Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon

100 4 0
                                    


December 31, 2017- last day of the year at alam naman natin na pag ganyan abala ang lahat sa pagluluto ng mga pagkaing ilalapag sa mesa pagsapit ng New Year's Eve at paggawa ng mga kalamay. Yung iba nagbibihis pa ng bago o kaya yung may polka dots haha. Yung iba naghahanda ng karaoke para magpatugtog ng malakas.

Pag alas dose na nagtatalunan ang iba kasi paniwala nila tatangkad daw. Nakaugalian na nating mag-ingay pag ganyan. Yung kapitbahay namin nagtali ng batyang aluminum sa trike nya at pinaandar. Grabe ang sakit sa tenga. Kami naman masaya ng nagpapaingay sa kawali at sandok. Yung mga anak ko may torotot, ang mister ko naman pinag-uuntog ang kaserola at takip nito (kaya hayun, kinabukasan yupi-yupi).

Masaya pag ang pamilya ay sama- sama sa ganitong okasyon.

Nung mga ala una na tapos na kaming kumain nag-videoke kami ng pamilya ko. Pagkatapos ng ilang kanta umakyat na rin kami para matulog.

Wala kaming kaalam-alam may nangyayari na palang kagimbal-gimbal sa isang street dito sa lugar namin. Medyo malayo samin ang kanila.

Heto na po ang kwento.

Ang mga nakatira sa bahay ay nanay ni Mean (senior citizen), dalawang anak nya na 7 & 5, si Mean na ina ng mga bata na nasa 35. May kasama silang maid na 46 years old from Visayas, matagal na rin siyang naninilbihan sa kanya. At dahil holiday ang anak ng maid ay nagbakasyon sa kanya para makasama ang Ina. 10 years old at babae. Ang asawa ni Mean ay isang Engineer sa Saudi kaya wala siya.

Tahimik na halos ang lahat, ang maid at ang tatlong bata ay magkasamang natulog sa kwarto kasi napagod sa kakalaro. Kaya yung anak ng amo ay kasama ng maid pati ang anak nyang nagbakasyon lang. Sabik kasi sa kalaro kaya nakikipaglaro lagi sa anak ng maid. Ang kwarto ng maid ay sa 1st floor.

Si Nanay ni Mean ay nasa kwarto sa taas, bandang kaliwa. Sa kabilang side naman ang kwarto ni Mean at ang mga anak nya. Sa harap ng hagdan. Katabi nya matulog ang mga anak nya pero ng time na yun dahil sa pagod sa harutan dun na natulog at gustong kasama ang anak ng maid.

Bawal magpaputok pag bagong taon, kaya naman fountain lang at lusis ang ginagamit namin dito.

Mga alas-tres ng madaling araw yun bigla nalang nakarinig kami ng mga ingay sa kapitbahay. Dahil tahimik na kaya naririnig namin ang takbuhan sa daan. Kaya napababa ang Mister ko, sumunod na rin ako. Tapos sakto may tumatakbo nun sa tapat namin at tinanong, "Bro anong nangyari?
Kapitbahay: May sunog daw sa kabila.
Siyempre shookt kami kaya nakitingin na rin kami. Grabe takbuhan ang mga tao sa daan, yung mga aso tumatahol.

Malayo pa kami ay nakikita na namin ang usok. Nung mapalapit kami, dun namin nakita ang laki na ng apoy.  Lumagablab na halos ang harapan at parteng sala at kusina.

Nagtanong ang kapitbahay ko kung ano daw pinagmulan ng sunog. Walang nakakaalam. Ang kwento ay walang kaalam-alam ang mga nakatira dahil tulog na sila at ang mga kapitbahay ay ganun din. Nang biglang may mamang galing sa kumpare nya na nakipag-inuman at pauwi na kaya ganyang nakita ang sunog. Talagang napagod ang mga tao sa pagsalubong sa Bagong Taon kaya napasarap ang tulog. Nagsisisigaw daw ang mama para magising ang mga tao. Kinalampag ang gate ng mga kapitbahay.

Hanggang may nagsilabas na nagtulong na ang mga kapitbahay sa pagbubuhos ng tubig. Ang iba ay nilabas ang hose na gamit sa pagka-car wash. Ang mga bahay dito  ay duplex. Kaya nakakatakot dahil malamang may mahawahan.

At talagang naalarma ang mga kapitbahay. Nagtulungan sila paano matutupok ang apoy at mabilis na  tumawag ng bumbero. Dun nagising ang ibang naninirahan sa subdivision dahil sa pagdating ng mga bumbero.

Grabe ang mga nasa loob at ang sarap ng tulog. Sumisigaw kami sa labas. Nakaharang na ang apoy. Si nanay ay di na makababa dahil mahirap para sa kanya kasi may athritis siya. Paika-ika maglakad. Si Mean ay nagising dahil naamoy ang usok. Nabigla siya dahil makapal na ito. Pinilit nya na makababa para makuha ang mga anak nya. Kahit napapaso na ay nagsumikap siyang makababa. Nasusunog na rin ang ibang part ng hagdan. Malaki na ang apoy sa loob ng bahay at nagsisikip na ang dibdib nya sa usok. Kinatok nya ang pinto para marinig siya ng mga nasa loob. Pero tila ba hindi siya naririnig ng mga ito hanggang pinagbabalya nya na ito. Wala pa ring nagbubukas. Pero naririnig nya ang boses ng maid na ginigising ang mga bata. Sinilip nya ang bintana ng kwarto nila grabe puno na ng usok at nakita nya yakap-yakap ng katulong ang tatlong bata. Pinipilit nyang ilabas kahit mga bata pero bumagsak na ang kisame sa taas. Parang mababaliw si Mean na nakikita ang mga anak na tinutupok ng apoy. Hanggang napatingin siya sa bintana sa sala at naaninag nya maraming tao sa labas. Tinatawag siya ayaw nyang lumabas kasi ang mga anak nya nasa loob. Naririnig nya ang kakila-kilabot nilang mga iyak. Ang daing nila dahil sa init at usok. Sumisigaw din ang bata na nagbakasyon lang. Pati ang kalunos-lunos na sigaw ng nanay nya. Nagbalik siya sa hagdan pero kalat na rin ang apoy.

Naririnig nya ang kanyang mga anak tinatawag siya kaya sinubukan nyang lapitan uli sila. Kaso may bumagsak na namang bahagi ng kisame na umaapoy na at humarang sa daraanan nya. Sigaw siya ng sigaw. Paano ang mga anak nya. Nag-iiyak siya sa loob. Pati Nanay nya ay di nya nagawang iligtas. Kalat na ang apoy sa pintuan ng sala kaya desperado na siya.

Kalat na rin ang apoy sa labas. Maging ang kotse nila sa tapat ng bahay. Vios silver.

Hanggang dumating ang mga bumbero at pinasok ang bahay. Kalunos-lunos ang tagpong yun. Siya nalang ang nailigtas, palag siya ng palag ayaw nyang sumama. Dinig na dinig ang mga hiyaw ng maliliit na bata. Ang lola. Ang maid nyang napakatapat. At ang anak nito. Sumisigaw sila habang nasusunog ang mga katawan. Nakakakilabot.

Hanggang sa wala ng naririnig na tawag o iyak. Malaki pa rin ang apoy. Si Mean ay iyak pa rin ng iyak. Nakakabasag ng puso ang tagpong yun.

Himingi pa ng back up ang mga bumbero noon. Hanggang sa maampat na ang apoy.

Ang side din ng kapitbahay nila ay nadale. Ang kotse nila ay wala na. Ang bahay na cinash nila dahil ang mister ay nasa Saudi. Ang nanay nyang may edad na dumanas pa ng ganun. At ang mga anak nyang mahal na mahal nya. Pati ang maid nya at anak nito. Limang buhay ang nawala sa hindi inaasahang pangyayari.

Inilabas na ang mga bangkay ng nasunog at kahit bato ang puso mo maiiyak ka ng oras na yun. Kawawa sila. Sunog na ang kanilang mga katawan. Ang saklap ng dinanas nila.

Siya nalang ang nailigtas sa apoy pero parang ayaw na rin namang mabuhay. Marami rin siyang tinamong mga sugat at paltos. Lahat ng naipundar nila ng asawa nyang nasa Saudi ay nauwi sa wala. Pero mas masakit ang nawala yung buhay ng mga mahal mo sa buhay.

Nag-imbestiga ang mga pulis tungkol sa nangyari at ang sabi ay may lead sila na ng bandang 10pm daw at may nakatambay na teenager dun tinanong sila kung may kinalaman sa nangyari. Ang sabi parang may naamoy na gas. Malapit sa kotse. Kaya mabilis na tinignan ang CCTV  ng mga meron sa malapit. Ang nakita ay may lalaking nakaitim na jacket na tumambay ng mga alas onse tapos ay nagbalik ulit ng 12:45am. Nagsindi ng posporo at sa kotse itinapon ang posporo. Yun ang pimagmulan ng sunog papasok sa bahay nila. Pero dahil malabo ang kuha ng CCTV ay di nakuha ang mukha ng salarin.

Ang sabi ng mga kabataang dumaraan sa gabi. Minsan daw ay may naririnig silang mga iyak at mga daing. Minsan boses daw ng mga batang naglalaro.

Si Mean ay umuwi na sa kapatid nya at ng malaman ng asawa nya na nasa Saudi ang nangyari ay umuwi ito. Ganun nalang ang kanyang hagulgol. Nawala ang bahay nila maging ang mga anak nila.

Sa ngayon ay buntis uli si Mean at malapit na siyang manganak.

Lagi po tayong mag-iingat. Ang sabi ng mga unang nakakita pwede daw lumabas si Mean ng di pa napuruhan ang bahay nila. Kaso unang nasunog ang harapan, nasusunog ang kotse at may gate kaya napakahirap para makalabas siya.

Sa mga wala pong parking sa bakuran, kung nagpa-park sa tapat ng bahay wag pong pakalapit sa gate para kung may emergency, agad makakalabas.

Good night & God bless.

Faith♥️
Pampanga

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon