Hi! Avid reader na ako ng page na 'to since 2016 until now. So, ise-share ko lang yung story ng kapatid ko sa school namin nung high school palang ako. Anyway, just call me Mike.
So here it goes.Nasa school kami nung time na yun dahil after nung class namin (morning shift po kami, 4th year hugh school) di na kami umuwi dahil magte-train kami ng mga bagong papalit sa amin sa Theatre Club nun at kasama sa mga tuturuan namin yung kapatid ko, si SJ. So, nasa gym kami ng school nun kasi inaayos yung Theatre Room namin that time dahil under renovation yung old building ng school which is kung nasaan yung room namin para sa theatre club. Habang nasa kalagitnaan ng pagtuturo, si SJ nagpaalam sakin na iihi daw muna siya. So, ako naman pinayagan ko. Anyway, may 2 cr po kami sa school. Isa sa likod ng old building at isa naman sa new building. Habang nagtuturo ako, natanaw ko na pabalik na siya galing sa cr sa likod ng old building. Pero napansin kong tulala lang siya at nakatingin sa sahig. Nung una, ipinagwalang bahala namin dahil baka nagko-concentrate lang siya dahil aarte sila sa harap namin. Pero nung nasa kalagitnaan na kami ng discussion at actingan, biglang umiyak yung kapatid ko pero nakatingin pa din siya sa lapag ng gym. Yung iyak niya, sobrang tahimik. Ni hindi kami nakarinig ng paghagulgol kaya nagulat ako. Pinaupo ko siya sa bench then tinatanong ko siya kung anong problema. Nung una, ayaw niya pang sumagot. Kinukulit ko siya pero di siya nagsasalita, sa halip ay pumikit lang siya ng mariin at kumapit ng mahigpit sa braso ko. Ramdam kong may kakaiba na sa kanya, kaya tinawag ko yung teacher ko dati sa canteen dahil siya yung magaling manggamot sa mga nasasapian sa school. Lumabas si ma'am at pumunta kung nasaan si SJ nakaupo. Inaakay namin siya para tumayo pero imbis na tumayo, lalong lumakas yung pag-iyak niya. Tinanong siya ni ma'am kung bakit siya umiiyak at ayaw niyang tumayo, ang sabi niya "Ayokoooo! Katabi ko lang siya! Papatayin niya daw ako!" So, ako naman kinabahan na ng sobra kaya tinawagan ko si mama at pinapunta sa school. Nung napilit nilang mapatayo si SJ, nakapikit pa rin ito. Pero pansin kong may konting uwang sa mga mata niya dahilan para makakita pa rin siya kahit papaano pero nung nasa bandang pintuan na sila ng canteen, nagwawala na yung kapatid ko at umiyak na ng sobrang lakas na para bang ayaw niya pumasok dun sa lugar na yun. Nagulat nalang kami, bigla siyang sumigaw nang, "Nandiyan siya sa pintuan! Ayokong pumasok diyan! Papatayin niya ako! Papatayin niya ako!" Kaya kinuha ni ma'am yung rosaryo niya at kumuha rin ang luya bilang pangontra at panakot daw sa mga masasamang elemento. Nung nasa loob na sila, dumating si mama. Marunong din si mama magpalayas ng mga masasamang espiritu kaya tinulungan niya si ma'am sa pagdarasal. Nung nahimasmasan yung kapatid ko, tinanong siya nila ma'am at mama kung ano bang nakikita niya. Ang sinabi niya, "Batang estudyante po. Umiihi lang ako sa dulong cubicle ng cr dun sa likod ng old building tapos nung palabas na po ako bigla siyang sumigaw galing dun sa pinag-ihian ko. Ang sabi niya sakin, papatayin daw niya ako. Galit na galit po siya." Dahil dun, nalaman namin kung sino ang estudyanteng yun, yun yung estudyante ng elementary school na katabi ng high school kung saan kami nag-aral. Siya si Moymoy, namatay siya nung panahong wala pa yung school namin. Elementary palang ang meron nun. Ang katabi ng elementary school noon ay palaisdaan. Doon namatay si Moymoy. Ang sabi, naglalaro daw yung bata nun matapos ang klase ngunit sa kasamaang palad, nabagok ito at nagkataong walang taong naroon sa lugar na yun nung mga panahon na yun kung kaya't walang nakakita sa kanya na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Nalaman na lamang ito at nakita noon dahil makalipas ang 1 linggo hindi pa daw nakakauwi si Moymoy kung kaya't hinanap siya ng kanyang mga magulang at nakita ang sinapit ng bata. Simula noon, lagi na siyang nagpaparamdam. Hindi lang sa high school, kundi pati na rin sa elementary school at minsan, pinaglalaruan daw nya ang mga gurong naiiwan sa faculty tuwing night shift.
Salamat sa pagbabasa, nawa'y nagustuhan niyo ang aking kuwento.
PS. May third eye po ang kapatid ko at active yun hanggang ngayon.
Mike
Caloocan City (South)
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree