Mabigat at masama ang pakiramdam ko ng gabing iyon, pero pinilit kong pumasok. Hindi naman ako umiinom ng alak kaya hindi matatawag na hangover ito or lagnat kasi hindi naman mainit ang pakiramdam ko. Sadyang nahihilo at mabigat lang talaga ang pakiramdam ko ng gabing iyon, dulot na rin siguro ng panggabing trabaho ko.Last June 29, 2019, ilang buwan pa lamang ang nakakalipas nang mangyari ito. Sa isang BPO company dito sa Ortigas ako nagtatrabaho (hindi ko na ime-mention ang name ng building). Mula 12 ng madaling araw hangang 8 ng umaga ang pasok ko. Nang gabing iyon ay pinilit kong pumasok kahit masama ang pakiramdam ko. 10pm ako umalis ng bahay pero halos ma-late pa ako, kasi walang galawan ang traffic ng EDSA. Pagpasok ko pa lang ng building ay tinungo ko agad ang elevator, kasi wala na akong time na bumili ng coffee nun (kadalasan kasi, bago ako umakyat ng building ay bumibili muna ako ng coffee sa 7/11 store ng ground floor). Wala na halos tao ng oras na iyon, kasi ilang floors lang naman kasi nag-o-operate ng ganung oras at kadalasan ay office hours lang ng umaga dagsa ang mga employees ng building na iyon.
Pagpasok ko pa lang ng building ay lalong bumigat ang pakiramdam ko, ewan ko kung bakit. Wala na gaanong tao, kaya wala akong kasabay na aakyat ng building. Karamihan kasi sa workmates ko ay maaga pumapasok, kaya wala rin akong kasabay na katrabaho nung gabing iyon. May apat na elevator sa baba, yung tatlo ay pababa na, at ang isa ay paakyat pa lamang, kaya doon ako tumapat. May tatlong palapag ang basement ng building, siguro yung huling bumaba ay patungo ng parking lot sa basement ng building. Sinasalamin ko ang sarili ko sa harap ng elevator, habang naghihintay ako ng pagtigil niyon sa akin, nang may napansin akong dumaan sa likuran ko. Hindi ko gaanong napansin pero mukhang bata na tumatakbo, lumingon ako sa pasilyo, sa likod ko, ay wala naman akong nakitang tumatakbo. Namamalikmata o nahihilo lang siguro ako at kung anu-ano na ang nakikita ko, sa isip-isip ko ng mga oras na iyon. Maya-maya pa ay bumukas na ang elevator at dali-dali na akong pumasok. Pinindot ko ang button na 21, kasi yun ang floor ko. Nagtaka at nainsulto ako ng makita kong halos lahat ng floor ay pinindot. Mula 1st floor hanggang sa floor ko na 21. Parang sinadya ng huling gumamit at pinaglaruan (ibig sabihin lahat ng floor ay titigilan nito) kasi tumigil iyon sa hanggang 21, at the rest na floor hanggang taas ay hindi pinindot (lahat halos ng nagtatrabaho sa ganitong industriya ay mararamdaman nyo rin ang nararamdaman kong insulto ng oras na iyon). Hindi naman siguro matinong tao ang gagawa nun kasi sa tagal-tagal ko na dun ay hindi ko pa nararanasan iyon. Wala namang nakakatakot dun pero labis na nakakainsulto. Siguro bata ang makakagawa nun kasi hindi naman gagawin ng matanda iyon, pero wala namang bata ng ganung mga oras, at stricted din ang building magpapasok ng bata, so malabong bata nga ang gagawa nun.
Pilit kong winawaksi sa isip ko na bata ang gumawa non, nang bumukas ang elevator sa ikalawang palapag ng gusali at may dumaan na tumatakbong batang lalaki. Kinusot-kusot at kinurap-kurap ko ang mata ko ng mga oras na iyon dahil hindi ako pwedeng magkamali! Siya rin yung napansin ko na dumaan sa likuran ko kanina sa 1st floor. Siya rin kaya ang may kagagawan ng pagpindot sa lahat ng mga button? Sobrang bigat na ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon at muli ay bumukas ang pinto ng elevator sa ikatlong palapag ng gusali. May dumaan ulit na tumatakbong bata at paulit-ulit na nangyari hanggang makarating ako sa 7th floor. Tuluyan na akong lumabas ng elevator at lumipat sa kabila at doon ay wala ng kakatwang nangyari. Nakarating ako ng floor site namin ng namumutla, mga pasado 12 na ng madaling araw at nakagalitan pa ako ng supervisor ko. Hindi ko na lang sinabi sa supervisor ko ang nangyari at sa iba ko pang katrabaho.
Alam kong hindi lang ako ang nakakita at nakaranas nito sa building na iyon. Marami pa siguro at nanatiling walang imik na lang. At ng gabing iyon ay unang engkwentro ko sa batang iyon!
- Mr. Youso
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree