LAStsING

174 6 0
                                    


Hello Spookify! My name is Rose, 21 years old. Naninirahan ako sa bahay ng Uncle (kapatid ni papa) at Tita (asawa ni uncle) ko. Namatay kasi ang mama at papa ko 6 years old pa lang ako, dahil sa isang maselang sakit. Ako lang ang naging anak nila. Kaya simula pagkabata ay sila Uncle na ang bumubuhay sa akin. Sila Uncle naman ay walang anak simula ng ikasal sila. Dahil ito sa kondisyon ng katawan ni Tito. Ako at si Manang (katulong) lang ang kasama nila sa bahay. Minahal at itinuring na nila akong tunay na anak. Halos lahat ng gusto ko ay naibibigay nila. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa pag-aalaga at sa pagkupkop nila sakin. Nabuhay kami ng payapa bilang isang pamilya. Pero nabago ang lahat dahil lang sa isang pangyayari.

Isang gabi habang nagre-review ako sa kwarto ay biglang pumasok si Uncle, lasing ito at tila wala sa sarili. Lumapit ito sakin at inaaya ako na makipagtalik sa kanya at kung hindi ako papayag ay hindi na nila tutustusan ang pag-aaral ko at palalayasin nila ako sa bahay nila. Tumanggi ako sa gusto niyang mangyari pero hindi sya tumigil. Hinawakan nya ng mahigpit ang mga braso ko at sinumulang halikan ang aking katawan. Doon na ako sumigaw ng sumigaw pero pinagsusuntok nya ako sa mukha na agad kong ikinahilo. Nasipa ko pa sya sa gawing ari pero hindi nya 'to ininda at pinagpatuloy ang panghahalay sakin. Noong hubaran na nya ako ng damit ay nakita ko na may dala siyang kutsilyo sa likod ng bulsa ng kanyang pantalon. Dahil dun ay mas lalo pa kong kinabahan, sumagi sa isip ko na baka pagtapos nya akong halayin ay tuluyan na nya ako. Doon na ako naglakas loob at nagpanggap na gusto ko na rin ang ginagawa nya. Nang makatiyempo na hinuhubad na nya ang damit nya ay dali-dali kong kinuha ang kutsilyo sa kanyang pantalon. Tinutok ko sa mukha nya ito na sya naman niyang ikinagulat. Napatayo sya at napaatras. Habang hawak ang kutsilyo at nakatutok sa kanya ay dahan-dahan akong tumayo at lumakad papuntang pinto para lumabas at humingi ng tulong. Pero biglang tumakbo si Uncle at kinuha ang vase sa kwarto at nakaamba itong ihahampas sakin. Kaya hindi pa man nakakalapit ay sinalubong ko na ito at inundayan ng saksak sa tagiliran. Tinamaan pa nya ako sa ulo ng vase na nagdulot ng pag-agos ng dugo sa aking mukha. Pero ilang segundo lang ay dahan-dahan na siyang napaupo sa sahig. Umiiyak ako na lumabas sa kwarto at sumisigaw ng tulong kahit hinang-hina na ako. Narinig naman agad ako ni Manang at ni Tita. Laking gulat nila ng makita nila ako na naliligo sa dugo.

"Anong nangyari sayo?!"
"Si uncle..."
Habang umiiyak at nanginginig ako sa takot.

"Bakit anong nangyari?"
"Ginahasa nya po ako. Nandon po sya."
Sabay turo sa kwarto ko.

Agad nya itong pinuntahan sa kwarto at nadatnan na nakahandusay sa sahig habang nag-aagaw buhay. Nang nadala si Uncle sa Hospital ay naiwan ako sa bahay kasama si Manang. Pinilit din akong isama ni Tita sa hospital pero tinanggihan ko ito. Sa bahay kasama si Manang ay pinunasan at binigyan ako ng paunang lunas nito. Pinapatahan din ako nito sa pag-iyak at tinatanong tungkol sa nangyari. Doon sinabi ko sa kanya na nasaksak ko si Uncle dahil hinalay ako nito at sinaktan. Dahil dun ay nagkusangloob si Manang na tumawag ng pulis at sinabi ang pangyayari. Agad namang inimbestigahan ng mga pulis ang nangyari. Kasabay na rin nito ang mga sunod-sunod na mga tanong nila sakin. Pinuntahan din nila si Uncle sa hospital na noon pala ay binawian na ng buhay. 'Di kinalaunan ay napatunayan na self-defense lang ang nangyari at hindi ko ginusto na masaksak at mapatay si Uncle. Ganon pa man ay lungkot, awa at hiya ang naramdaman ko para kay Tita kahit napatunayan na hindi ko kasalanan ang nangyari. Kaya nagpaalam ako sa kanya na aalis na ako sa bahay at makikitira sa ibang kamag-anak namin. Pero pinigilan nya ako at pinilit na huwag umalis. Ang sabi pa nya ay...

"Wala kang kasalanan sa nangyari. Alam kong hindi mo yun ginusto, kilala kita. Siguro nga kung ako yung nasa posisyon mo noon ay ganon din ang ginawa ko. Nakakalungkot lang at dahil lang sa pag-inom nya ay makakagawa sya ng hindi maganda. Patawad anak ah, sana mapatawad mo sya."

Doon na tumulo ang luha ko at niyakap ko sya. Kasi sa tagal ng panahon na kasama ko sila, nun lang nya ako tinawag na anak. Ang sabi pa nya.

"Wag ka ng umalis, ikaw na lang ang kasama ko sa buhay aalis ka pa. Malulungkot ako nito ng sobra. Tsaka diba pamilya tayo? Magtulungan tayo pareho na makabangon ulit. Wag kang mag-alala, kapag naayos ko ang mga papel natin, sa Canada na tayo titira. Magbabagong buhay tayo."

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon