Haligi ng Tahanan

279 17 0
                                    


Hi spookify! Nabasa ko mga komento nyo sa previous story ko na 'Full Moon'. Nakakataba ng puso bilang isang manunulat na may nakaka-appreciate ng mga akda mo. Kayo ang nagtulak para gumawa ulit ako ng isang kwento. Hindi ko sinasabing maniwala kayo, kasi ang isinalaysay ko before ay experience lang ng dating classmate ko, na siyang ibinagi ko rin sa inyo. Dahil ako man ay na-curious sa kwento niya.

Ang ibabahagi ko na kwento ngayon ay karanasan ko nung childhood days ko. Here we go.

6 years old pa lang ako ng mamatay ang Father ko. OFW siya sa Kuwait at nagtatrabaho siya sa isang manufacturing company doon. Minsan lang siyang umuwi ng Pinas, kapag may occasion lang like pasko etc. Kapag umuuwi siya ay talagang sinusulit niya ang pag-stay dito sa Pilipinas bago bumalik sa Kuwait.

Tanda ko pa dati, gigising na lang kami dahil nakapagluto na siya. Sa amoy pa lang ng niluluto niya ay gugutumin ka talaga, specialty niya daw ang ganung recipe na madalas niyang iluto sa agahan namin. Tanda ko pa yung amoy ng paboritong pabango niya. Kapag gabi naman at hindi pa kami makatulog magkakapatid ay binabasahan niya kami ng kwento hanggang sa makatulog. Ilalagay niya lang ang libro sa tabi ko saka lalabas. Minsan babantayan niya kami hangang sa makatulog kami. Tatayo lang siya sa may pinto at hindi aalis hangga't hindi pa kami nakakatulog magkakapatid. Kapag nakatulog na kami ay dun lang siya aalis, walang pinto ang kwarto namin dati at kurtina lang ang nakalagay doon. Ganun niya sinusulit yung mga araw niya dito sa Pilipinas bago bumalik sa ibang bansa.

Ilang araw ang lumipas simula ng umalis siya sa Pinas ay nagimbal kami sa balitang patay na ang papa namin. Namatay daw siya sa bangungot. At ang balitang iyon ay nagmistulang bangungot rin namin. Grabe ang iyak ni mama at ng mga kapatid niya ng dumating siya sa Pilipinas na malamig na bangkay na. Lumungkot ang buhay namin ng mawala sa amin ang haligi ng tahanan na siyang pundasyon namin. Lumipas ang ilang buwan at naka-move on na rin kami sa sinapit niya. At doon na nagsimula ang mga kakatwang bagay at nakakakakilabot na pangyayari.

Minsan mamatay ang ilaw sa bahay namin. Inaakala naming brown out lang pero kapag sisilip kami sa bintana ay may mga kuryente naman ang mga kapitbahay namin at bukod tangi lang na kami ang wala. Kasunod nun ay may maaamoy kaming nauupos (natutunaw/melting) na kandila, na para bang may ibinuburol mismo sa loob ng aming bahay. Nakakatakot yung ganun grabe! Kaya nagdarasal na lang kami kapag ganun, para maibsan ang takot namin. Minsan kapag magigising ako sa umaga ay maaamoy ko ang specialty niyang ulam. Minsan naman maaamoy namin yung paboritong pabango niya. Nasanay na kami kasi madalas na mangyari yun. Sabi ng mama ko, pinaparamdam pa rin daw ni papa na nandito pa rin siya sa tabi namin para bantayan at alagaan kami.

May time din na maalimpungatan ako sa gabi na may libro sa tabi ko, na madalas gamitin ni papa na pampatulog sa amin. At ang isa pa sa nakakakilabot na naranasan ko one time na hindi ko malilimutan, ay nangyari isang gabi na hindi ako makatulog. 11pm at ako na lang ang gising sa aming magkakapatid noon, pagulong-gulong ako sa higaan namin kasi nga hindi pa ako dalawin ng antok ng gabing iyon. Patay ang ilaw pero medyo maliwanag kasi tumatagos yung ilaw ng poste sa labas sa salamin naming bintana, nang may mapansin ako sa pinto at kumuha ng atensyon ko. May imahe ng lalaki na nakatayo sa pinto, nakatayo lang ito at hindi gumagalaw! Pasimple kong ginising ang kuya ko, na katabi ko lang "Gising ako, kanina ko pa nakita yan sa pinto, kaya nagtulog-tulugan na lang ako. Nakatingin siya sa atin kanina pa! itulog mo na lang yan!" bulong ni kuya sa akin, na noon ay gising pa rin pala at nakikiramdam lang. Natakot man ako ng mga oras na iyon, pero pinanlabanan ko na lang kasi alam ko kung sino yun at wala akong dapat ikatakot "Si papa, hindi talaga aalis sa pinto hangga't may hindi pa natutulog sa mga anak niya."

- Mr. Youso

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon