She's just a fantasy girl, in the impossible world. - Maroon 5If ever na ma-post yung 'Auroras's Journal: Satanic Cross Part 1', hihingi na ako ngayon ng paumanhin kung hindi ko na masusundan ng Part 2. Last confession ko na 'to. Ang dahilan?...
July 21, Saturday. Madaling araw, nagising ako na hinahabol ang hininga ko. Takot at matinding lamig ang nararamdaman ko ng mga oras na 'yun. Sa panaginip ko, isang itim na nilalang ang nakapatong at mahigpit ang pagkakasakal sakin. Hindi ko magawang makawala o magising man lang sa katotohanan. Handa na akong sumuko ng mga oras na yun. Pero may isang tao na pumasok sa isip ko, si Aurora. "Hanggang dito na lang ba talaga?", tanong ko sa sarili ko. At tila isang tinig ng babae ang narinig ko. "***", tatlong letra na tanging isang tao lang ang natawag sakin. Si Aurora, hindi ako pwedeng magkamali. Paulit-ulit nyang sinisigaw mula sa palayo. "***! ***! ***!" Dito tinignan ako ng itim na nilalang at ngumisi sakin. Ngisi na tila ba nang-aasar at may balak na masama. Unti-unti syang naglaho at dito nagising ako sa ulirat.
Agad-agad kong hinanap ang cellphone ko, alas kwarto ng madaling araw pa lang. Pero may 11 missed calls ako at 23 unread text messages. Dali-dali kong binuksan at lahat galing kay Aurora. "***!, gising ka pa? Hindi maganda ang pakiramdam ko", "Hoy! Nagdodota ka noh? Tignan mo cellphone mo!, "Mr. **********! Bubustedin kita, kapag hindi ka pa nag-reply!", "Goodnight, itutulog ko na lang 'tong sama ng pakiramdam ko. Text mo ko paggising mo haaa!". Mga mensahe nya na late ko na nabasa dahil maaga akong natulog. At kahit alas kwatro ng umaga, dinial ko ang numero nya at tinawagan sya. Inabot ako ng 3 tawag bago nya sinagot. Dito, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng marinig ko ang boses nya.
A: Hello?
M: Ayos ka lang ba? Sorry, nakatulog ako agad.
A: Ayos lang ako. Anong oras pa lang ah. Nanaginip ka ng hindi maganda?Hindi ko sinabi ang tungkol sa napanaginipan ko para hindi na s'ya mag-alala.
M: Hindi. Naalimpungatan lang ako. Bumalik ka na sa pagtulog, mamaya na lang ulit tayo mag-usap.
A: O sige. Goodnight ulit kahit paumaga na."Panaginip lang 'yun. Isang masamang panaginip lang", bulong ko sa hangin.
Lumipas ang ilang gabi na wala akong napapanaginipan. As in wala, which is nakakapagtaka para sakin. Kahit anong isip ko, wala akong naaalala na napanaginipan ko.
July 25, Wednesday. Tumawag sakin si Aurora. Habang naglalakad sya pauwi, tila may nasunod sa kanya pero kapag nililingon nya ay wala namang tao sa likuran nya. Hanggang sa makarating sya sa boarding house, ramdam nya na may nagmamasid sa kanya. Nagalit pa nga ako that time at sinabing, "Bakit ka naglalakad pauwi mag-isa? Nasaan si Diane? (kasama niyang nadestino sa Bicol branch at boardmate). Pero sabi nya na, naunang umuwi si Diane dahil masama ang pakiramdam. At hindi ko inaasahan yung sunod niyang sinabi.
A: ***, hindi ako nananaginip simula nung sunday. Ang weird noh?
M: Oh? Parehas tayo. Nagtataka nga din ako e. Baka normal na tayo. Hahaha!
A: Normal ba 'yun? Wala man lang panaginip kahit isa. Wala ka bang na-encounter lately?Dito sinabi ko sa kanya 'yung napanaginipan ko noong sabado. Nagalit pa nga sya sakin kasi naglilihim ako sa kanya. Sabi ko naman na ayaw ko lang siyang mag-alala nang mga oras na yun.
July 26, Thursday. Hindi ako mapakali habang nasa office. Sa peripheral vision ko, may naaaninag akong anino. Kahit walang nakapwesto sa bandang dulo ng office, binuksan ko yung mga ilaw. Pero kahit sobrang liwanag doon, nakakaaninag pa din ako.
Pag-uwi ko sa bahay. Kahit anong pasak ko ng susi sa kandado ng pinto, hindi sya bumubukas. Halos papwersa ko ng tinutulak yung pinto dahil sa badtrip at pagod galing sa trabaho. Tinawag ko yung caretaker ng boarding house pero nakakapagtaka na isang pihit nya lang sa doorknob ay bumukas agad ito. Sinabihan nya pa ako na ikandado ko daw yung mga bintana ko kasi may naririnig daw silang ingay sa loob, baka may pusa daw na nakapasok. Pagpasok ko naman, walang bukas na bintana. Hindi din magulo yung mga gamit ko pero hindi ko ipinagwawalang bahala. Ramdam ko na may kakaibang nangyayari. Dali-dali akong kumuha ng orasan, nagsindi ng dalawang kandila, sinarado ang bintana at kurtina, pinatay ang mga ilaw. Nagpasya akong mag pumunta sa "in between" ng mag-isa.

BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree