Chapter 65

1.6K 49 5
                                    

LOGAN's POV

"Ano ba'ng mga hilig ng kapatid mo?" Tanong ko kay Savannah habang naghahanap kami ng magandang iregalo sa kapatid niya.

"Tsk. Kung hilig ang itatanong mo, maliban sa motor, wala ng iba. At wala akong panahon para maghanap ng magandang klase ng motor sa mga oras na ito." Sagot niya. Tsk. Motor lang pala.     

"Halika na." Anyaya ko sabay hila sa kaniya palayo sa mga relo na kanina pa niya tinitignan. Naghahanap siguro ng magandang klase niyon ngunit wala naman siyang matipuan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"May alam na akong regalo para sa kaniya." Sagot ko. "Malaki ba ang magaganap na pagdiriwang?" Dagdag ko habang hinihila siya palabas ng mall.

"Oo. Maraming dadalo."

"Kung gano'n ay kailangan maganda rin ang suot natin." Gusto ko siyang makitang naka-long dress sa gabing ito. Hmm... I think that will be a good idea.

Paglabas naming mall ay hinila ko siya patungo sa kotse ko. Nang marating ang sasakyan ay pinagbuksan ko siya ng pinto.

Nagtatakang bumaling siya sa akin ng tingin. "May dala akong sasakyan remember?" 

"Iwan mo muna riyan. Babalikan lang natin mamaya. May pupuntahan lang tayo."

Nag-aalangan man ay pumasok pa rin siya. Nang maayos na ang pagkakaupo niya ay isinara ko rin kaagad ang pinto ng sasakyan saka umikot at pumasok saka naupo sa driver's seat. Tinignan ko ang oras sa sasakyan ko. 6:27 na ng gabi. Hinarap ko siya't sinuotan ng seatbelt saka mabilis na umayos ng upo at mabagal na pinaatras ang sasakyan. Nang tuluyan na akong makaatras sa maluwag na parte ng parking lot ay mabilis ang galawan ng mga kamay na minaneho ko paalis ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" Tanoong niya habang nagmamaneho ako.

"Secret." Tugon ko at mas binilisan pa ang pagmamaneho. Hindi naman na siya umimik hanggang sa makarating kami sa harap ng isang boutique.

Mabilis akong bumaba saka umikot at pinagbuksan siya ng pinto sabay lahad ng kamay ko sa harap. Puno ng katanungan ang kaniyang mukha pero hindi ko siya sinagot.

"Boutique? Anong ginagawa natin dito?"

"Mamamalimos." 

Naiinis na sinuntok niya ako sa braso na ikinangiwi ko. Napakasadista talaga. "Umayos ka nga, ang ayos ng pagtatanong sa 'yo hindi mo sinasagot ng maayos."

Nangingiting kinurot ko siya sa magkabilang pisngi na ikinasalubong ng kilay niya. Ang cute. "Nasaan na ang susi ng sasakyan mo?" Tanong ko nang bitawan ko ang pisngi niya.

"Nasa bag ko." 

"Akin na." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa harap niya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Ipapahatid ko sa condo mo ang sasakyan mo." Sagot ko sa nagtatanong niyang mga mata.

Hindi naman na siya nagsalita. Ipinosiyon niya sa harap ang bag at inilabas mula roon ang susi ng kaniyang sasakyan.

"Mauna ka na sa loob." Sabi ko saka hinugot ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantalon.

"Sige. Hihintayin kita roon at binabalaan kita. 'Wag kang magkakamaling iwan ako rito dahil sinasabi ko sa 'yo, hindi maganda ang galitin ako." Pagbabanta niya.

Nangingiting ginulo ko ang buhok niya saka kinurot muli ang pisngi niya. "Ako mismo ang papatay sa sarili ko kapag iniwan kita rito kaya chill okay?" 

Nangingiting inirapan niya ako saka mabilis na tumalikod at naglakad palayo ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay agad ko rin siyang pinigilan.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon