Hindi lang kami ang baliw dito, Miss

143 6 0
                                    


Hi Spookify! Ako ulit ito, si roarzen. Ikukwento ko naman ngayon yung kwento sa akin ng kapitbahay namin na nurse sa isang mental hospital. Mula kasi nang ma-involved kami ni Kristel sa mga paranormal, mga ganyan, nahilig na akong makinig sa mga kinukwento sakin. POV na lang ni Ate Shane ang gagamitin ko para mas dama nyo.

Isa akong nurse sa isang public hospital sa (huwag ko na lang banggitin yung place), mahigit dalawang taon na rin. Hanggang sa na-assigned ako sa mental hospital dahil nagkaproblema ako sa dati kong pinapasukan kaya nalipat ako.

Maayos naman ang simula ko doon, not until these things happened.

One time, nautusan ako ng admin namin na mag-rounds, iche-check lang naman kung anong ginagawa nung mga patients (yung iba kasi aggresive diba? kasi nga may issue sila sa pag-iisip). Pasado 6pm na yun at madilim na sa labas nung sumilip ako mula sa bintana. May mga nakakasalubong naman ako na ibang nurse at mga nag-aasikaso sa mga patients kaya hindi ako natatakot. Umakyat ako sa 2nd floor at ramdam na ramdam ko na may sumusunod sa akin, yung yabag ng mga paa sa hagdan, dinig na dinig ko. Nilingon ko pero wala naman akong nakita, nagpatuloy ulit ako sa paglalakad, nag-check na ako ng isang room, nakaupo lang doon yung patient, hindi ko na nilapitan kasi tahimik naman siya at saka naki-creepy-han ako sa atmosphere.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa corridor at chineck isa-isa ang bawat rooms hanggang sa may humawak sa kanang balikat ko. Halos mawalan ako ng hininga nang makita ko yung kamay na nakapatong sa balikat ko. Mukha na itong naaagnas at pabulok na. Agad akong humarap at umatras. Isang matandang nakasuot ng hospital dress. Nakahinga ako nang malalim kasi, pasyente lang ito.

"Tulungan mo naman ako, sinasakal kasi ako dun sa kwarto ko," ganyan yung sinasabi niya. Nagulat ako nun, garalgal yung boses at mukha pa siyang nahihirapang magsalita.

Bigla akong natakot nang tumawa siya nang malakas.

"Wala naman akong ginagawang masama pero parang gusto nila akong patayin." sabi pa niya.

"Po?" tanging nasabi ko. "Gusto nyo po samahan ko na kayo sa kwarto nyo? Para po makapagpahinga na kayo. Tara po." tinapangan ko nalang ang sarili ko at inisip na wala sa katinuan ang matanda kaya kung anu-ano ang sinasabi niya.

Nang makarating na kami sa room niya, humiga naman siya agad, aalis na sana ako nang magsalita siya.

"Dito, habang natutulog ako, biglang may sumasakal sa akin." natatakot na sabi ng matanda.

"Sino po?" tanong ko dala ng takot. Hindi ko nga alam kung tama ba na i-entertain ko ang sinasabi ng matanda gayong may problema ang utak nito.

"Mga sundalo sila," sabi niya lang tapos, "Pwede, hintayin mo nalang ako dito hanggang magising ako?" tanong pa nito, nagmamakaawa ang matanda.

"Ay, hindi po pwede kasi kailangan ko rin pong umuwi sa pamilya ko." sabi ko nalang at naglakad na palabas pero bago ko pa maisara ang room niya, bigla siyang nagsalita.

"Matutuwa sila kasi walang nagbabantay sakin." ngumiti siya nang malungkot at sobrang nagtayuan ang balahibo ko sa katawan sobrang kilabot na naramdaman ko. Agad ko nalang ni-lock ang kanyang kwarto.

Balisa akong naglakad papunta sa admin office, tapos na ang trabaho ko kaya nagpaalam na akong uuwi. Habang naglalakad sa hallway palabas ng hospital, nararamdaman ko pa rin ang mga titig mula sa likuran. Hindi ko na lang pinapansin dahil baka dala lang ng pagod. At kung iintindihin ko ang sinabi ng matandang pasyente, baka masiraan din ako ng ulo.

Kinabukasan, pumasok na ulit ako, papunta sana ako sa room ng matanda na nakausap ko para i-check siya nang makasalubong ko ang isang nurse.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Doon sa dulo, iche-check ko lang yung matanda, nakalabas kasi yun kahapon diba?" sabi ko sa kanya.

"Hala late ka na, hindi mo naabutan. Dinala na sa morgue. Naabutan kasing dilat ang mata kaninang umaga, patay na tapos nakahawak sa leeg niya yung dalawa niyang kamay. Kawawa nga eh." sabi nung nurse.

"Ha? Ano daw nangyari?"

"Binangungot daw." sabi niya at nagmamadali nang umalis.

Naisip ko yung mga sinabi nung matanda sakin kagabi at hindi ko maiwasang panayuan ng balahibo sa takot na naramdaman ko. Sinabi niya na "Masisiyahan sila na wala siyang bantay." Sila? Yung mga sundalo.

Nagtanong-tanong ako sa mga kasamahan ko na matagal na hospital kung may sundalo ba na na-confine sa mental hospital na ito. Sabi nila wala naman pero hindi daw talaga ito mental. Dati itong hospital at dito dinadala ang mga sugatang sundalo nung panahon pa ng giyera.

Hindi ko nalang inintindi dahil natatakot ako sa mga naiisip ko. Nag-rounds ulit ako around 6pm bago ako mag-out at umuwi. Yung katabing room naman nung matanda na namatay ang chineck ko.

Lalaki din ang pasyente pero di hamak na mas bata kumpara sa matanda kahapon. Nakahiga ito at mukhang natutulog. Iniwan ko ang pagkain niya sa lamesa nang bigla itong umungol nang malakas na para bang sinasapian.

Para itong naiiyak, agad ko siyang nilapitan at chineck ang kalagayan niya. Yung mga mata niya, dumidilat at namumuti na, bigla siyang humawak sa leeg niya na para bang may pinipigilan siya na sumasakal sa kanya. Sobrang natatakot ako at halos ilang segundo pa akong natulala.

Agad akong naalarma at mas nilakasan ang pag-alog sa kanya, hanggang sa mapabangon ito habang habol-habol ang kanyang hininga. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo nang tumakbo sa napakalaking field. Namumutla na rin ang mga labi niya. Umubo siya nang umubo kaya inabutan ko siya ng bottled water galing sa dala kong pagkain.

Binuksan niya naman yun at agad na ininom. "S-salamat," tanging nasabi niya.

"Ano pong nangyari sa inyo?" tanong ko habang hinahagod ang likod niya.

"Putangina!" malakas siyang sumigaw kaya napaatras ako sa gulat. "Ang himbing ng tulog ko tapos bigla nalang may sasakal sakin. Tarantadong mga yon!" sigaw niya pero medyo mahina.

"Po? Sino pong sumakal sa inyo?"

"Yung mga sundalong siraulo dito! Balak pa yata akong patayin. Mga hayop!" sigaw niya pa.

"Huminahon po kayo!" sabi ko naman.

"Hindi lang kami ang baliw dito, Miss!" biglang sabi niya.

Hindi ko nga alam kung matatawa ako o matatakot sa mga pinagsasasabi niya.

"Mas baliw pa sa amin yung nga sundalong yun, akala siguro nila buhay pa rin sila at nasa giyera pa rin sila kaya kahit kaming natutulog gustong patayin." sabi niya pa.

Sa sobrang takot, kumaripas talaga ako ng takbo pabalik sa admin office. Naikuwento ko naman sa kakilala kong nurse ang nangyari. Matagal na rin siya sa mental hospital nagtatrabaho kaya naikuwento niya sakin yung mga nalalaman niya doon.

Yung hospital na yun talaga, hindi mental hospital kundi ordinaryong hospital lang. Doon daw dinadala yung mga sugatang sundalo na nakikipaglaban sa giyera. Hanggang sa sinugod daw ng mga hapon yung hospital, maraming namatay. Pinasabog daw yung hospital na yun at maraming namatay, kabilang na ang mga sundalong hapon.

Patuloy pa rin daw sa pagpaparamdam ang kaluluwa ng mga sundalong iyon, siguro akala nga nila ay nasa giyera pa rin sila at nakikipaglaban na kahit mga pasyente namin ngayon na may diperensya sa pag-iisip ay napagtitripan nila.

Kinabukasan, nabalitaan ko na patay na yung lalaki na naabutan kong binabangungot kahapon. Katulad din nung sa matandang namatay yung itsura niya. Dilat ang mga mata at nakahawak sa kanyang leeg. Bangungot daw pero duda ko talaga, yung mga kaluluwang yun ng mga sundalo ang pumatay sa kanya.

Umalis na ako sa mental hospital na yon at nagpa-assign na lang sa ibang hospital. Baka kasi masiraan din ako ng bait kapag nanatili pa rin ako doon.

Yun na lang muna mga spookifiers! Next time na yung BGCE, marami pa akong ikukwento, huwag kayong mag-alala. Sa susunod naman kapag may pagkakataon. Salamat Admins kung mapo-post ito! Stay safe po!

roarzen

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon