Nakita Kita

164 3 0
                                    


Hello mga ka-spooks at admin. Pakitago nalang din po ang identity ko. Itago nyo nalang po ako sa pangalang Cassie. Sana po ma feature yung story ko dito. Marami na rin ako nababasang ganitong case dito sa spookify. At gusto ko din i-share yung story ko. Hindi ako magaling magkwento kaya sana pagtiyagaan nyo nalang.

Naniniwala ka din ba sa tinatawag na DOPPELGANGER o may nagsabi na ba sa inyo na nakita nila ang inyong doppelganger? Kasi ako, madalas na lang.

Nagsimula ito nung 14 years old palang ako at nasa 3rd year high school ako. Galing ako noon ng school nag-aabang ako ng tricycle pauwi sa amin ng dumaan din ang nanay ng kaklase ko. Nagulat siya sa akin at tinanong ako "Nakita kita kanina naglalakad papauwi ah, bakit bumalik ka pa ng school?" Pagkasabi niya noon ngumiti ako sa kanya sabay sagot na "Naku, hindi po tinapos ko po yung assignment ko sa library kaya di agad ako nakauwi kanina, baka ibang estudyante po ang nakita nyo." Pero sumagot siya sa akin. "Hindi maaari, kasi ganyan yung bag na nakita ko" sabay turo sa sling bag na suot ko. Pagkatapos nun ay nagkibit balikat nalang din ako.

At noong nasa kolehiyo ako. Nagpaalam ako sa magulang ko na gagawa ng group project sa bahay ng groupmate ko at doon na kami lahat mag-sleepover. Pinayagan naman nila ako. Pero nung hapon na ay tumawag sila na umuwi daw ako. Nakita daw kasi ako ng kapatid ko na bunso na dumaan sa harap ng bahay namin. Sinunod ko nalang sila at pinayagan naman ako ng mga ka-group ko na umuwi nalang.

Lumipas ang ilang taon nakapagtrabaho ako sa Manila. Madalang akong lumabas sa apartment na tinitirahan ko lalo na pag gabi. Kaya nagulat nalang ako isang araw ng kinausap ako ng kapitbahay ko na boarder "Anong ginagawa mo kagabi sa bakanteng lote sa may entrance ng compound? Nakita kita doon nakatayo mag-isa. Tinawag pa nga kita kaso, malayo ang isip mo." Nabigla ako at sumagot, "Naku po Tita, baka namalikmata lang po kayo hindi po ako iyon." "Hindi, ikaw talaga yun hindi ako magkakamali." sagot niya. "Tita, maaga po akong umuwi galing trabaho kagabi. Kaya hindi ako iyon" malamig kong sagot sa kanya. Pagkasabi ko naman ay hindi na siya umimik.

Pagkatapos ng ilang taon ay umuwi na ako ngayon sa probinsya namin, dahil nalipat na yung trabaho ko dito. At dito na mas lalong napapadalas yung ganoong eksena sakin.

Marami nagsasabi sa akin na nakikita nila ako, madalas daw pag gabi. Wala daw kibo at parang malayo ang iniisip. Hanggang sa nitong nakaraang buwan lamang ay mas lalo akong kinilabutan ng tumawag na ang kaibigan ko. Itago nalang natin siya sa pangalang Alice.

Ako: Napatawag ka?
Alice: Hoy babae, saan ka ba papunta kanina?
Ako: Kanina? Wala, bahay lang ako.
Alice: Wag ako! Nakita kita! Nakita ka namin! Nakakatampo ka, di mo pa nga kami pinansin eh!
Ako: (tumawa) Wala nga. Para kang sira. Bahay nga lang ako. Kahit tanong mo pa kila momma.
Alice: Eh sino yung nakita namin? Naka-pink ka pa nga na pajama tsaka violet na damit.

Pagkasabi niya noon, natahimik ako at napatigil sa pagtawa. Habang utal na tinanong siya.

Ako: Pi-pink at violet?
Alice: Oo nga! Wag ka na kasi magkaila! Naka-violet ka tsaka may print pa na robot!

Napatigil ako at ibinaba yung phone, dahil parehong-pareho yung suot ko sa sinasabi nya. Bigla akong kinilabutan noon at naligo para mahimasmasan. Mula ng araw na iyon ay hindi ko na muna kinakausap si Alice kasi kinikilabutan pa rin ako.
Napaisip ako noon at naalala yung nangyari noong nasa HS palang ako at nasa Manila. Bakit ilang beses na siyang nangyayari sa akin? At ano ba talaga ang ibig sabihin nito?.

Nagtanong-tanong na rin ako sa mga kaibigan ko. Ang sabi nila manalangin nalang raw ako at humingi ng gabay. At sana daw huwag ko nalang makita yung Doppelganger ko kasi masama daw yun na sign.

Sa katunayan ay may nag-message ulit sa akin ngayon ng "Nakita kita nung nakaraan ah, pagala-gala ka na ngayon ng gabi ah." Kahit ang totoo'y ilang araw na akong nasa bahay lang. Nakakatakot pero wala akong magawa kung pwede lang sanang mawala na yung doppelganger ko.

Hanggang dito nalang po at salamat sa pagbabasa!

Cassie

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon