Kapahamakan sa Kabundukan

294 11 0
                                    


Magandang Araw sa inyong lahat mga Ka-spookify. Its been a while na matagal-tagal akong nakapag-update muli dito sa page. Masyado na kasi akong abala sa trabaho ko sa ngayon. Sana maintindihan niyo.
Marahil nagtataka kayo kung bakit iba itong pamagat ng aking confession ngayon. Pansamantala ko muna wag ilabas ang karugtong nong "The Truth of the Hidden Mystery..." sa isang malalim na dahilan. Ayoko na munang pag usapan ito. In a right time, ipagpapatuloy ko ang karugtong pero hindi na muna ngayon. Let's just respect the privacy of the people involved on that story. Moving on. Dito tayo ngayon sa bago lang naganap na nangyari sa buhay ko at sa nangyari dito sa Mindanao. Muli ipapaalala ko lang, Hindi ko pinipilit ang mga hindi maniniwala, wala akong oras sa mga skeptic minded.

Simulan na natin.

October 15, 2019.
Araw ng Martes, wala akong duty nong araw na yun. Nasa bahay lang ako, umaga noon habang kumakain ako ng agahan. Biglang tumunog yong celphone ko na nakalapag lang sa lamesa. May natanggap akong txt at binasa ko, Mula ito sa dati kong kababata noon na itago nalang natin sa pangalan na Matt, kamukha niya daw kasi si Matt Evans. Palibhasa Half Filipino, Half American siya. pero yong accent niya bisayang-bisaya at higit sa lahat bihasa sa salitang Maranao, Muslim. doon kasi siya lumaki sa Cotabato. Basta mahaba ang istorya ng buhay niya. kung bakit napunta siya sa Cagayan de Oro noon. Tinext niya ako para imbitahan sa kaarawan niya, kaya tinawagan ko siya kaagad. "Tol, gwapo. Kumusta ang kaibigan kong porenoy? (sabay tawa) hindi ako mahilig mag-reply sa text e. kaya tinawagan nalang kita. Kailan ba yang birthday mo? Baka kasi may duty ako niyan." Sabi ko kay Matt nung tinawagan ko na sinagot naman niya kaagad. "Iba ka talaga tol tisoy, unli call ka lagi ha. Dami mo yata katawagan eh." (sabay tawa) pang-aasar ni Matt sa kabilang linya. "Loko ka talaga syempre kailangan ko mag-load para makapag-update ako sa company ko mahirap na baka biglaan kaming mag-operate. ma-absent pa ako, ayoko pa naman magka-NTE (notice to explain). Nga pala kesa asarin mo ko dyan, kailan ba yang birthday mo?" tanong ko kay Matt. "Bukas na bukas na. Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita, kung saan-saan ka na pala napapadpad, nakita ko mga post mo sa fb, kaya dapat lang bukas nandito ka sa birthday ko, kundi magtatampo talaga ako sayo niyan. Ipaghahanda kita ng dalawang kahong beer. Alam ko favorite mo yan." pangungulit ni Matt sa akin na may halong pangungunsensya pa. "Oo na amaw ka kokonsensyahin mo pa talaga ako ha. Doon ka pa rin ba nakatira sa dati mong tinitirhan?" Tanong ko kay Matt. "Ay matagal na akong wala doon tol tisoy, nakapag-asawa na ako taga dito sa Bukidnon."sagot ni Matt sa akin. "Ay sakto bago yung motor ko kaya idyo-joyride ko pagpunta dyan, tanong ko lang. Estimate mo tol gwapo mga ilang oras kaya biyahe mula dito CDO papunta dyan?." tanong ko kay Matt, first time ko kasi mag-motor na pa Bukidnon ang destination kasi kadalasan dati pag nagmo-motor ako papuntang Lanao del Norte yung destination ko. "Ayos yan tol, ingat ka lang sa biyahe mo kasi magmo-motor ka, malayo-layo din ito sa amin kaya doble ingat kalang sa pagmamaneho, pero mukhang mas madali ka makakarating niyan dito kasi kabisado ko ugali mo magmaneho. para kang naghahamon kay kamatayan kung makapagmaneho ng motor (sabay tawa). Basta aasahan ko nandito ka bukas ha." pang-aasar ni Matt sa akin at tuwang-tuwa siya na pupunta ako sa kaarawan niya. Bestfriend ko kasi si Matt noon, during high school life ko. Nalayo siya sa akin dahil naligaw kasi ng landas si Matt dati. Naging palaboy-laboy din siya sa siyudad noon. Yung mga magulang niya hindi niya nakasama simula baby pa lang siya. Iba yung nagpalaki sa kanya kaya kung saan-saan nalang nakikitira. Napasama din siya sa mga solvent boys. Simula noon hindi ko nakita at nakasama si Matt. Hindi ko alam na dumating pala siya sa punto na binago niya ang sarili niya. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakadapa sa buhay at ngayon guminhawa siya, may trabaho na marangal at kasama niya ang asawa't dalawang anak niya. Hinanap niya ako sa Facebook at saka kami muling nagkaroon ng communication. Binigyan ko siya ng personal number ko, kaya yun tinext niya ako.
Pagkatapos naming mag-usap sa phone, lumabas ako ng bahay para i-check yong motor ko na nakaparada malapit sa gate. Nilapitan ko ito at pinaandar, chineck ko ang hangin ng gulong, gasolina, lights, brake, busina, at tunog ng makina. "Handa na ito para bukas." sabi ko sa motor habang tinatapik ang upuan.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon