Ligaw

229 4 0
                                    

A Tagaytay Creepy Experience.

It was night of November 2, 2019 (Saturday) ng magkayayaan kaming mag-roadtrip at magkape ng mga pinsan ko at kapatid kong bunso sa Tagaytay. It was nothing new to us since we've been doing it kapag may time kami (Tagaytay roadtrip) and we used to have fun, takutan with matching loud music palagi. Same route, walang ibang dinaraanan at sobrang kabisado na namin yung way lalo na ako as the driver. At around 12:35 AM (Nov. 3), we've decided na umuwi na kasi may pasok pa kami ng 1 cousin ko kinabukasan. I remembered chatting my boyfriend pa telling him "pauwi na po kami" at exactly 12:35AM. Ang way namin from dun sa coffee shop na tinambayan namin going home is kakanan kami so I turned right. Nothing seemed wrong at first kaya tuloy lang ako sa pagda-drive kasi walang 1 km darating kami sa kakaliwaan going Sta. Rosa, Laguna. While we were heading to (sa kakaliwaan namin) sobrang bagal ko lang magpatakbo kasi nga nagkukuwentuhan din kami ng mga cousins ko. We even talked about yung sa mga bata na naaksidente dun mismo malapit kung saan kami nanggaling and yung story about dun sa malaking itim na aso na ang sabi daw nangunguha ng mga kalaro until, yung kapatid ko at 3 cousins (all at the same age mid 20s) may nakita silang malaking asong itim sa gilid ng daan which ako na driver hindi ko nakita sabi ko sa kanila ang nakita ko yung madaming aso hanggang nagsi-zero visibility na. Natuwa pa kami kasi sobrang foggy na. Naisip namin ulit magtakutan kagaya ng ginagawa namin tuwing magro-roadtrip kami sa Tagaytay hanggang sa may nakita kaming 4 na lalaki na may mga motor pero nakatigil lang sila at nag-stretching at the middle of the night. Tumigil din kami kasi medyo lumiwanag sa part na yun balak sana naming kunan yung daan kasi nga foggy. Pero hindi lumalabas sa cam na foggy kaya we've decided na umalis nalang. Dumilim ulit yung daan hanggang sa marating namin yung pakurba-kurbadang mahabang tulay. Sabi ko sa mga cousins ko, "ang haba naman ng tulay na ito, wala naman tayong nadaanan na ganito kanina" iba na yung kabog ng dibdib ko nun kasi ramdam kong may kakaiba na. Narating namin yung dulo ng tulay, sa dulo nung madilim na tulay, biglang nagkaron ng sangang daan kaya napatanong ako "hala 2 yung daan saan tayo dito?", tsaka wala naman tayong intersection na nadaanang ganito kanina, "mag-waze nga kayo", sabi ko sa kanila pero nawalan kami ng signal sa spot na yun. That's when tumayo yung mga balahibo ko ng di mapaliwanag yung kaba at parang pakiramdam ko nanlalaki yung ulo ko na ewan. Nag-decide akong itakbo yung kotse pero dahan-dahan lang kasi nilalabanan ko yung isip ko thinking naliligaw nga ba kami or kasi foggy lang kaya ganun hanggang sa biglang may sasakyan na sumulpot sa likuran namin biglang nag-overtake samin ang bilis pa ng takbo eh di na nga halos maaninag yung daan, lumiko sya pakaliwa dun sa pataas na daan. Hindi ko sya sinundan, sabi ko sa mga cousins at kapatid ko "mali, may mali, wala tayong nadaanan na ganito. balik tayo" at dali-dali akong nagmani-obra habang nangangatog na ako sa takot. Pag-ikot ko, dun na mas lumala yung takot namin kasi dapat dadaan ulit kami sa mahabang madilim na tulay biglang boom walang tulay. Nasaan yung tulay? Guess what anong nakita namin pag-ikot namin? 7/11 at hotel, maraming establishments, mga punong may christmas lights at sobrang maliwanag. Napasigaw nalang ako na "hala bakit nagka-7/11 diyan? Wala tayong nadaanan na kahit anong establishment kanina nakatutok ako ng tingin sa daan puro madilim lang na mapunong daan at mahabang tulay. Hindi ko kinayang ituloy mag-drive kasi sobra na akong nanginig sa takot hanggang sa napaiyak na ako parang nasa panaginip lang na nagbago bigla yung setting ng paligid sobrang nakakapanlambot sa takot. Noon ko na sinabi sa mga kasama ko na magbaligtad kami ng mga damit. "Naliligaw nga tayo" nagpa-panic na kami buti yung 1 cousin ko kalmado. Sabi nya "huwag kayong matakot kasi lalo tayong di makakapag-isip niyan. May piso ba kayo? Maglagay tayo sa bulsa" tapos we prayed. Nung nahimasmasan na kami, pinaandar ko na ulit yung kotse. Pinag-waze ko ulit sila pabalik ng Tagaytay-Sta. Rosa road buti nagka-signal na, it took us 3 kms going back there mula sa lugar na tinigilan namin pero walang 5 mins namin narating yung madilim na lugar na yun tapos sobrang bagal pa ng takbo kasi nga sobrang madilim at foggy. Ang layo nung pabalik na kami, narating namin yung rotonda going Sta. Rosa, kumalma na kami at napagkasunduan na di na kami daraan muna sa mga liblib (we even tried kasi yung newly opened expressway going Tagaytay yung CALAX) eh madilim din kaya di na kami dun dumaan pauwi. Pagdating namin sa may stoplight ng Nuvali, nagsalita yung kapatid ko "saan kaya dumiretso dun yung white na ford na kasunod natin na nag-overtake satin 'no?" biglang sumagot yung 1 cousin ko sitting at the back, white na ford?" Sabi ko "oo yung biglang sumulpot sa likuran natin dun sa sangang daan" biglang natakot na naman kami kasi sabi nung cousin ko "hindi white yun, black yun". Sumagot ako thinking malinaw na white na ford na sasakyan din ang nakita ko kasi nailawan ko pa nga pag-overtake samin. Yung 3 cousins ko sitting sa back seat lahat sila black na sasakyan daw yung nag-overtake samin. Pero kami ng kapatid ko, white talaga na sasakyan yung nakita namin. Hanggang sa sinabi ko mag-pray nalang kami na sana makauwi na kami.

"To experience is to believe" this is the creepiest thing I've ever experienced in my whole life. Thank God, hindi nya kami pinabayaan. Most powerful weapon when things like this happened is prayer talaga and presence of mind.

This is a true story. Not for any purpose other than letting others be aware na totoo sya. May ganun nga sa Tagaytay, "Tigabulag" kung tawagin sabi ng mama ko.

Keep safe driving and going out late at night. We'll never know what's ahead of us #creepiestexperience #ligaw

- Architect
Sta. Rosa City, Laguna

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon