The Wake & The Game

177 4 0
                                    

Ang Lamay

Here's the story of my great grandfather (kapatid ng lola ko sa mother's side). Ang story na ito ay kinuwento ni Mama sa amin na kinuwento sa kanila noong buhay pa yung great grandfather namin. Sa Cebu nangyari ito. Pilyo at malikot na bata daw ang great grandfather namin. Paborito niyang tambayan ay sa taas ng puno. Binatilyo siya noon ng mamatay ang great great grandmother namin, meaning ang mama niya.

Habang pinaglalamayan ang mama niya ay hindi niya nagawang lumapit dito. Noon, hindi uso ang embalsamo kaya isang araw lang pinaglalamayan at inililibing kaagad ang patay. Sa mga probinsya, uso dito kapag may patay ay magkakatay ng baboy para ipakain sa mga bisita. Alas sais ng hapon ay marami ng bisita sa bahay nila kaya umalis si lolo at pumunta sa paborito niyang puno (hindi sinabi ni mama kung anong puno iyon) at inakyat ang pinakadulo nun kung saan kita niya ang nangyayari sa kanilang bahay.

Hindi pa naman madilim noon kaya kitang-kita niya. Habang pinapanood niya ang nangyayari ay nagtaka siya nang namataan niyang may isang grupo ng lalaki na puro nakaitim na papalapit sa kanilang bahay. Nakakahinala ang mga galaw nito kaya sinundan niya ang mga bawat galaw ng mga lalaki. Ngunit ang mga nasaksihan niya ay nakakakilabot.

Napansin niyang parang hindi nakikita ng mga tao sa bahay nila ang grupo ng mga lalaki na yun. At parang may kung anong sinasaboy ang mga ito sa paligid ng kanilang bahay. Maya-maya pa ay tumungo ang dalawa sa mga ito sa likod bahay nila kung nasaan ang kusina. Nakita niya ang mga itong lumabas bitbit ang bagong katay na baboy. Ang iba naman ay pumasok sa kanilang bahay bitbit ang isang katawan ng puno ng saging at sa paglabas ng mga ito ay bitbit na ang bangkay ng kanyang ina saka dinala ito sa likod bahay nila.

Agad siyang bumaba sa punong kahoy at tumakbo sa kanilang bahay. Natanaw niya pang naglalakad na palayo ang lalaki bitbit ang baboy. Nilingon pa siya ng isa at nginitian hanggang sa sila ay naglaho. Pumasok siya sa kanilang bahay at sinilip ang ataul na gawa sa kahoy. Nakita niya ang balani na nandun. Pinagalitan pa siya dahil nagsisigaw siya na kinuha ang bagong katay na baboy ng mga lalaking nakaitim.

Mabilis din siyang pumunta sa likod bahay nila at nagulantang siya sa nasaksihan. Kinakatay ng kaniyang mga tito at kapatid ang bangkay ng kaniyang ina. Pinigilan niya ang mga ito at sinabing hindi baboy ang hinihiwa nila kundi ang mismong ina nila pero pinagkamalan siyang baliw dahil baboy daw iyon. Nagwala si Lolo nang niluto na ang kanyang ina at pinakain ito sa mga bisita. Nawala siya sa sarili ng mga panahong iyon at parang nagkasayad dahil pinipilit niya ang pamilya na hindi ang kaniyang ina ang kanilang nilibing at ang ina nila ang nakatay. Pero walang may naniwala sa kanya.

Until his aunt came, isang mananambal (albularyo). Kinausap siya nito at sinabing totoo ang nakita niya. Hindi daw mga tao ang nakita niyang mga lalaki (hindi nga lang sinabi kung anong elemento ang mga yun). Isang sumpa ang ginawa ng mga ito para linlangin ang mga mata ng mga tao. Ngunit hindi nasakop ng sumpa si Lolo dahil nasa itaas siya ng puno. May ganun talagang mga nilalang na pinaglalaruan ang mga tao.

Kaya simula noon ay palaging sinasabi ni greatgrand Lolo sa kanilang mga anak at apo niya na huwag na huwag kakain ng ulam sa mga lamay dahil hindi mo alam kung ano na ang kinakain mo.

Pero heto ako kumakain, lalo na kung humba ang putahe. Hahaha! Pero syempre depende sa lamay na pinuntahan. Kung ka-close namin o malinis ang pagkakaluto. Lol.

Ang Laro

Story ito ng kakilala ng parents ko. Kinuwento nito sa amin.

Si Melchor ay first time dad. Tuwang-tuwa siya sa apat na taong gulang niyang anak. Simula nang makapanganak ang kanyang asawa ay naging hands on na siya sa bata. Kahit pa nagtatrabaho siya ay naglalaan talaga siya ng oras para sa kanyang pamilya. Isang araw ay nakipaglaro si Melchor sa kanyang anak habang busy naman ang kanyang maybahay sa mga gawaing bahay.

Ngunit nagulat na lang ang asawa ni Melchor nang marinig niya ang boses ng anak na ginigising ang ama nito. Akala niya ay nakatulog lang si Melchor kaya hindi niya agad pinansin at tinapos lang ang gawain. Nang mabakante siya sa gawain ay naisip niyang silipin ang mag-ama niyang naglalaro. Naririnig niya pa rin ang boses ng anak na tinatawag ang ama.

Laking gulat niya ng maabutang wala ng buhay si Melchor habang may taling mahigpit na nakapulupot sa leeg nito. Nakabulagta ito sa sahig. Ang anak naman niya ay nakaupo sa tabi ng ama at patuloy na ginigising ito. Pinalabas na lang ng asawa ni Melchor na binangungot ang asawa dahil sa takot na baka ang apat na taon niyang anak ang may gawa sa dahilan ng pagkamatay nito. Habang pinaglalamayan si Melchor ay kinausap ang bata ng lola nito.

"Ano ang nangyari habang naglalaro kayo ng papa mo, apo?"

"Si papa, naglaro kami ng patay-patayan. Tinali niya yung pisi sa leeg niya at sinakal ang sarili. Tawa ng tawa si Papa pero may biglang dumating na lalaki, sobrang pangit ng mukha. Maraming sugat ang balat niya at maraming nana. Hinawakan niya yung pisi at hinigpitan. Hindi nakahinga si Papa at ayaw nang gumising."

Pinatingnan nila sa mananambal ang bata at sinabi ng albularyo na nagsasabi ito ng totoo. Na pinatay si Melchor ng isang pangit na nilalang. Sabi pa nga ng bata na nasa lamay rin yung pumatay sa papa niya at may kasama pang ibang kagaya nitong pangit ang hitsura.

Story Lesson: Never ever play with death because you don't know who's behind you and who may pull away the strings of your life.

-Maria Winona

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon