The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)

228 7 1
                                    

PART 1

Hi po matagal na akong tambay sa page na ito pero ngayon lang ako magko-confess ng sarili kong experience. If this story does not qualify na ma-post dito sa spookify kasi hindi sya tulad ng usual stories na napo-post dito it's ok pero pag na-post po it would be cool.

Hi! Itong ikukuwento ko ay nangyari last year. I was sent to this particular institute dahil may mga issues ako na ayaw ng problemahin ng parents ko. Hindi ko na papangalanan yung lugar pero medyo hindi sya pangkaraniwan. Ang alam ng mga nasa labas bagsakan itong lugar na ito ng mga batang privileged, medyo tama naman sila. Pero ang totoo, ang lugar na ito ay tapunan talaga ng mga batang pinagsawaan na ng mga magulang nila. Rehabilitation Center na ang front is privileged school. At syempre na-admit ako sa lugar na ito so I guess alam nyo na, na may problema ako sa sarili ko. Self Harm, Substance Abuse.

Maraming nangyari sakin sa school na ito (ang mga students dito ay dito din nakatira) pero itong ikukuwento ko ngayon ay naka-focus nalang sa pinaka-highlight ng experience ko. Sobrang dami kasi ng nangyari kaya masyadong mahaba pag nilahat ko.

Pumayag akong pumasok sa school na ito kasi ayaw ko ng bumalik. Plano ko ng patayin ang sarili ko agad-agad. Unang araw ko palang inisip ko na kung saan at paano. Since pagpasok ko ang unang tumambad agad sakin is yung clock tower na nasa gitna ng main building, yun na yung napagdesisyunan ko. Yung tower mas mataas pa sya sa kahit anong building sa buong school. Ayun na yung plano ko, tatalon ako. Exactly 1 week na since nag-move in ako nung pinlano ko ng tumalon para tapos na. Gabi yun halos tulog na ang lahat, ang dali kong na-manage na makapunta sa tower ng hindi ako napapansin ng mga nagro-roam na guards. Nire-ready ko na yung sarili ko, nakatayo na ako sa edge ng may tumulak sa akin. Damang-dama ko talaga yung pagbulusok ko, yung lumalaki yung ground sa paningin ko habang papalapit ako ng papalapit. Sobrang bilis. Alam ko na, na yun na talaga tinuldukan ko na yung boring kong buhay. Kaso lang eto na yung hindi ko maintindihan. Dapat itim na lahat dapat tapos na ako kaso lang nakatayo na naman ako sa may bintana ng tower nasa taas pa rin, buhay. Pero sure ako na nalaglag na ako kahit yung buwan nakita yun! Bumulusok na ako pababa. Tapos may nagsalita nun sa likod ko na parang gumising sa pagkakatulala ko. "How was it?" nung nilingon ko, sya na nga. Nakangisi, pero blangko yung mata na nakatitig din sa kawalan. Yung babaeng since first day ay umagaw na sa atensyon ko at magiging kaibigan ko sa mga susunod na buwan ko sa school na yon. She's actually the mystery and I know she's the one behind this experience too. Hindi ko pa alam kung ano sya but I'm sure hindi sya sa side ng kalaban natin. Sya nga yung nag-introduce sakin sa Bible eh. Pagkalingon na pagkalingon ko sa kanya hinila nya yung kamay ko kaya napababa ako sa sahig. "You are meant to stand Troy. You should stay where you belong. Kung hindi mahuhulog ka talaga at masakit mahulog" nakatulala lang ako nun sa kanya kasi pino-process ko pa yung nangyari. "Hinanap pala kita kasi ibibigay ko sayo ito" binigay nya sakin yung coin na hawak nya tapos nginitian nya ako bago sya umalis pababa sa hagdan. Next thing I know umaga na nasa kwarto na ako, ni hindi ko nga alam kung paano ako nakabalik. Obviously buhay pa ako at dahil yun sa kanya nagkaroon ulit ako ng gana kasi kahit papaano nagkaroon na ako ng kaibigan. Ngayon wala na sya. Sinulat ko yung mga nangyari buong school year para hindi magkatotoo yung promise nya sakin na makakalimutan ko sya. Gusto ko sanang i-share kaso sobrang dami kaya ito nalang muna.

- Hey Nadia, wherever you are right now I want you to know that I will never forget you.

PART 2

Hi, it's Troy again thank you po Admin if ever po na you allow me to share my experience for the second time.

Tutal madami naman po ang nag-respond sa first confession ko naisipan ko na baka may magkainteres pa if ever magkaron ng part 2 ako. Sorry po Kung Hindi ako makapag-isip ng magandang title. Thank you po sa mga nagbasa nung una.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon