"AT EXACTLY 8:00 PM magaganap ang party sa Henson Hotel sa Batanggas. Lahat ng kilala at makapangyarihang mga tao ay dadalo sa akasyong iyon. At ang trabaho natin ay ang patayin si Dr. Falcon Vernon a very well known pharmaceutical scientist. At isa sa mgagaling pagdating sa paggawa ng mamahaling uri ng droga sa mundo. That's an order from my grand father." Hayag ko sa mga kasamahan ko habang nagpupulong kami sa salas ng unit ko. Saktong alas sais ng gabi kanina ay ipinadala ni lolo ang kaniyang mensahero dito para sabihin ang aming bagong misyon.
"Mukhang mahihirapan tayo. Kilalang tao kasi ang kakantiin natin." Komento ni Gianna.
"At sa lugar pa kung saan naroon na halos lahat ng mga pinaka kilalang tao sa illegal na gawain." Natatawang ani Wren.
"Well, that's our life." Kibit balikat kong sabi.
"Dadalo ang mga magulang mo?" Maya maya ay tanong ni Ryder.
"Oo. Buong pamilya ko ay dadalo sa okasyon ngunit ako na ang bahala kay Dr.Vernon. Wren, kailangan ko ang tulong mo tungkol sa CCTV footage. Dahil sa dami ng taong dadalo ay paniguradong mahirap mahanap ang lalaking iyon." Seryosong sabi ko saka kumain ng pizzang binili ni Logan sa akin sa fast food chain na pinagtatrabahuan niya bago niya ako ihatid dito pauwi.
"Eh kami? Anong gagawin namin do'n?" Tanong ni Wyatt.
"Babantayan niyo lang ang pamilya ko habang abala ako. At kung kakailanganin ko ang tulong niyo ay sasabihan ko rin kayo." Parang wala lang na sabi ko.
"Sige, anong oras tayo aalis?" Tanong iyon ni Wyatt.
"7:30. Sasabay tayo sa pamilya ko."
"Kung gano'n, eh di maghanda na tayo. Gusto ko ay maganda ako party." Nakangiting sabi ni Wren.
"Tsk. Pupunta ka roon para magtrabaho, hindi para magpaganda." Kontra ni Wyatt sa sinabi ni Wren.
"Ano naman sa 'yo ngayon? Eh sa gusto kong magpaganda. At alam kong pupunta ka lang din doon para mambabae." Mataray namang sabi ni Wren kay Wyatt.
Ngumisi ang kakambal. "Sila ang lumalapit eh."
"Ikapahamak mo sana 'yang ginagawa mo nang makarma ka."
Muling ngumisi si Wyatt. "Eh 'di papatayin ko na sila bago pa nila ako maunahan."
Bago pa makapagsalita si Wren ay naunahan na siya ni Gianna.
"Kung gano'n ay aalis na kami. Magkita-kita na lamang tayo sa bahay ninyo." Pagtatapos ni Gianna sa usapan at nauna nang tumayo.
Ang magkambal naman ay tumayo na rin at habang naglalakad ang mga ito palabas ay nagpapalitan ng masamang tingin na hindi nagtagal ay nauwi sa bangayan. Tsk.
"Ikaw? Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko kay Ryder.
"Uuwi na rin. Sige. Aalis na ako." Anito at hindi pa man ako nakakasagot ay tinalikuran na ako. What a wonderful manner. Mabuti na lang at hindi kami magkaugali.
Inubos ko ang natitirang pizza sa kahon saka itinapon ang lalagyan niyon sa trash bin sa kusina bago nakangiting umakyat ng hagdanan patungong kuwarto ko. Ang saya ko sa araw na ito.
Nang makapasok sa banyo ay agad ko ring hinubad ang mga damit ko saka iyon idiniposito sa basket na lalagyan ko ng maruruming damit.
Malapad ang ngiting itinapat ko ang sarili sa shower para makaligo na. At dahil hindi naman ako si Wren na kung maligo ay halos isang oras, makalipas lang ang mahigit sampung minuto ay tapos na rin ako.
Sa walk in closet agad ang diretso ko para maghanap ng magandang damit na maisusuot para sa okasyon. Tsk. Wala akong balak magsuot ng long dress kahit isang engrandeng okasyon pa ang pupuntahan ko. At mas lalong wala akong pake kung magmumukhang out of place ako sa lugar na iyon dahil hindi naman ako pupunta roon para makiparty kundi para magtrabaho. Also, I hate dresses.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...