Land of the Rising Sun

178 3 0
                                    


Hindi na bago sa nihon ang mga ganyang kwento. Nakaranas din kami ng matinding takot sa bahay namin dati sa Japan. Kung kailan oras na ng tulog eh don sila magsisilabasan at idadabog lahat ng gamit. Ang mas matindi pa don e maririnig mo yung gulong ng maleta paikot-ikot sa buong bahay. Pag-uuwi galing sa trabaho e makikita mo yung sahig ng cr na akala mo e may bagong ligo. Pinaglalaruan din nila yung aircon kung minsan e iinit ng sobra para magising ka. Minsan magugulat ka nalang na may nakayapak sa hinihigaan mo. Lalo pa e magugulat ka na may tatakbong bata sa harap mo. - Ma. Patricia

Totoo talagang mas nakakatakot ang pag mumulto sa Japan. Sister ko entertainer din sa Japan dati. Matapang yun minumura niya kasi nagpapakita sa kanya nung una. Babae din pero minumura niya at nagmamatapang sya. Pero dumating sa point na pag nanalamin sya, biglang tutulo ang dugo sa noo nya, yung parang may sugat sya sa noo. Pahid sya ng pahid. Natulo talaga ang dugo. At yung isa niyang katrabaho, pinauwi ng Pinas at nabaliw kasi na-possessed. - Bhe

Kung nakakatakot angbmulto sa Pinas, mas nakakatakot sa Japan jusko po! Ako nandon ako nung December, wala si jowa nasa Hokkaido dahil may work. Naiwan ako sa bahay ng nanay nya tas ako lang mag-isa sa kwarto. Yung biyenan ko dun sa room na dasalan nila natutulog tas yung hipag ko sa taas. Leche, tig-iisa kami ng kwarto kung kailan gusto ko ng matulog saka naman parang may nakita akong papalapit sa kama na dumagan sakin at ginulo-gulo ung buhok ko na para akong sasabunutan di ko alam kung panaginip pero gising ako. Lahat na yata ng santo natawag ko pati mga patay namin dito sa Pinas tinawag ko hahaha. Sabi ko tulungan nila akong ipagtanggol sa multo grabeng pangyayari yun simula nun. Nagsabi na ako kay jowa na ayoko na sa kwarto ng nanay at tatay nya, sabi ko sa sala nalang ako hahaha. Ayaw naman ng biyenan ko kaya ang nangyari dun ako sa tinulugan ng nanay nya (basta dasalan ng mga hapon yun, nakalimutan ko kung anu ang name), basta doon na ako natulog na lahat ng picture ng patay sa family nila nandun. Creepy man pero ok na rin kasi may Bhudda at never ko ng naranasan na may mumu na nagpaparamdam. Simula nun never na akonf napasok sa kwarto ng biyenan ko. Tumatayo ang balahibo ko pag nakikita kong bukas ang pintuan nung room hahaha. Marami pa akong na-encounter na mumu sa bagong apartment na nilipatan namin ni jowa sa may Funabashi. - Maricel

Meron akong naranasan nung nasa Japan ako last year, isa sa basic transpo ang bisikleta. Sa isang malaking koen (park) sa Kawasaki may mga kaluluwa na laging nangungulit dun. Minsan sumasampa sya sa likod mo habang nagbibisikleta ka kung di ka nakakakita mararamdaman mo lang na sobrang hirap magpedal at mabigat pero kung nakakakita ka, iba't ibang instances yun. Minsan kamay lang nakikita ko na nakahawak sa balikat ko, minsan naman yung buhok na mahabang itim na hinahangin lang minsan, pero madalas anino lang ang makikita mong naka-angkas sa likod mo, pero paglampas mo ng park nawawala din sya. May isang beses din na nag-walking kami at ng kaibigan nya bandang 2am. Nilakad namin mula bahay hanggang park (same park) at habang nag-eexercise kami ay may sumasabay din samin na isang babae at isang lalaki. Natakot sila tita nun kaya nagmadali na kaming maglakad pauwi. Sabi ni tita ayaw daw ng souls ng something galing sa earth tulad ng ginto kaya dapat daw meron kang suot na kahit anong ginto sa katawan para di daw sila makalapit. Marami pa akong na-experience dun tulad ng nagbibisekleta kami isang gabi at may nakita kaming pulang mata sa tabi ng isang naka-park na sasakyan, nagmadali kami magpedal pero di kami makaalis sa lugar na yun na parang ang bagal namin o may humihila sa amin. Nagdasal na kami sabay-sabay ng dalawa kong tita. After 3 minutes, umandar kami ng mabilis. Pagdating namin ng bahay sobrang bigat ng batok ko kaya ang ginawa ni tita pinahiram nya yung hikaw niyang gold sakin at pinagdasal. Masarap kasi magbisikleta o maglakad sa Japan kahit gabi dahil feeling ko safe ako dun (lalo na sa tao) pero di talaga mawawala yung mga souls na pagala-gala dahil di naman sila minimisahan after cremation. Pero kahit marami akong nakakatakot na experience dun at dahil parang normal lang sa kanila yung mga ganung scenario, madali lang din nawawalwa yung takot. - Rjay

Marami talaga sa Japan niyan. Naaalala ko dati kasamahan ko sa Japan way back 2004, tuwang-tuwa sa bago niyang cellphone na Vodafone na fliptop. Malinaw kasi yung cam, sya nalang yung gising panay selfie, ayun may sumama sa kanya sa picture, usok na hugis tao singkit at nkangiti pa kitang-kita yung mukha, sa takot nya inihagis nya yung ketai (fone) nya, nagising kami lahat. Kitang-kita namin yung hugis tao na usok sa likod nya. Binura ng isa naming kasamahan yung picture na yun. Sa takot namin halos nagtabi-tabi kami matulog lahat. Siksikan kami tapos nagpaalaga nalang si tenchou namin ng pusa sa loob ng heya namin pra pantaboy daw ng bad spirit. Maraming multo sa Hiroshima kasi binagsakan pala ng bomba yun nung world war 2, share ko lang po. - Mer

Marami akong experience na nakakatakot sa Japan. Winter noon, halos grabe ang snow. Yung kama namin, double deck dalawa lang kami ng kasamahan ko ang nasa bahay. Wala kaming pasok na dalawa that time. Nung matutulog na kami akala namin nalindol sya sa baba. Ako sa taas, medyo masama ang pakiramdam namin nun dahil sa sobrang lamig. Tas nung nagsidating na mga kasama namin nagtanong kami kung limindol ba sabi nila hindi daw tas natulog na kaming lahat. Gumising kami ng 4pm para maligo at kumain, halos lahat kami iisa ang panaginip. May na-rape samin sa loob ng kwarto malaking lalaki at medyo maganda ang katawan. Nung araw na yun isa samin ang nagkasakit at sunod-sunod na kaming nagkasakit. Di malaman ng amo namin kung bakit. Hanggang isang araw mamalengke kami tumawag kami ng taxi, nung una sabi ng taxi driver "Bakit diyan kayo nakatira?" so nagtinginan kami ng mga kasamahan ko. Then biglang nagsalita yung driver na hindi nyo ba alam na yang tinitirahan nyo ay dating sunugan ng mga namamatay?. - Lara

Naalala ko yung kwento sakin ng mommy ko. That time nagtatrabaho pa sya sa Omise. Kaya madalas lasing din silang umuuwi para pagdating sa bahay diretso tulog na. Kaya nung isang beses pauwi na sila nang isa nyang katrabaho, madaling araw na ng naglalakad sila pauwi ng may nakita sila sa di kalayuan na babae na papasalubong sa kanila. Nagpustahan sila mommy at yung kasama nya kung multo ba yun o hindi. Katuwaan lang nila yun, pero di nila inaasahan na yung katuwaan nila ay magiging totoo. Para malaman kung multo o hindi, yung sinasabi nila na parang medyo tutuwad ka at titignan sa pagitan ng dalawang paa mo yung tao kung nakalutang o hindi. Ginawa nila yun ng sabay. Pagkita nila, yung babae nakalutang at papalapit na sa kanila. Nawala lahat ng kalasingan nila at nagsimulang tumakbo. Yung kasama ng mommy ko nakatakbo. Pero yung mommy ko kahit bilisan nya yung takbo nya hindi daw sya nakakaalis sa pwesto nya hanggang sa dinaanan siya nung babaeng nakalutang at biglang nawala. Tsaka lang sya nakaalis sa pwesto nya nung nawala na yung babae. - Lala

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon