Compiled Stories 6

207 4 0
                                    

Sugarol

Share ko lang ang story ng mga sugarol samin. Tapos ng libing ng kapitbahay namin di ba dapat tapos na rin ang sugal? (yun kasi ang nakagawian pag may patay - sugal, kara krus etc.). Sila Bebe, Ate Jo at Papa ko ay nag-isang round pa ng tong-its hanggang umabot sila ng 2am, dun lang sila sa pasilyo ng building namin. Naiinis ako that time kasi yung lamesa na ginagamit nila is lamesa ko pang-drawing, sa lapag tuloy ako gumawa ng homework ko sa fine arts, then the next day gagawa sana ako ng assignment mag-9pm na yun hinihiram na naman nila ang lamesa ko, "pahiram lang anak, diyan ka na lang uli sa lapag," naiinis na naman ako kasi nakayuko na naman uli ako sa lapag samantalang sila heto, tong-its na naman, pero ganun talaga wala akong choice. Wala pang isang oras na nagpulasan sila sa sugal nila, si Papa dire-diretso sa may pinto at parang namumutla, pinagpapawisan. Bigla niyang isinara ang pinto at nandun lang sya sa likod nun. Napaantanda sya at sinabing "Diyos ko" dala-dala nya ang baraha na parang kulang-kulang pa, lumapit si mama sa kanya at tinanong kung ano ang nangyari. May ibinulong si papa sa kanya dahilan para sumilip sya sa bintana. Natatawa si mama "Yan kasi mga sugarol kayo, pumunta ka na sa banyo, maligo ka ng may suka." Na-curious ako, tinanong ko kay mama ano yun. "Yang papa mo nakakita ng Santelmo pababa ng hagdan diyan sa may pasilyo, sa tapat ng puwesto nila, mga sugarol kasi."

2019
Balut Tondo
Permanent girl

Fiesta

Nangyari 'to noong taong 2016, NDP pa ako noon. "Nurse to the Barrios" program ng DOH. By the way, laking ciudad ako pero sobrang lapit sa puso ko nitong Probinsya ng Mama ko na nasa Zamboanga del Sur at maswerte akong doon din mismo ma-assign noon (hindi ko na lang sasabihin ang pangalan ng municipalidad dahil ngayon pa lang bini-build up ng local government ang turismo dito kaya ayokong mabigyan ng negatibong imahe 'yung lugar haha).

Sobrang sarap at simple ng buhay doon, sariwa ang hangin, tahimik at hindi gaya sa ciudad na maingay at mausok. Malaki ang lupain ng mga lolo't lola namin doon na puno ng mga tanim na prutas, gulay at palay, kaya pag sobrang stress na ako sa amin ay napag-iisipan ko talagang umuwi sa probinsya. So eto na nga...

October 2016
May tatlo akong barangay (pangalanan na lang natin na Barangay 1, 2 at 3 haha).

Si Barangay 1 ay 18 kms away from the Poblacion, at 'yung Barangay 3 ay 44kms naman. Sobrang layo sa kabihasnan at walang signal. Habal-habal ang pangunahing mode of transportation pag pumupunta ako sa area ko. Malubak, maputik, mabato, maraming sapa ang daraanan para makarating doon. Pero ni minsan ay hindi ako nagreklamo dahil sobrang ganda ng mga madaraanan mo. Breathtaking! Puro puno, halaman, bulaklak at sapa na masarap sa ilong 'yung amoy. Basta. Hahahaha. Walang ibang ingay kundi 'yung pagkumpas lang ng hangin sa mga puno tsaka huni ng mga ibon.

Ngunit marami rin akong naririnig na kwentong kababalaghan dito hanggang sa naging parang normal na lang sakin, hanggang sa gabing 'yon...

Nilakad namin 'yung Barangay 1 to Barangay 3. Sobrang bigat ng mga dala namin, dalawa lang kami ng Midwife kong nag-house to house immunization at pre-natal, may free check-up din, so halos isang sako ang dala kong mga gamot at vaccines at ganun din ang Midwife ko plus mga dala naming mga damit at toiletries kung sakali saan kami abutin ng gabi. Mababait naman ang mga tao doon, pwede lang kaming makitulog. That day, luckily at nakaabot kami sa Barangay 3 at doon na kami natulog sa health center namin. Kumain, nag-half bath at natulog na rin bandang 8pm (by the way, 6pm pa lang ay sobrang tahimik na ng lugar). Sa iisang kwarto kami natulog ni Midwife na magkahiwalay ang kama.

Ang himbing ng tulog ko non hanggang sa parang nagising ako sa ingay, lumabas ako ng health center, puno ng makukulay na ilaw ang plaza (na kaharap lang ng health center). Sobrang daming tao, nagkakasiyahan sila, malakas ang tugtog ng music, nagsasayawan ang lahat, marami ding handa! Hindi pamilyar sakin ang mga mukha nila, mukhang mga hindi taga doon, mukhang mga foreigner. Mapuputi't matatangkad, magagara din ang suot nila. Takang-taka ako na parang nawi-weird-uhan. Wala naman kasing nasabi si Kapitan na may kasiyahan ngayong gabi dito sa plaza tsaka wala ako ni isang kilala sa kanila. Nakatayo lang ako sa may pinto ng health center namin na nagtataka, naguguluhan hanggang sa lumapit na rin ako. Ang gaganda't gwapo nila! Nakipag-usap sila sakin pero hindi ko na matandaan kung ano ba 'yung pinag-usapan namin, hanggang sa hindi ko namalayan na nakikisayaw na rin pala ako sa kanila pero feeling ko na hindi ako imbitado sa party nila. Hanggang sa bigla akong ginising ng Midwife ko.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon