Compiled Stories 18

195 4 0
                                    


Room 203

Hi po. First time kong mag-send dito ng story. I am not a believer of 2nd dimension, ghosts or whatsoever scary matter. Pero this experience convinced me that somehow it does exist. So yun, the story goes like this.  I am a college student na, 2nd year to be specific. Since yung course ko e medyo mahirap, madaming units yun. I have to attend night class para ma-accomplish ko yung tatlong major subjects sa isang sem. Our evening class usually starts at 5pm up to 8pm (2 subjects yun pero iisa lang ang prof). Hindi lang yung klase namin ang may night class, pati ibang section at course meron din. Ang ginagamit naming room for night class e yung building ng department namin, para di mahirap mag-adjust sa atmosphere ng room. Marami na akong naririnig na creepy stories sa building na yun, like naglalaho daw yung hagdan every 3pm (kaya sarado yung building kapag 3pm), may nagsasabi naman na may naglilinis daw sa laboratory kapag gabi, may narinig na din akong fake student sa department na yun na hindi naka-register ang name sa school pero pumapasok sya sa lahat ng subjects, kaya nag-dissolve sila ng isang section. Pero di ako naniniwala kasi lahat naman may scary background story diba, so para sakin napaka-common na nung scenario. One night, that was exactly 6pm, I asked my professor if I can go out. Sinakto kong 6pm kasi almost 15 mins ko nang tinitiis yung sakit ng pantog ko, I told myself "Keri mo yan, pag nag-6pm punta ka ng cr." I hold it too long kaya paspas ako papuntang ground floor para mag-cr. Just after I stepped outside the door,  medyo nalula ako. I thought I was just hungry kasi wala pa akong kinakaing kanin. As I took the first step sa hagdan, di na ako naging okay. Kahit medyo nalulula, nakarating ako ng room namin na  medyo okay na, ganon kasi ako pag nalilipasan ng gutom. Then I told my seatmate na "Pakisabi kay prof masakit ang ulo kaya magpapahinga muna ako" sumubsob ako, pero in reality okay na ako, gusto ko lang mag-take ng nap. Sarap ng tulog ko that time, as in para akong nasa bahay hahaha. Then, I woke up through my classmate's voice. "Gising ka diyan, may activity si prof anong ginagawa mo diyan?" Yun yung natandaan kong sinabi nila (mabilos talaga akong magising sa boses ng tao). I was surprised and at the same time felt scared kasi I woke up in a dark room. Kasama ko yung mga kaibigan kong gumising sakin. Blank pa yung isip ko, nakakaewan. Akala ko nananaginip ako sa sobrang pagtataka ko, sabi nila right after ko mag-cr dumiretso daw ako dun sa room beside ours. That is Room 203. Nagtaka sila kasi dire-diretso ako dun sa room, kaya after 5 mins sinundan na ako ng friend ko at ginising. Sobrang nangilabot ako that night, kasi sure ako na nandun ang mga kaklase ko sa room na pinasukan ko. Pero I just woke up like that. Kinausap ako ng prof ko, then he replied "Kaya ayokong gamitin ang room na yun kapag may night class ako." Good thing pinauwi kami ng maaga kasi napaka-creepy, hindi rin natuloy ang activity dahil sa nangyari. Ewan ko if that was just a result of hunger or nangyari talaga because of its strange background. I had a photo of me sleeping inside that room taken by my friend. Tinatawanan nila ako nung una, but when she noticed something strange about that photo, dinelete nya that instant.

-Renang

Mga Pumanaw na kamag-anak at ang Tawa

Hi Admins. Gusto ko lang i-share yung isa sa nakakatakot at the same time nakakalungkot na nangyari samin.

Last December 2018 na-ospital yung Lola ko dahil sa iniinda niyang sakit sa tiyan. Ang akala lang namin ay acidic lang talaga si Nanay pero mali kami. That month nalaman na namin na may sakit pala si siyang cancer sa pancreas. Sobrang bilis ng pagbagsak ng katawan niya. Isipin mo December to February biglang payat siya. Yung dating katawan niya na mataba biglang Payat. Dati kaya niya pang umihi mag-isa ngayon need niya na ng mag-aakay pabangon at pahiga. Nagulat kaming lahat. Lumipas yung mga araw. January 15 nakapag-celebrate pa ng birthday niya. Yung tita kong galing America umuwi para alagaan siya. Panganay kasi nila mama yun. Akala namin gagaling pa siya. Btw, 78 na pala si Nanay that time. Lumipas ang mga ilang araw bigla nalang hindi kami makilala ni Nanay. Kahit ulit-ulitin mo yung name namin iba pa din yung sinasabi niya. Ang nakakatakot dun ay yung mga kamag-anak niya ng namatay yung sinasabi niya. Minsan ang tawag niya sakin ay yung pinsan niyang namatay na. Ilang araw din na ganun ang nangyari samin.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon