Hello po kaspookify. Lexie here, ako nga pala ang sumulat ng kwento ng buhay ni Ligaya, at nais ko lang pong malaman nyo na totoo po talaga ang kwento niya. At kung may pagkakahalintulad man sa ibang actual na pangyayari, ay sadyang nagkataon lamang po ito at di ko po ito sinasadya. Nadidikit lang din naman ang movie ni Cesar na tungkol sa massacre. Share ko na lang ang kwento na gumimbal at nagbigay ng takot sakin. Ito ay totoong kwento nangyari noong 90's. Lingid ito sa kaalaman ng mga millenials kaya this is worth sharing.Sa isang tahimik na bayan sa probinsya ng Batangas, isang estranghero ang dumating. Tawagin na lang natin siyang Madam Chareet, agad na nakagaanan ng loob ng mga taga barrio si Madam Chareet. Isa kasi siyang Faith Healer, tuwing may mga taong nagkakasakit, magpapahilot, nanununo, napagtripan ng mga maligno at nagkapantal sa balat ay lumalapit ang mga ito sa kanya, at magiliw niya naman na tinutulungan ang mga tao. Napapagaling din ni Madam Chareet ang nagkakasakit at dahil dun ay labis na nakuha ni Madam Chareet ang tiwala ng mga tao.
Dumating ang panahon ng taghirap, kung saan ang mga tao ay labis na nangarap na magkaroon ng magandang trabaho para makaahon sa hirap. Agad na nakaisip si Madam Chareet ng paraan para matulungan ang mga tao.
"Alam nyo ba, na nangangailangan ng mga tao na tagapitas ng apple sa California? Naku napakadali lang makapasok, at triple o higit pa ang kikitain nyo dun, napakadali rin lang ng requirements. Birth certicate, ID's, at 20k lang dahil ako na ang bahala magprocess sa passport."
Naengganyo ang mga tao sa sinabi ni Madam Chareet kung kaya't nangutang ang iba at yung iba ay nagbenta pa ng mga kalabaw at alagang baboy para makalikom ng 20k. Naka-recruit si Madam Chareet ng higit sa 5 katao para mapadala daw sa San Diego, California para mamitas ng mga apples.
Dumating ang araw ng paglisan, puno ng luha, haplos ng yakap ang namagitan sa mga taong aalis at sa mga kapamilya nito. Aalis na ang sasakyan na inarkila nila kasama din si Madam Chareet at ang kasama niyang lalaki na syang magda-drive para ihatid na sila papunta ng paliparan sa Maynila.
Umabot na sila nang hapon, pero tila paikot-ikot lang sila at parang napakalayo pa nila sa Maynila, dahil puro bundok pa rin ang madalas nilang nakikita. Kaya nagtaka na ang mga taong nakasakay. Dahil dun, binasag na ni Madam Chareet ang pagdududa ng kanyang mga ni-recruit. "Hinaharangan tayo ng mga diyablo, hindi nila gusto na makaalis tayo, pero huwag kayong mag-alala. Kaya ko silang iwasan at talunin, hindi tayo mapapahamak."
Kinagabihan. Ang dilim ay nagdaragdag ng takot sa kanina pa nilang nararamdaman, ang tahimik na lugar kung saan sila ngayon ay nagbibigay badya na sa anumang sandali ay naghihintay na ang hindi inaasahang kapahamakan. Sa katahimikan ng gabi, tanging hampas ng hangin sa mga puno at ingay ng mga insekto lang ang nagbibigay ng tunog sa paligid. Binasag na naman ni Madam Chareet ang katahimikan.
"Napakalas ng mga diyablo, hinahabol nila tayo, kailangan na natin silang harapin. Kailangan muna nating bumaba ng sasakyan."
Natatakot na ang mga tao na kanyang ni-recruit. "Kailangan nyo ng proteksyon para hindi kayo basta basta magagapi ng mga diyablo."
Pinainom ni Madam Chareet ng tubig na may tawas na kanina pa niya inihanda ang kanyang mga ni-recruit. Pagkatapos uminom ng mga tao ay nagsalita siya.
"Kailangan nating magdasal, kailangan ko din kayong piringan at igapos ng kulay pula habang nagdarasal. Para hindi nyo makita ang nakakatakot na mukha ng mga diyablo at para hindi kayo magagalaw dahil ako na ang bahalang lumaban sa kanila."
Dahil sa labis na tiwala, ay sinunod ng mga tao si Madam Chareet. Si Madam Chareet at ang driver ang naggapos sa kanila. Sa kalagitnaan ng dasal ay walang anu-ano ay pinagtulungang pagsasaksakin ng driver at ni Madam Chareet ang kaawa-awang mga biktima. Si Madam Chareet ay humahalakhak pa habang sila'y pinagsasasaksak.
Isang linggo ang nakalipas. Masaya si Madam Chareet na nakatanggap daw siya ng sulat sa kanyang ni-recruit. Binigay niya ito sa mga kapamilya ng kanyang mga biktima. "Oh diba, maganda na ang buhay nila doon. Imagine, mamimitas lang ng apple dolyar na."
Naniwala rin naman ang kamag-anak na nandun na nga sila sa U.S. dahil parehas daw ang sulat kamay. Kaya marami na naman ang naengganyo kay Madam Chareet.
Samantala, sa himpilan ng pulisya sa Laguna, a day after magawa ang krimen ay isang bangkay na nakapiring at nakatali ng kulay pula ang natagpuan nila. At ganun din sa iba pang mga bayan o kalapit na probinsya na labis ang pinagtataka nila. Nabuo ang hinuha nila na iisa lang ang may gawa ng krimen. At sa kabutihang palad ay may nakakilala sa bangkay at doon nga na-trace ng mga pulis ang utak ng gumawa ng masasabi mong "Perfect Crime." Kaya masusi nilang inimbestigahan ng mga dalawang linggo bago gumawa ng aksyon.
Masaya na nagsasagawa ng orientation sa kanyang bahay si Madam Chareet sa kanyang mga bagong recruit, nang may mga pulis na dumating at siya'y dinakip. Nadakip din ang driver na kamag- anak din pala ni Madam Chareet.
Umamin ang driver sa nagawang kasalanan at kung paano nila pinatay ang mga biktima. Pero si Madam Chareet ay todo tanggi pa rin at pinagdidiinan na nandun nga sila sa San Diego at namimitas ng mga apple.
Napag-alaman din ng pulisya na ang pag-inom ng tubig na may tawas ay nagpapahina sa katawan ng tao kung kaya siguro ay di na nagawa na manlaban ng mga biktima kahit na nakagapos.
At para sa kaalaman ng karamihan ang kwentong ito ay lumabas na sa isang investigative program sa isang sikat na istasyon, 9 years ago.
Sino ba namang mag-aakala na ang pinagkakatiwalaang Faith Healer, ay isa palang illegal recruiter at isa ring SERIAL KILLER...
Lexie
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree