Deliver us from evil

92 4 0
                                    


Hello, Spookify! Kwentuhan ko muna kayo.

Every summer, may ginaganap na week-long Youth Camp na sinasalihan ng church namin. Usually, around 10 churches ang nagpa-participate dito at ang mga allowed na sumama ay yung mga nasa age 15 and up (basta wala pang asawa). Pinaghihiwa-hiwalay kayong mga magkaka-church for the purpose of teaching independence at para na rin maraming makasalamuhang iba. Minsan, merong mga na-a-out of place lalo na kung mahiyain sila at hindi nila ganoon kakilala yung mga bago nilang kasamahan.

One time, naisipan ng isang pastor na mag-conduct ng mini-camp na kami-kami lang muna na magkakalapit na churches ang kasali (apat na churches lang kami, yung mga pastors namin ay magkakaibigan kaya close-close kami) as preparation para sa main Youth Camp. Ito ay para mabigyan ng idea yung ibang first-timers na sasama kung paano yung routine sa Youth Camp. Three days and two nights lang yun at sina Pastor Sam ang magho-host since siya ang nagplano. Gaganapin ang mini-camp sa mission house ng church nila.

Ang mission house ay nasa ibang barangay at medyo secluded yung location. Dating bukirin yung kabuuan ng lugar na iyon pero unti-unti na nilang dine-develop into a residential area. Kapag may mga bisitang pastor sina Pastor Sam, sa mission house sila pinapatuloy (kapag marami sila). Doon din karaniwang ginaganap yung mga fellowships or kapag may event sila sa church. Pero kapag walang bisita or walang okasyon, bakante yung property. May mga church workers naman na pumupunta kapag araw para i-tend yung gulayan doon, mag-harvest, maglinis, etc. pero hindi sila doon natutulog. Maluwang yung lupang sakop ng property. Nasa gitna yung 2-storey lodging. Sa ibaba makikita ang kusina, malaking dining area, sleeping quarters, at banyo. May isa ring malaking sleeping quarters sa itaas at banyo. Open space yung front yard. Sa likod naroon yung gulayan na di nawawalan ng mga bunga.

Monday morning, hinatid kami doon ng pastor namin na si Pastor Nel. 15 kaming lahat from our church kabilang kaming apat na magkakapatid. Sa mga hindi pa nakakabasa sa mga previous stories ko, ako po yung panganay, kasunod ko si Marcy, then si Marj, at yung bunso naman ay si Mandy na 15 pa lang that time. Yung buong morning na yun ay arrival at registration pa lang kaya sa dining area muna kami naka-stay kasama yung mga gamit namin. After lunch, nag-start na ang roll call. Hahatiin kami into four groups at yung 60+ na total participants ay idi-distribute randomly sa bawat grupo. Bale sa aming 15 na magkaka-churchmates, apat or tatlo lang kaming magkakasama sa isang group. Kami ng mga kapatid ko dahil magkakasunod kaming nakalista sa registration form, nagkahiwa-hiwalay kami. Nang ma-i-announce na yung members ng bawat group, pinapasok na kami sa mga quarters pero hiwalay yung mga lalaki sa mga babae. Sa ibaba yung mga boys at kami naman ay sa 2nd floor.

Now, pardon me for the information overload, describe ko lang saglit yung itsura ng mission house para ma-imagine nyo rin yung mga upcoming scenes sa kwento. Mas malaki yung floor area ng 1st floor kaysa sa itaas. Style canteen yung dining area wherein walang wall na naka-enclose dito. Mga long tables, benches, at water dispenser lang ang naroon. Kahati ng dining area sa space yung kitchen. Isang wall na may malaking sliding window lang ang nakapagitan sa kanila. Kapag kakain, pipila kayo sa window at dun sa left side kayo bibigyan ng kanin tapos uusog sa may right side para naman sa ulam. May glass door din sa gilid papasok sa kusina. Kung nasa dining ka, kita mo yung mga nasa loob ng kitchen dahil clear yung glass window. Sa right side ng dining area, naroon yung pinto papunta sa mga sleeping quarters. Pagpasok mo, kaharap mo na agad yung hagdan paakyat sa 2nd floor. Ilang hakbang lang ang layo nito mula sa pintuan. Kapag nasa paanan ka ng hagdan, nasa left side yung pintuan ng sleeping quarters ng mga boys. May pasilyo sa pagitan ng quarters at hagdanan na papunta naman sa banyo. Sa 2nd floor naman, may maliit na sala tapos ay yung kwarto ng mga girls at sa side ay naroon ang banyo. Walang mga beds or double decks sa mga kwarto pero may mga mattresses naman for each.

Isa sa mga house rules sa camp ay kailangang sama-sama ang bawat team sa lahat ng ginagawa. Kapag kakain at matutulog ay mga groupmates mo dapat ang mga kasama. Ako yung tumatayong leader ng mga girls sa Group 1. Sa Group 2 kabilang si Marcy at ang leader nila ay si Rachel na isang registered nurse. Sa Group 3 kasali si Marj at ang leader ay si Bella. Nasa Group 4 naman si Mandy at ang leader ay si Joy. Bawat grupo ay may kanya-kanyang space na in-o-occupy sa loob ng kwarto. Nag-dinner kami bandang 6pm and after that, dumiretso na kami sa congregational area sa likod ng bahay. Nagtayo sila ng malaking tent sa space doon sa pagitan ng bahay at ng gulayan. Apat na row yung mga upuan, one row for each group at may maliit na podium sa harapan para sa preacher.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon