"Ano ba ang susuotin ko? Ito, ito, ito o ito? Tang*na. Ba't 'di ako makapili?" Puno ng frustration na sabi ko habang namimili ng damit na nakahilera sa kama."Alam mo Sav, magdamit ka na lang ng kahit na ano riyan. Maganda ka naman kasi kaya paniguradong babagay sa 'yo ang kahit na anumang susuotin mo." Payo ni Wyatt na nakaupo sa sofa. Dito raw sila matutulog ngayong gabi. Si Ryder naman na nasa tabi niya ay hayun, tulog na.
"Manahimik ka na nga lang riyan Wyatt, nasasabi mo lang 'yan kasi hindi ka babae." Naiiritang sabi ni Wren sa kakambal.
"Kaya nga hindi ako babae kaya nasasabi ko 'to." Pamimilosopo ni Wyatt sa kakambal.
"Itikom mo na nga lang 'yang bibig mo. Hindi ka nakakatulong eh."
"Nakakatulong din ba ang pagdadada mo riyan?" Walang ganang tanong ni Wyatt sa kakambal.
"Sinasagot sagot mo ba ako ha?" Napipikon na tanong ni Wren.
"Hindi. Kinakantahan kita."
"Aba't, wala ka talagang galang ano?"
"Hindi ka naman kasi kagalang galang." Walang gana na sabi ni Wyatt sa kakambal dahilan para mas lalo pang uminit ang ulo nito.
Magbabangayan pa sana sila nang sumingit si Gianna. "Ipagpatuloy niyo lang 'yan. 'Wag na 'wag kayong titigil ha." Ani Gianna sa dalawa na ikinatigil nila. "Ito na lang kaya ang suotin mo?" Suhestiyon niya sa akin sabay pakita ng tube na damit.
Nagsalubong ang kilay ko. "'Yan? Susuotin ko? Naghubad na lang sana ako. Eh kaunting galaw ko lang ay masisilipan na ako."
"Eh ito?" Suhestiyon na naman niya sa isang dress na hugis puso ang nasa dibdib na parte nito.
"Makikita naman ang cleavage ko niyan."
Tumalim ang kaniyang tingin na ikinatikom ng bibig ko. "Eh 'di mag turtle neck ka at magpalda ka ng hanggang paa. Ang dami mong reklamo." Napipikon na niyang sabi dahil halos mag-iisang oras na kami kakapili ng damit. "How about this?" Pakita niya sa off shoulder na butas ang likod.
"Gianna, para na rin akong naghubad 'pag sinuot ko 'yan." Walang ganang sabi ko.
"Kung ayaw mo sa mga ito, bakit mo pa binili?" Napipikong tanong niya.
"Eh hindi naman ako ang bumili ng mga iyan kundi si Mommy."
"Tsk. Ito kaya?" Suhestiyon niya sabay pakita sa akin ng isang simpleng pulang dress pero nang ipakita niya ang likod, butas rin 'yon.
"Para ko namang aakitin niyan si Logan."
Mahigpit na kumuyom ang kamao niya. Masama na rin ang kaniyang tingin sa akin. "Susuotin mo 'to o hindi?" Napipikong pagpapapili niya.
Nakakatakot na ang ekspresyon ng kaniyang mukha.Napipilitang kinuha ko 'yon ikinalapad ng ngiti niya. Nakasimangot na pumasok ako sa banyo para magpalit. Hinubad ko ang suot na roba saka iyon hinunger at napipilitang isinuot ko naman ang ang kulay pulang dress.
Nang matapos ako ay humarap ako sa salamin. Bagay naman sa akin ang dress ngunit nang tumalikod ako, hindi ko maiwasang mapasimangot dahil sa laki ng butas niyon sa likod.
'Bakit ba kasi ang hilig ng mga designer gumawa ng damit na kulang sa tela?'
Bumuga ako ng marahas na hangin saka lumabas ng cr.
Paglabas ko, lahat ng mga mata ay nasa akin. Bakas ang pagkamangha sa kanilang mga mukha nang makita ang kabuuan ko.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...