Good Evening po. Just want to share my experience last 2017 noong naisipan namin ni ex na pumasok sa isang lumang museum dito sa bayan namin. I won't mention the place nalang.Nasa hagdanan pa lang kami na may pulang carpet at sabay na tiningala ang madilim na 2nd floor. Nagkatinginan kami at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yun pero saglit ko syang nakitaan ng takot sa mata nya. "Natatakot ka ba?" Natatawang puna ko. Agad naman nya akong sinamaan ng tingin, lalong nagsalubong ang kilay nyang makapal. "Hindi ah. Ano, ready ka na ba?" Tumango ako pero mahahalata sa mukha ko ang pag-aalangan.
Bumuga sya ng malalim na hininga at bahagyang pinukpok ang dibdib, "Wooh! Bigla akong kinabahan." Parehas kaming natawa. Hindi kasi namin alam kung anong naghihintay sa amin sa itaas, madilim kasi. Mukhang parehas kami ng iniisip. "Akala ko ba hindi ka takot sa mga ghostly thing?" Nabanggit nya kasi dati na minsanan na din silang nag-ghost hunting ng mga kaibigan nya pero hindi naman daw sya kailanman nakakita pa ng ghost. Parehas din kaming adik sa horror movies at immune na immune na daw sya since bata pa lang, yun na ang interes nya. Gustong-gusto nya daw kasing makaranas na makakita man lang ng ghost kung totoong nag-e-exist daw ba sila.
"Em," tawag nya sa akin. "Pwedeng next time nalang natin gawin 'to? Iba kasi ang pakiramdam ko dito e." Doon na ako tuluyang humagalpak ng tawa pero hininaan ko ang boses ko. "Seryoso?" Sabi ko sabay tingin sa itaas at sa kanya. Nasa hamba na kami ng hagdanan tapos biglang maisipan nyang mag-retreat? Hindi sya mapakali at panay ang galaw nya. Muli syang huminga ng malalim at natawa. "Tsk, tara na nga lang, sayang naman ang binayad natin dito." sabi ko nga.
Nagsimula na kaming umakyat at medyo nauna ako aa kanya ng konti since sinadya nya yatang magpahuli. Hanggang sa nakarating na nga kami sa ikalawang palapag. Kakaapak ko pa lang sa sahig mismo nang marinig ko syang nagmura, "Oh shit!" nilingon ko sya nang may napansin ako, diretso akong napaharap sa kanya at napasinghap, mangiyak-ngiyak, saglit pa akong napapikit at nanigas ang buong katawan. Pagdilat ko ay impit akong napasigaw, "Shettyy!."
Alam mo yung feeling na gulat kang sinalubong ni kamatayan at saka mo lang namalayan na nasa bingit ka na pala ng kamatayan? Yung naglalaro kayo ng tagu-taguan nang may biglang mag-'boo' sa pinagtataguan mo? Yung biglang ang seryoso ng pinanonood mong horror scene nang biglang mag-jump scare, nakakagulat kasi pakiramdam mo, biglang hinugot ang puso mo at muling binalik. As in, parehas talaga kaming nagulantang sa nangyari. Teka, ano nga bang nangyari?.
"Ikaw rin?!" sabay naming singhap parehas. Paano, nang umapak kasi ako sa sahig na mismo, bigla syang nagmura, paglingon ko, saktong may napansin akong itim na parang usok or more like, anino, tumakbo ito sa bandang likuran ko kaya diretso akong napaharap sa kanya. As in, about face kung about face. Napapikit ako sa sobrang gulat, hindi ko inaasahan yun, sa totoo lang. Naramdaman ko lang sila pero ni minsan, hindi pa ako nakakita, ngayon lang. Nagmistulang tuod ako bigla. Dumilat ako at...
Isang pari na nakatayo pero walang ulo sa tapat ko mismo. Yun pala isang mannequin lang na nakadamit pampari nang maaninag ko. Kaya natatawang napamura ako sabay tingin sa gulat at nanlalaki nyang may kasingkitan na mga mata. Literal na nakatunganga siya at nakanganga.
Sandali pa kaming nagkatinginan at muling natawa. Hindi ako nakaramdam ng takot talaga, I am actually thrilled. This is my first time seeing a black entity. Akala ko magyayaya na syang umalis na kami doon pero ngumisi sya at sinabing, nakita daw nya ang isang repleksyon ng isang itim na anino sa salamin pagkaangat nya ng tingin. Nasa gilid daw ito hanggang sa pumunta nga sa likuran ko at biglang nawala.
"Hahaha, tara na nga, itutuloy na natin ito. Imahinasyon lang natin yun." Aniya at diretsong naglakad. Nagpalinga-linga pa sya sa paligid at taas noong sinabing, "See? Wala namang ibang tao dito bukod sa atin." Natatawa akong sinundan sya.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree