Till death, we'll never part (Parts 1-4)

128 3 0
                                    


Part 1

Hello, Spookify! Sa isang sulat ni Albert Einstein sa kanyang anak na si Lieserl, sinabi niya na, "Love is the most powerful force there is, because it has no limits." Dahil sa pag-ibig, maaaring magbago ang isang tao, nagagawa niya ang mga bagay na hindi niya dating ginagawa at natututo siyang magtiis, magtiwala, at maging masaya. Ngunit hanggang saan nga ba ang kayang gawin ng isang tao para sa pag-ibig?

Si Kuya Sherwin ay nag-iisang kapatid ng kaibigan kong si Shiela. Matanda siya sa amin ng apat na taon at nagtatrabaho bilang isang High School Math Teacher. Sa loob ng halos anim na taong pagkakaibigan namin ni Sheila, hindi na mabilang kung ilang beses na kaming bumisita sa bahay nila. Minsan nga ay doon pa kami natutulog ng isa pa naming kaibigan na si Camille. Pero ni minsan ay hindi nakipag-socialize sa amin si Kuya Sherwin. Lagi siyang nakakulong sa kwarto niya at lalabas lang kapag kakain o may iba siyang gagawin. It's understandable naman dahil siguro sa lalaki siya at mas matanda siya sa amin kaya hindi nakikihalubilo kapag naroon kami. Para siyang isang typical "nerd" student na madalas i-bully sa mga napapanood nating pelikula. Nakasuot siya ng makapal na salamin, naka-braces, at laging naka-buttoned up yung polo niya. Matalino si Kuya Sherwin. May isang pader sa bahay nila kung saan nakasabit yung lahat ng mga medals at certificates na nakuha niya noong nag-aaral pa siya.

One time, in-invite kami ni Sheila sa birthday ng Mama niya. Paglabas namin ni Camille sa trabaho ay dumiretso na kami sa bahay nila. Pagbaba namin sa tricycle, saktong papasok pa lang din nun sa gate sina Kuya Sherwin at yung kasama niyang babae. Akala ng mga dinatnan namin ay kasama namin yung babae dahil kasabay namin siyang pumasok. Shookt kaming lahat nang ipakilala siya ni Kuya Sherwin sa buong family bilang girlfriend niya, si Ate Neri. Mas lalo kaming nagulat nang malaman naming si Ate Neri ay yung Dentist pala ni Kuya. Pagkatapos magkakila-kilala, yung initial reaction namin na gulat ay agad ding napawi at napalitan ng saya. Sobrang bubbly ni Ate Neri at kung makisama ay parang matagal na niya kaming kakilala. From then on, naging kapansin-pansin ang mga pagbabago hindi lang sa looks, kundi pati na rin sa ugali ni Kuya. Imbes na salamin ay contact lenses na ang isinusuot niya. Kwento pa ni Sheila, lagi na rin daw siyang nakangiti, na opposite dun sa dating masungit niyang aura. Natuto na rin siyang mag-ayos ng buhok. Kung tutuusin, masaya naman ang pamilya nina Sheila noong una kahit introverted si Kuya Sherwin. Pero sa pagdating ni Ate Neri sa buhay nila, hindi nila inakalang may mas isasaya pa pala ang kanilang pamilya.

Makalipas ang dalawang taon, nagdesisyon nang magpakasal ang dalawa. Sayang nga lang at hindi ako naka-attend sa kasal nila nun dahil na-assign ako sa Bicol for work. Days passed by smoothly, maraming blessings ang dumating sa kanila. Hindi na nagpatayo ng bahay sina Kuya Sherwin dahil yung bahay at lupa ng mga magulang niya ay sa kanya naman maiiwan. Kaya yung ibang ipon nila at cash gifts na nakuha sa kasal ay ginamit nila para palakihin yung dental clinic ni Ate Neri. Nakabili rin sila ng sasakyan. Tinulungan sila ng Daddy ko na makapili ng kotseng secondhand pero sobrang ayos pa. Tapos ay na-promote si Kuya Sherwin bilang Head Teacher ng department niya. Pero ang pinakamalaking blessing na natanggap nila ay ang pagdadalang-tao ni Ate Neri.

Magpa-Pasko noon at pauwi na si Ate Neri mula sa isang party. Nataon naman na kasabay rin ito ng Christmas Party ng department ni Kuya Sherwin kaya hindi niya nasundo ang asawa. Sa kasamaang palad, nabangga ang sinasakyang tricycle ni Ate Neri ng isang jeep at sumalpok ito sa isang delivery truck.

Kung ikinwento lang siguro sa akin at hindi ko personal na nakita ang mga pangyayari, marahil ay iisipin kong ito ay mga eksena lamang sa isang teledrama o di kaya ay excerpt mula sa isang tragic novel. The more na gusto naming isipin na panaginip lamang ang lahat, mas lalong ipinagduduldulan sa aming mga mukha kung gaano ito katotoo. Dahil sa tindi ng pagkakayupi ng tricycle, hindi agad nakuha ang katawan ni Ate Neri. Pagdating sa ospital, wala ng heartbeat yung baby sa sinapupunan niya. At maging siya man ay hindi na nasagip ng mga doktor dahil sa sobrang dami ng dugong nawala sa kanya. Hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit ang pinagdaraanan ni Kuya Sherwin nang mga oras na iyon. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa loob ng mahigit dalawang taon, kahit noong hindi pa sila kasal, ay hindi siya pumalya sa paghatid-sundo kay Ate Neri. Sa kauna-unahang pagkakataon na hindi niya nasundo ang asawa ay isang trahedya pa ang naging resulta. Galit na galit din kay Kuya Sherwin ang mga parents ni Ate Neri. Siya ang sinisisi sa pagkawala ng kaisa-isa nilang anak dahil nabigo raw siyang protektahan ito.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon