Boundary at Subdivision

165 5 0
                                    


Hi po admins! Minerva po ulit. may kapangalan po pala ako dito na ibang sender before. Itong sa akin ay code name lang at madaling mahulaan kung sino ako, dami kong friends na nagbabasa dito hehe. Share ko lang yung recent experiences ko ngayong nagwo-work na ko dito sa Bicol.

BOUNDARY

Gabi na ng makaalis kami ng mga katrabaho ko sa isang event sa Camarines Sur. Apat kami noon na nakasakay sa sasakyan at pauwi na rin kami ng Camarines Norte. noong una maaliwalas pa ang paligid tamang patugtog lang din ng music sa loob para di antukin dahil liblib pa ang daraanan paglagpas ng Sipocot ay magbitukang manok na at Bicol Natural Park. Sa pagkakatanda ko walang masyadong sasakyan na kasabay at kasalubong ng gabing yun. Mabilis ang takbo namin nang biglang nagulantang kaming lahat ng may matangkad na matandang lalaki na nakatungkod out of nowhere sa isang tulay na daanan. Nakakapagtaka dahil liblib na lugar yun at walang kabahayan sa paligid. mag-aalas onse/alas dose na nun ng hatinggabi. Muntik na namin siyang masagasaan mabuti nalang at nakapagpreno saglit at nakaiwas. Kitang-kita ko yung itsura nung matandang lalaki dahil nasa unahan ako. As in ilang inches na lang mahahagip na namin siya pero wala man lang siyang reaksyon, gulat, o kibo. As in wala! Dun na ako kinabahan dahil ang bilis-bilis dapat kung tutuusin ng pangyayari pero nung mga panahong yun parang nag-slowmo ang paligid at nagawa ko pa siyang matitigan. Nagkatitigan pa kami. Matangkad na matandang lalaki, medyo mahaba ang buhok na mapusyaw/may kaputian ang balat, mestisuhin ang dating, nakalumang damit, at may tungkod na may carvings pa. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa amin kung ano ba siya, ermitanyo? engkanto? mentally challenged? aswang? hindi namin alam.

SUBDIVISION

May tinitirahan kami na isang bahay sa isang subdivision sa Camarines Norte (di ko na babanggitin ang specific na lalawigan). Malapit naman siya sa highway kaya convenient na rin para sa amin. Isang gabi natutulog kaming dalawa ng katrabaho ko nang maalimpungatan ako ng mga ala una ng madaling araw dahil na rin sa ingay ng paligid. Lahat ng aso pati aso ng kapitbahay ang iingay tapos yung mga gates parang kumakalampag tapos pinakinggan kong maigi. May naririnig akong nagtatakbuhan sa bubong namin pati sa kabilang bahay. Halata naman pag hindi yabag ng pusa yun at imposibleng mga magnanakaw yun. Ano yun squad goals sila sa dami?! Anyway, mabuti nalang at nakasara lahat ng bintana nun at triple locked lahat ng pinto. Tapos ang natatanging bukas ang ilaw ay ang kusina. Hindi ako mapakali, lumabas ako ng kwarto pinakiramdaman ko ganun pa rin. Binuksan ko ang ilaw pati sa sala at sa cr. In fairness sa housemate ko ang himbing niya matulog nun, di man lang nagising sa ingay. Medyo kinabahan na ako nung parang tumatalon na ang mga yabag sa itaas. Kinuha ko yung walis tingting at nilagay pabaliktad sa main door tapos naglagay ako ng mga asin-asin sa mga binta-bintana at bumalik na sa kwarto. Nagdasal lang ako ng nagdasal habang nakatalukbong ng kumot hanggang sa makatulog. Pagkagising ko kinuwento ko sa housemate ko tapos chinat ko kay mama. Sabi ni mama aswang nga yun. Naalala ko tuloy ang sinabi ni ate Clarice (nakilala ko sa isang biyahe ko) na merong pamilya ng aswang sa dulo ng subdivision na yun at laging may naglalako or namimigay ng gulay sa gabi, huwag na huwag ko daw tatanggapin.

Minsan naman gaya nitong mga nakaraang araw, ramdam ko na may umaali-aligid. Bigla na lang tatahol mga aso sa may bintana habang nakatitig lang dun. pag-iispatan ko naman ng ilaw lalo na pag madilim na walang tao or motor or ibang hayop sa paligid. Lately din, pagkagising ko sa umaga ang sama ng pakiramdam ko at ang sakit ng katawan ko na parang nag-gym ako for first time tapos intense ganun yung feeling tapos mga 2-3x akong maalimpungatan yung panaginip ko nagtutuloy-tuloy lang kung saang parte naputol. May isang beses din na saktong brownout na naman eh gabi na matutulog na at ako lang mag-isa. Nagsindi nalang ako ng mga kandila para may ilaw. Nakahiga ako nun nang may biglang parang bumubulong sa tenga ko ang lapit-lapit pero di ko maintindihan tapos ang dami hanggang sa parang nag-static na lang yung tunog. Natakot ako nun juskupo ako'y nagdasal na lang talaga at wala namang ibang magpo-protekta sa atin kundi pananampalataya natin. Narinig ko pa yung telepono ko na mga 2-feet ang layo sa akin na tumunog ng sabay-sabay parang yung pag nawalan ka ng signal tapos biglang bumalik at tsaka pa lang nagsisipasukan ang mga mensahe ganun. Di ko na inabot baka kung ano pang makita at mahawakan ko hinayaan ko nalang. Hanggang sa nakatulog na ako at mag-umaga na. Tiningnan ko ang phone ko, iisa lang ang text at 8:05am pa.

Magdasal palagi. Thank you po.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon