Rides sa Tagaytay
Hi po! Gusto ko lang i-share yung experience naming magtotropa. This just happened last week. Nag-rides kami ng mga tropa namin sa Tagaytay para magbulalo lang sa Mahogany. Tatlo lang kami na nakamotor (syempre isama na natin yung mga partner namin na angkas) bale anim.
May mga signs na ako na alam kong may mangyayari pero in-ignore ko lang. Una, yung meeting place namin ay gasoline station katabi ng St. Peter. Pangalwa, yung buwan bilog na bilog pero parang may mali kapag tinitignan ko. Pangatlo, yung karambola ng sasakyan sa may Carmona.
So eto na nga.
Mga 9pm na kami nakaalis ng Taguig and 10:30pm na kami nakarating ng Mahogany dahil sa traffic.
Pagdating namin doon ay kumain agad kami dahil gutom na. After an hour, nag-decide kami na dumaan ng twin lakes para mag-picture (first time naming mag-rides magkakasama ng tropa e kaya sinulit na namin) kahit nakapunta naman na kami ng Tagaytay. So ayun na nga, nakarating na kami ng Tagaytay, picture. Tambay. Kwentuhan. After 15 mins nag-aya naman silang mag-Lemery, but we decided not to go to kasi nga kamamatay lang ng isang tropa nila doon dahil sa pagkalunod. So pinili nalang naming dumaan ng Skyranch.So eto na yung creepy na part. Galing twin lakes, bumaba na kami at binabay ang daan papuntang Skyranch. Past 12mn na non. Kami ng partner ko yung medyo nahuhuli dahil ayoko ng masyadong mabilis ang takbo. Kalagitnaan ng daan nang biglang may sumulpot na itim na van sa likod namin out of nowhere. Pumantay pa samin ng partner ko (tumingin pa ako sa likod namin pero wala naman kaming kasunod na van bago sumulpot yun). Hindi ko na inaalis yung tingin ko sa mga kasama namin dahil baka nga mawala kami. Hindi namin kabisado yung daan. Nang bigla niyang hinarangan yung mga kasama namin sa unahan para hindi namin makita. Dun ko na naramdaman na parang may mali talaga. After 5 mins sinabi ng partner ko na namumulikat daw sya. Nawala na din yung mga kasama namin. Hindi ko sya pinatigil dahil sobrang dilim ng daan at walang katao-tao sa lugar. Parang napakalayo na din namin sa mga kasama namin. Halos hindi kami naaalis sa madilim na lugar (nung papunta kami ng twin lakes, saglit lang pero nung nawala na kami parang dumoble yung daan sa tagal naming makaalis sa madilim na lugar).
Nung binalewala namin yung pamumulikat nya ay nakarating na kami ng Mahogany. Nang bigla niyang idire-diretso ulit sa madilim na lugar, as in sobrang dilim nya at wala kaming kasalubong na kahit anong sasakyan (yung dalawang daan na sa gitna ay may pulis station). Nagme-message ako sa mga kasama namin pero ayaw mag-send.
Hindi pa man kami nakakalayo ng pulis station, may nakita akong tumawid na itim na aso pagdaan namin at umaalulong. Kaya sabi ko ay ihinto nya at bumalik kami doon. Nagtatalo na kami dahil gusto nya pang idiretso. Pero di ako pumayag.
Pagdating namin ng pulis station, minessage ko ulit yung mga kasama namin na nawawala kami at nag-send na. Doon nalang kami naghintay sa mga kasama namin na balikan.
Pagdating nila ay pumunta na kami ng Skyranch. Tumambay at nag-picture. Pagkatapos ay umuwi na kami. Umikot kami ng Nuvali at mga 3am na kami nakauwi.
Be alert kapag magra-rides. Kapag hindi ka marunong makiramdam, talagang may hindi magandang mangyayari. Kaya ride safe always!.
Sana po ay mai-share.
Salamat po.
Panangga
Call me RR nalang, enhanced yung 5 senses ko lalong-lalo na yung sense of hearing. I can hear everything with 500km radius. Bongga diba? Sa enhanced sense of sight ko din nakilala ang ex-boyfriend ko! Hahaha. But that's not the story. Yaan nyo na yang enhanced senses ko kasi bihira ko lang gamitin tsaka medyo kinakalawang na din. Lol.
Gusto ko lang mag-share ng konti kong alam about sa mga kung anu-anong mga keme. Nag-comment kasi ako one time dun sa pagpihit ng baso and paglalagay ng calamansi sa karne. Unang-una, walang masama dun kasi safety mo lang naman yung iniisip mo. Sa mga nagtanong sakin dun sa comment kung pano yung pagpihit ng baso pakaliwa o pakanan ganito po yun.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree