Naniniwala ba kayo sa mga paniniwala ng mga matatanda o superstition?. Noong bata pa ako, di ako naniniwala sa mga ganyan di ko sila sinunod hanggang sa isang araw nagbago lahat ang pananaw ko dahil sa mga pangyayari na pinaniniwalaan ng matatanda at magpasa-hanggang ngayon.BAWAL MAG-UWI NG PAGKAIN GALING SA PATAY
May isa kaming kalapit bahay na namatay, syempre likas sa mga pilipino ang makikiramay o dadalaw sa namatayan o tinatawag nilang "makikipagpulaw" pumunta kaming dalawa ng kapatid ko at kasama pa namin ang ibang mga pinsan at kaibigan ko at pagkapunta namin doon agad kaming pinaupo at hinainan ng pagkain syempre kain lang ng kain. binilinan kami ng lola ko na huwag na huwag mag-uuwi ng pagkain galing sa patay baka daw sundan kami nito.
Fast forward.
nakauwi na kami sa bahay makalipas ang isang oras at kalahati. Biglang nilagnat ang kapatid ko na kasama kong pumunta sa patay. Nagulat kami dahil nagsisisigaw ito at may itinuturo sa bandang bintana at takot na takot. Agad namang kumuha si mama ng walis tingting at iwinasiwas sa bintana at pinagsuot ng pulang damit at doon na tumigil sa pag-iyak at pagsigaw ang kapatid ko at nakatulog na. Tapos bigla may nakapa si mama sa bulsa niya na may 2 piraso na kendi sa bulsa niya doon ko nalaman na nag-uwi pala sya ng pagkain.A/N : I guess bawal lang mag-uwi ng pagkain kapag walang consent ng namatayan. Kasi nung namatay ang Nanay ko, yung ibang pagkain ipinabaon na namin sa mga nakiramay pero wala naman kaming nabalitaan na ganyan dun sa mga nabigyan.
BAWAL MANALAMIN
Itong time na ito yung namatay si tito, alam namin na bawal pero di ako sumunod. Sabi samin na bawal na bawal magsalamin dahil sa curiosity ko, di ko sila sinunod at nagsalamin pa rin ako at isang gabi habang nakiligo ako sa kapitbahay nila may at nagsalamin ulit ako, may nakita akong repleksyon sa tabi ko. Bigla akong napatakbo palabas ang sabi nila kapag nanalamin ka daw magpapakita sayo yung namatay.
A/N : Baka pili lang ang nangyayari na ganito. Kasi nung namatay ang Lola ng Hubby ko, sa CR nung viewing area may salamin eh at madalas kapag magsi-CR ako, lalo pag mag-brush ng teeth, natingin ako don pero wala naman.
BANTAYAN ANG PATAY SA BUROL
Ito naman yung kwento sakin ng kaibigan ng tita ko, bawal iwanan yung yumao, dapat may magbabantay dahil baka daw palitan ito. Nangyari daw sa kanila ito dahil sa sobrang pagod ay nakatulog yung nagbabantay at umidlip saglit at ang pinagbantay yung kapatid niya. Ito namang si kapatid nya ay biglang umalis para mag-cr at naiwang mag-isa yung patay. Mga ilang minuto ay agad syang bumalik pero may isang matandang lalaki na nagsabi ng napalitan ang bangkay at hindi ito yung pinaglalamayan nila kundi isang puno ng saging. Gular na gulat sila dahil pagsaboy ng asin sa patay ay agad itong nag-iba.
Alam ko naman na walang masama sa pamahiin subalit ang nakakapagtaka lang (at medyo nakakatawa) ay kung bakit hindi nila maipaliwanag kung bakit ito dapat gawin at sundin.
Minsan natatawa na lang tayo sa mga pamahiing ito lalo na kung iisipin natin kung ano ang tunay na katuturan at kung ano ang saysay bakit natin ito ginagawa, pero sabi nga nila wala namang masama kung gagawin mo, basta ang mahalaga ay ligtas ang lahat.
A/N : Wala akong ma-i-comment dito sa part na ito kasi hindi talaga namin iniiwang walang bantay ang mga mahal namin sa buhay na yumao na.
Kung may alam pa kayong pamahiin, comment lang kayo para alam din ng ibang nagbabasa. Salamat.
Zephyrus | Tanza, Cavite
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree