Nang dahil sa sampung piso

256 7 0
                                    


May isa akong kalaro na halos sabay na kaming lumaki o sa madaling salita ay kababata ko, nangyari ito noong walong taong gulang pa lamang ako.

Halos araw-araw kaming naglalaro, sabay naliligo (di pa gaanong uso yung gripo noon haha, alam nyo ba yung poso kung tatawagin ba) at sabay din kami kung pumasok sa school, may time na pupunta pa sya sa bahay namin at minsan naman ay pupunta ako sa bahay nila para makipaglaro lamang.

Isang araw pumunta ako sa bahay nila para makipaglaro sa kanya, yung araw na yun umalis sila mama at may pinuntahan sila at iniwanan nya ako ng pera para pambili ko daw ng pagkain ko, 20.00 ang iniwan nya sakin, para sakin malaking halaga na yun noong kabataan ko pa.

Pero bago ako makapunta sa kanila nabawasan na yung dala kong pera na 20.00 bumili ako ng Oishi yung maanghang tas apat na pirasong stik-o, kaya dahilan na 10.00 nalang ang natitira kong pera.

After kong bumili nilagay ko yung 10.00 sa bulsa ko na medyo mababaw lamang at di kalaliman.

So eto na fast forward ko na, nasa bahay na nila ako laro-laro lang kami ng kung anu-ano may mga pogs, holen at mga salagubang. nagpagulong-gulong ako sa carpet nila hanggang sa napansin ko na nahulog yung 10.00 ko sa bulsa ko.

Akma ko ng kukuhanin yung pera ko ng nagsalita sya ng "akin yan" pero ang sabi ko sakin yun at nahulog ko lamang. Nagpumilit syang kanya daw yun kanina pa daw nya dala-dala yun at nilapag nya lang saglit.

Ang sabi ko naman akin yang 10.00 sukli ko yan sa 20.00 ko kanina, medyo nagtatalo na kami dahil akin naman talaga yun e kinapa ko pa yung bulsa ko at wala yung 10.00 ko.

Inagaw nya sakin yung 10.00 sa kamay ko, syempre ang ginawa ko nakipag-agawan din ako at di sinasadyang nasapok ko sya sa inis. Ayun umiiyak syang pumunta sa mama nya.

Nagsumbong sya sabi nya kinuha ko daw ang pera niya, sumagot naman ako na akin yun at sukli ko yun sa 20.00 na binigay sakin ng mama ko.

Ang ginawa ng mama niya pinauwi nya ako at alam kong galit sya sakin. Kaya simula noong away na yun di na ako nagpunta ulit sa kanila.

One time nagawi ako sa bahay nila at nagtanong yung mama niya sakin, ang tanong niya "Toy, wala ba sayong nasakit?" sumagot ako na wala naman po at sabay umalis na, sya namang nakatitig sakin hanggang sa mawala ako sa paningin niya.

Lumipas ang mga ilang araw, nagkasabay kaming bumili sa tindahan, sya yung naunang bumili sunod naman ako, nagtanong na naman sya "wala kang nararamdaman?" sagot ulit ako, ang sabi ko meron po may ubo po ako. nagtanong ulit "hindi ba nasakit tiyan mo o kahit anong parte ng katawan mo?" syempre ako sagot ulit sabi ko "wala po bakit po?".

Agad syang umalis at ako naman ay naiwang blangko sa mga tanong niya di ko alam kung bakit sya tanong ng tanong kung may nasakit sakin.

Kinaumagahan, nakita ko si mama at nanay ng nakaaway kong kababata ko na nag-uusap, biglang napatingin sakin yung nanay ng kababata ko at inalis agad ang tingin. nag-usap ulit sila ng mama ko at nagtatawanan.

Fast forward ko na.

Konagabihan biglang sumakit ang katawan ng mama ko at nilalagnat sya, si papa ko naman todo asikaso kay mama at ako naman nakabantay lang kay mama.

Ang sabi ng mama ko nasakit daw ang tiyan niya, biglang naalala ko yung mga sinasabi ng nanay ng kababata ko sakin, naalala ko yung mga tanong niya, pero binalewala ko lang ito.

Hanggang sa tatlong araw ng may nararamdaman si mama ay pina-check up na namin sya sabi ng doctor wala naman daw problema kaya niresetahan sya ng gamot na pain reliever sa tiyan.

Halos isang linggo pero ganun pa din, walang pagbabago kay mama at lalo lang nalala, kaya naisip na ni papa na ipagamot sa albularyo si mama.

Pagkagamot kay mama ay nagsalita yung manggamot, kung may nakaaway daw ba syang babae, sumagot naman ang mama ko na wala syang nakakaaway. sabi ng manggagamot may kumukulam sayo na di naman gaanong bihasa sa itim na mahika.

Agad pumasok sa isip ko yung mga tanong ng nanay ng kababata ko sakin. Ang sabi ng manggagamot isang babae na may galit daw ang gumawa nito kay mama o isa sa miyembro ng pamilya namin. Gumaganti ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng sakit.

Napagaling naman si mama at binigyan ng pangonta pero may mga katanungan pa rin ako saking isipan na bakit ganun yung mga tanong sakin ng nanay ng kababata ko at sino yung kumulam kay mama. Bakit si mama pa?.

PS. Alam kong masama ang gumanti, pero ibahin nyo na ang usapan kung idadamay nila ang pamilya ko sa mga binabalak nila dahil hinding-hindi ako magdadalawang isip na iganti sila at pahirapan din sila gaya ng ginagawa nila. Mas dodoblehin ko ang paghihirap nila, pahihirapan muna bago mamatay.

Zephyrus | Tanza, Cavite

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon