas. Kung normal na tao ang titingin sa gate ay para lang iyon isang normal na mataas na gate na ang laman lang ay puro matatayog na mga puno.
Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga para pakalmahin ang dibdib kong kinakabahan. Muli pa akong nagpakawala ng makalas na buntong hininga saka walang ingay at malahangin na tumakbo palapit ng gate saka tumalon at ikinapit ang isang kamay sa tuktok niyon bago suwabeng tumalon papasok.
Agad na naging alerto ako nang makaramdam ako ng presensya sa paligid. Ilang sandali ay nakaramdam ako ng bagay na papalapit kaya mabilis akong yumuko para umilag sa mabilis na balang papalapit.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng bala. Dahil sa liwanag ng buwan ay kitang kita ko ang nakakalokong ngisi ng isang lalaki.
"Hay. Bumalik ka na naman." Sabi nito nang iiling iling.
Bago pa siya makagawa ng ikakapahamak ko ay mabilis at walang ingay na nilapitan siya saka mabilis itong sinaksak sa dibdib. Mabilis na sinalo ko ang katawan niya at maingat siyang ihiniga sa damuhan para hindi maglikha ng ingay ang walang buhay niyang katawan.
Umayos ako ng tayo at hawak ang katana ay walang ingay kong tingungo ang isa pang gate at bawat makakasalubong ko ay mabilis kong winawakasan ang buhay para walang sagabal. Nang malapit na ako sa gate ay mabilis akong umakyat sa puno para magmasid sa loob ng mansyon. Nang marating ang pinaka mataas na parte ng puno ay tinanaw ko ang loob ng mansyon. Nakaramdam ako ng tuwa nang makitang mukhang papaalis ang mga magulang ni Logan. Hinintay kong pumasok din si ate para sumama ngunit magalang lang itong tumango sa mag-asawa at pumasok sa loob.
Umandar ang sasakyang sinasakyan ng mga magulang ni Logan at dahan-dahan iyong lumabas ng gate. Nakasunod lang ang mga mata ko sa kanila hanggang sa makalabas na sila.
Minuto ang hinintay ko bago ko ikinasa ang ang baril kong may silencer at inasinta ang lalaking bantay na nakapwesto sa madilim na parte ng gate.
Agad na kinalabit ko ang gatilyo ng baril at mabilis na binaril ang isa pang lalaki na nakapansin sa nangyari sa kasamahan. Muli ay ikinasa ko na naman ang baril at binaril ang isa pa nilang kasamahang nakapansin din sa nangyari. Muli ko pang ikinasa ang baril at binaril na naman ang iba hanggang sa maubos ko ang mga kalaban sa kaliwang parte ng gate. Mabilis akong bumaba nang mapansing iilan lang ang nagbabantay sa loob.
Nang tuluyang makababa ay walang ingay akong tumakbo sa kaliwang bahagi ng gate. Mataas na tumalon at ihinawak ang kamay sa tuktok ng gate bago walang ingay na tumalon papasok sa loob.
Agad akong nagtago sa makapal na bulaklak nang may dumaang kalaban. Nang lumampas na ang mga ito ay sinuri ko ang bawat parte ng mansyon. May CCTV ito ngunit malayo naman ang pagitan sa bawat isa.
Marahan akong humigop ng hangin bago iyon dahan-dahang pinakawalan para pakalmahin ang sarili ko dahil parang gusto ko nang manginig dahil sa matinding kabang bumabalot sa puso ko.
Kapag mahuli nila ako, patay ako.
Pinunasan ko ang maliliit na butil ng pawis sa noo ko bago mabilis na tumakbo sa lugar na hindi maaabot ng CCTV. Agad na binuksan ko ang bintanang nakita ko at laking pasasalamat ko nang mapansing hindi 'yon naka-lock. walang ingay na pumasok ako bago marahan 'yong isinara.
Nang humarap ako ay noon ko lang napansin na isa palang napakalawak na kuwarto ang napasukan ko at kung sinuswerte ka nga naman ay may isang maid doon na agad na naglabas ng baril nang makita ako. Ihinanda ko naman ang katanang hawak at mabilis na tinakbo ang pagitan namin saka siya sinaksak sa dibdib bago pa niya makalabit ang gatilyo ng baril at maglikha iyon ng ingay.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...