The Customer

330 10 1
                                    


Nag-migrate kami ng mama at ate ko sa U.S. nang makapangasawa ang mama ko ng Amerikano noong 2011. Naging university student naman ako nung fall semester 2014 at nakapag-work sa isang local namin na asian store.

Simula bata nakakakita na ako ng multo at mga hindi maipaliwanag na mga bagay. I have visions din kasi, sa panaginip man (future nakikita ko) o pag gising ako (I can see the past-- yun bang pag nakarating ako sa isang lugar somehow alam ko ang history ng place na yun even when na hindi ko sinearch yung kahit anong tungkol sa lugar na yun).

Pero itong ikukuwento ko ay nangyari lang this year. Summer months namin sa U.S. Slow yung bentahan sa store na pinagtatrabahuhan ko kasi walang asian students masyado pag summer, nagsisiuwian sila or nagbabakasyon around U.S. lang din. Maliit lang kasi ang community namin pero may nag-iisa kaming malaking State University at dito din ako nag-aaral. At mostly mga asian students dito mga costumers namin.

May load kami. Bagong dating na mga items. Pumasok ako ng maaga, ang usual kong shift is 4pm-7pm sa weekdays at 8hrs Sat at open-close ako sa Sunday (5hrs). Cashier ang work ko pero all around helper din. Kasi maliit lang naman pinagtatrabahuhan kong store. So naghe-help din ako para mag-display ng mga items pag may load kami.

In this particular day, 12nn ako pinapasok. Para matulungan ko ang co-worker ko. Filipina din siya pero mas matanda sakin kaya Tita ang tawag ko sa kanya.

Si Tita nasa likod ng store, sa may storage/kitchen room. Nandun siya para tingnan kung anong mga boxes ng items ang ilalabas namin. Ako naman nagdi-display sa mga items.

Tinutulungan ko si Tita nun sa may storage/kitchen nung tinanong ako ni Tita.

Tita: may costumer ba?
Me: wala naman po akong narinig na pumasok.

*** sa store kasi namin pag may pumasok sa door, tutunog yung door, malakas ito. At never pang pumalya itong tunog ng door ***

Tapos naglabas na kami ng boxes ng items na idi-display at nung makalabas na pumasok si Tita ulit sa likod, dun sa storage.

Ako naman, napadaan ako sa may front door ng store sinilip ko kung may costumer ba sa labas. Glass yung door sa store. So makikita agad.

Tapos may nakita akong babae galing siya sa kanan ng store.

(Ang building na katabi ng asian store na pinagtatrabahuhan ko is Mortuary. Actually after a year ko na nagwo-work dito saka ko pa nga nalaman na Mortuary pala ang katabi naming building).

Amerikana, may kausap sa phone niya. Ang saya nga niya tignan. So nung nakita ko. Bumalik ako sa likod para sabihin kay tita na may paparating na costumer. Tapos nakita kong pumasok yung babae nung magdi-display na ako.

Me: Hi! (bati ko sa kanya).
Siya: (ngumiti lang).

May kausap pa din siya sa phone kasi.

Isip ko: Bago ito ah, never ko pa ito nakita sa store (well, di ako medyo nagulat or natakot kasi lately dumadami na costumers naming Amerikano).

Pumunta ako sa aisle nang mga sauces. Kasi nandun yung idi-display kong items. Hinayaan ko muna siya mamili.

Dumiretso siya sa veggie section namin, na tapat lang ng storage/kitchen room (na walang door, open siya, pati yung kurtina naka-open para walang harang kasi may load kami).

Tapos mga few minutes na napaisip ako parang ang tagal naman yata mamili nitong costumer na ito.

So tumayo ako para tignan, baka kailangan niya ng tulong. Kasi di niya siguro mahanap ang gusto niyang bilhin.

Kaso wala siya dun, kasi kita ko din agad yung veggie section namin pagkaalis ko sa aisle ng sauces namin. So sinilip ko lahat ng 5 aisles namin, walang tao. So naisip ko baka nasa frozen section.

Tinignan ko.

Wala pa din. Eh sarado din yung isang storage namin sa may gilid ng frozen section (na dapat walang costumer din dun).

Tapos nagtataka talaga ako.

Di ko narinig yung door na bumukas, kasi paglalabas/papasok tutunog yun. Sa 4 years kong nagwo-work dito never yan pumalya na tumunog.

So tinanong ko si Tita.

Me: May napansin ka bang babae dito?
Tita: Wala naman, bakit?
Me: Di ba tita sabi ko sayo kanina may costumer, bigla naman siyang nawala. Di naman lumabas, di tumunog yung pinto eh.
Tita: Baka nandiyan sa Frozen Section
Me: Chineck ko tita, wala talaga.
Tita: (insert my name here) Huwag mo kong tatakutin ah. (natatawa) Tanghali palang (name ko ulit).
Me: Hindi kita tinatakot tita, pero nawala talaga siya.
Tita: Baka yung sa kapitbahay yun. Gumala lang saglit tapos bumalik na. (ang tinutukoy niya yung patay sa mortuary).
Me: (tumawa) Baka nga!.

Alam ni Tita na nakakakita ako ng mga di maipaliwanag na bagay. For me, normal naman na sakin makakita ng ganyan. Di na ko natatakot minsan. Unless na lang pag duguan sila or nakakatakot talaga itsura. Eh yung babae naman na yun mukhang di nakakatakot. Mukhang masaya naman siya.

***Ngayon ko nga na-realized nang tina-type ko na ito na may kausap siya sa phone pero never ko nga siyang narinig magsalita, eh sa liit ng store na pinagtatrabahuhan ko dapat kahit minsan maririnig ko boses niya kasi may kausap nga sa phone. Tsaka natural na malakas talaga pandinig ko, dapat narinig ko siya magsalita. Pero hindi talaga. Wala akong boses na narinig sa kanya.

Elle22

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon