Thou shalt not steal

92 3 0
                                    


Hello, Spookify! Dito sa amin, uso pa rin yung bigayan ng ulam at hingian ng mga bunga ng tanim, mapaprutas man yan o gulay, for the sake of pakikisama at pakikipagkapwa-tao. Pero minsan, kahit gaano pa kaayos ang pakikitungo natin sa iba, meron pa ring gagawa ng hindi maganda sayo.

Ang ikukwento ko sa inyo ay hindi sa mismong province namin nangyari kundi sa ibang lugar. Story may contain gore and grisly scenes so please, read at your own risk.

Around two years ago, tumira ako sa Nueva Ecija para sa isang work-related project. Nasa baryo yung inupahan kong bahay pero hindi naman siya gaanong liblib although may part na medyo mapuno at layu-layo yung mga bahay. Even before pa ako dumating, napapadalas na yung mga kaso ng pagnanakaw ng ani doon. Unang pinuntirya yung mga taniman ng talong. Kapag kasi hindi panahon ng palay, either talong, mais, o ampalaya yung itinatanim sa bukirin sa mga likod-bahay. Noong una ay napansin nung mga may-ari na may mga rows ng talong na nawawalan ng bunga. Nilagyan nila ng harang yung gilid ng taniman kaya kung galing ka sa mga bahayan, hindi ka na makakapasok sa side na iyon. Mga ilang araw lang ang nakalipas, nakagawa ng paraan yung magnanakaw dahil sa kabilang side na ng bukid siya dumaan. Ang side na iyon ay malapit sa sapa at napapaligiran ng mga punong kawayan yung gilid kaya mahirap dumaan doon. Pero yung magnanakaw, determinado talaga kasi nakagawa pa siya ng lagusan niya para makapasok sa taniman. Galit na galit yung may-ari dahil malapit na silang mag-harvest pero may ibang umaani ng mga tanim nila kada gabi. So nagtayo sila ng dalawang kubo sa magkabilang side ng taniman at naglagay rin sila ng mga aso para mapigilan yung magnanakaw. Kapag gabi ay doon na sa kubo natutulog yung mga lalaking anak nung may-ari at yung iba nilang mga helper.

Natigil na yung pagkawala ng mga talong pero di rin nagtagal ay umatake ulit yung magnanakaw na tawagin na lang nating Lupin. This time ay sa mga bahay-bahay naman siya nang-raid. Hindi importante kung malaki o maliit man yung taniman ninyo sa bakuran, o kung anong klaseng mga tanim ang meron kayo. Basta may mga bunga, aprubado sila kay Lupin. Ang nakakainis pa, ang galing niyang tumiyempo. Alam niya kapag walang tao sa isang bahay, kung sino yung mga walang alagang aso, at kung kailan dapat pitasin yung mga bunga. Sa bakuran namin (katabi ng inuupahan ko yung bahay ng mag-asawang may-ari), nakapasok din siya. Minsan ay umuwi ako sa amin at yung mga may-ari naman ay namista sa ibang bayan at doon sila nakitulog. Pagbalik daw nila, yung mga papaya na iniwang puno ng bunga, nadatnan nilang puro dahon na lang. Naiyak pa nun si Ate Meng (yung asawang babae) dahil plano niyang gawing atsara ang mga iyon at bibigyan niya sana ako. Sa kalaunan, may mga nawawala na ring mga alagang manok, itik, bibe, kalapati, at kambing.

Usap-usapan noon na iisang tao lang daw ang nagnanakaw at marahil ay taga-ibang baryo iyon. Kung sila-sila lang kasi doon ay hindi na kakailanganing magnakaw pa dahil anytime na humingi ka sa kapitbahay ay bibigyan ka nila. Saka halos every family ay may maliit na gulayan sa mga bakuran nila kaya walang nakikitang reason para humantong pa sa pagnanakaw. Isa pa, very conscious ang mga tao doon sa kanilang image. Ingat sila na gumawa ng mga bagay na alam nilang makakasira sa kanilang pangalan kasi habambuhay silang pagtsitsimisan ng mga kapitbahay. So kumbinsido ang mga taga-roon na hindi isa sa kanila si Lupin.

Dahil sa marami nang taong nabibiktima ni Lupin ang nagreklamo sa barangay, nag-utos yung kapitan na may magrondang tanod every night. Halos lahat ng kabahayan ay nag-alaga na rin ng aso. Minsan, nakakarindi na yung mga asong tahol nang tahol at pakalat-kalat sa labas pero nakuha rin naming masanay. Mga ilang buwan ding naging payapa ang mga bakuran namin at marami ang natuwa dahil sa wakas ay natikman na rin nila yung mga bunga ng kanilang mga tanim. Hanggang sa isang araw, napabalitang may ninakawan na naman. Sa isip siguro si Lupin ay inakala niyang naka-jackpot siya sa sagingang ni-raid niya dahil marami itong bunga, pero ang hindi niya alam, it was a very, very, very wrong move na pagsisisihan niya habambuhay.

Sa may bandang dulo ng baryo ay may bahaging mapuno na parang isang maliit na gubat. Yung kabilang dako ng mapunong part na iyon ay pa-bundok na. Sabi ni Kuya Bok (asawa ni Ate Meng), wala raw masyadong nagpupunta sa bahaging iyon ng baryo dahil marami ang naliligaw at muntik nang hindi makabalik. Kaunti na lang din ang mga kabahayan doon at ang pinakamalayo sa lahat ay ang bahay ni Bai Hiraya, na nasa bukana na ng kakahuyan.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon