Hello po admin at sa mga spookifiers hehe. Avid reader din ako sa spookify. Sana po ma-post ito.
Na-inspire ako na ikwento ito sainyo dahil nabasa ko ang kwento dito na may title na "11/21". Dahil pareho kami na nawala ng minamahal at yung naramdaman nya ay naramdaman ko din.Isa ako sa naniniwala sa mga paranormal na bagay at fan na fan ako nun haha at hindi naman ako sobrang matatakutin kundi sakto lang. Manggagamot ang Lolo ko at bata pa ako nung huli ko syang nakita pano manggamot dahil nasa probinsya sya ngayon, at nagkukuwento din si mama samin ng mga panggagamot ni lolo at experience ni mama nung nasa probinsya pa sya dahil may kaibigan din syang aswang. Dati di ko masyadong pinaniniwalaan yan pero katagalan ay naniniwala na ako dahil sa curiosity na din. Lumaki ako na sa tuwing may lagnat o sakit o kung ano pa, sa manghihilot/albularyo agad ang diretso dahil na rin sa kapitbahay lang naman namin kaya di ko pa nararanasan na ma-admit sa hospital kahit isang beses, mga check up lang sa center.
Itong ikukuwento ko ay tungkol sa aking girlfriend na namatay dahil sa di malamang dahilan. Itago nalang natin sya sa pangalang "Janella".
October 30, nagkita kami ng gf ko, susunduin ko sya dahil 10pm ang out nya sa trabaho nya. 9:30pm palang nandun na ako sa 7/11 para hintayin sya at chinat ko na din sya na nandun na ako. Selfie muna ako tapos idi-delete habang naghihintay hahaha para di mainip at mga 10:20pm nga ay nakarating na sya. Balak ko syang biruin pero paglapit ko sa kanya para syang nanghihina o parang lutang kaya naisip ko siguro pagod lang ito, kaya agad ko syang inalok na kumain ng McDo sa tawid lang. Pag-order ko ganun pa din sya, kakausapin ko bibiruin di natatawa pero katagalan naging ok na rin naman sya. At syempre biruan kami at kwentuhan hanggang matapos kumain. Hinatid ko sya sa bahay nila tapos umuwi na ako parang ordinaryong pangyayari lang. Pero di ko alam na yun na pala ang huli naming pagkikita.
Kinabukasan ay nilagnat ako. Siguro dahil na rin sa pagod sa ROTC. Bago ko makalimutan Criminology nga pala ang course ko at nag-aaral ako sa isang sikat na paaralan sa Muntinlupa, pero hindi ako taga doon.
November 1, chinat ko sya at sinabing nilalagnat ako pero pagaling na rin ako nun. Pero wala akong nakuhang reply sa kanya kahit seen man lang. So hinayaan ko baka busy dahil di naman sya yung maya-maya naka-online. Kinabukasan nag-reply sya na masakit daw ang puson nya sobra simula pa daw November 1. Di ko na sya kinulit dahil alam ko tuwing first week ang dalaw nya kaya sabi ko pahinga ka na meron ka pala ngayon. At para ma-avoid ang alam nyo na yung topak haha. November 3, napanaginipan ko sya na yung suot na damit na tshirt pero parang kayumanggi yung kulay o yung kulay ng stocking. Tapos yung design ay may pagkabulaklakin tapos may design sya na katulad ng sa mga gown. Pero naka-steady lang sya sa panaginip ko na nakangiti kaya ang naisip ko agad ay baka magpapalit sya ng dp. Kinabukasan chinat ko yun sa kanya sinabi ko na napanaginipan ko na magpapalit ka ng dp na ganito yung suot mo, pero di ko sinend ini-screenshot ko lang. Para kapag nagpalit sya ng profile pic ise-send ko yun sa kanya para sabihin ko na nahulaan ko na magpapalit sya. Nandito pa sa cp ko yung screenshot ko. Kaya chinat ko nalang sya kung okay na ba sya. Pero sabi nya ang dami nya daw nararamdaman. Masakit daw ang tiyan nya sobrang tae at suka pa sya. November 1 pa daw nagsimula pagkatapos nyang magtirik ng kandila.
Kinabukasan mga tanghali nagtanong si mama "Kamusta naman si Janella?" "Nasa bahay nila ma may sakit yata bakit?" sagot ko.
"Wala lang naalala ko lang. Di ba kayo nagkita son. Ba't may sakit anong sakit nya?" tanong ni mama.
"Tatlong araw na daw masakit tiyan nya. Siguro meron lang sya ngayon kasi tuwing first week yung dalaw nun eh." sagot ko kay mama.
"Tatlong araw na? magpatingin na sya sa albularyo o kung walang kilala sabihin mo na may kilala ka. tatlong araw na pala eh." sagot ni mama.
Agad agad kong chinat yung jowa ko "Kamusta kana? Ok ka na ba?"
pero di na sya nag-reply.November 6, Pagkatapos namin sa Martial Arts subject agad-agad akong umuwi para makabili ng regalo para sa anniversary namin ng jowa ko sa November 9. Pero pag-alis ko palang ng court may tumatawag sakin, paglingon ko bestfriend pala ng jowa ko. Sa iisang school lang kami nag-aaral dahil magkaklase kami nung senior high. Hingal na hingal sya kanina pa pala sya naghihintay sakin para sabihin na wala na si Janella. Di ako naniwala nun na baka ire-revive o na-comatose lang. Tinignan ko agad ang cp ko pagtingin ko may chat yung jowa ko ang 11:31am ang sabi "Masakit ang tiyan ko nagtatae ako. Bawal ako ng maasim" tapos kasunod nun may chat na "Wala na si Janella" chat ng mama nya. Ang dami na agad nag-post sa timeline ng jowa ko at nag-chat ang mama nya sa dati naming gc na wala na nga si Janella. Agad-agad umuwi kami ng bespren ng jowa ko para puntahan kung saang hospital nandun ang jowa ko. Di pa pumapasok sa isip ko na wala na sya hangga't di ko pa nakikita kahit sinabi ng mama nya na nasa morgue na daw si Janella. Sinabi nya yung hospital at pinuntahan namin.
Pagdating dun nakita ko ang mama nya umiiyak agad nya kami nilapitan. Tinanong kami tapos sinabi na nasa morgue ang jowa ko. Pinasama nya kami para makita namin, sumama kami papunta sa morgue. Ang in-e-expect ko katulad ng nasa pelikula na isang hugot lang ng tela makikita mo na ang mukha pero hindi pala dahil nakabalot at may zipper pa. Pagkakita ko palang na nakabalot sya ng tela naluha na ako yung bespren nya iyak ng iyak. Di ako iyakin o naiyak kapag may namamatay kumbaga mas naiyak ako sa mababaw na bagay. Mas ok na pala na maiyak kapag may namamatay dahil masikip at masakit sa dibdib. Sa sobrang di ako makapaniwala lumabas ang luha ko ng kusa. Bubuksan sana ng mama nya pero sabi na huwag na dahil pakiramdam ko na mahihimatay na ako kung bubuksan nila yun at di ko kayang makita na lumubo yung tiyan nya.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree