Baguio Experience - 2019

308 13 0
                                    


Hi spookify! Matagal na akong reader dito sa page na ito pero 1st time kong mag-share ng spooky experience dito, kaya pagpasensyahan nyo na ang aking pagta-type.

Itago nyo nalang po ako sa pangalang Choy, from Bolinao, Pangasinan.

Nangyari ito noong July, 2019. Kasama ko ang lola ko na pastora, ang tita ko at ang kanyang anak na pumuntang Baguio. Gustong-gustong pumunta ng pinsan ko sa Baguio dahil sa Diplomat Hotel (first time nya dito sa Pinas dahil sa USA sya lumaki) kaya yun ang una naming pinuntahan pagkarating nila ng Pinas.

Madali ka lang makakapunta sa Diplomat Hotel sa Baguio, sumakay ka lang ng taxi at sabihin mo lang ang lugar na Diplomat Hotel at dadalhin ka na nila dun.

Habang nakasakay kami ng taxi, nagkwento ang driver sa amin. Ang sabi nya hindi ba kayo natatakot sa Diplomat Hotel? Tinanong namin kung bakit, ang kwento nya meron syang sinakay na pasahero na taga Visayas at kinilabutan ang driver sa nakita ng kanyang pasahero. "Ang dami kong nakitang pari na nakaposas at madre na nakakulong, nagmamakaawa na tulungan sila" sabi ng kanyang pasahero. Napaisip kami ngunit mas nanaig sa amin ang excitement na makita ang hotel.

3:30pm kami nakarating sa Diplomat Hotel, nasa bungad palang kami ng pinto parang may tinitignan ang lola ko sa may pinto. At nung pagpasok ng lola ko sa loob, tumaas ang kanyang mga buhok na para bang may nakita syang nakakatakot (kung di nyo naitatanong, ang lola ko ay nakakakita, nakakarinig at nakakaramdam ng di kaya ng normal na tao, kumbaga nakabukas ang kanyang third eye, nakakapagsalita at nakakaintindi din sya ng Latin. Pastora sya kaya malapit sya kay Lord hehe). Hindi ko na tinanong kung bakit ganon ang nangyari sa buhok nya at kung ano ang nakita nya baka kasi matakot kami ng pinsan ko. Habang naglalakad at nagpi-picture kami sa loob, wala kaming kakaibang naramdaman kundi excitement. Pero nung pagpunta namin sa 2nd floor, sa may pinto bandang kanan sumigaw ang aking lola "HUWAG KAYONG PUMUNTA SA PINTONG YAN!" takot na takot nyang sinabi. Kaya iniwasan nalang namin. Tumigil kami sa bandang bintana para mag-picture. Pero habang nagpi-picture kami may binibigkas ang lola ko na salita na di namin maintindihan. Tinanong namin kung ano ang sinasabi nya. Salitang Latin yon na ang ibig sabihin ay "Wala kaming gagawing masama dito, nagbi-visit lang kami at huwag nyo kaming gawan ng masama."

Isa-isa kong tinignan ang kwarto sa 2nd floor dahil hinahanap ko yung terrace sa harapan, ngunit nasa 3rd floor pala yon. Nagulat ako sa mga drawings sa pader, may mukha ng madre, mukha ng lalaking parang magsasaka. Nakita ko rin ang mga sinaunang CR doon. Pero iba ang pakiramdam ko nung time na yun medyo tumayo ang mga balahibo ko kaya lumabas agad ako. Habang naglalakad kami sa hallway ng lola ko, bigla nya kaming pinahinto. Sabay sabing "May kasalubong tayong nakaitim." Pero wala naman kaming nakita na kasalubong namin na nakaitim. Hindi na kami tumuloy sa huling kwarto na yun dahil sa sinabi ng lola ko na kasalubong na itim. Pumunta na kami sa 3rd floor. Bago ka umakyat ng 3rd floor may nakasulat na "Hanggang 4pm lang ang pwedeng umakyat." Napaisip ako kung bakit hanggang 4pm lang. Pag-akyat namin ng 3rd floor 3:57 pm na at minamadali kaming pababain ng bantay doon. Pero nag-picture pa rin kami sa may terrace. Exactly 4pm sobrang kapal na ng fog sa taas, yung tipong di mo na makita yung nasa paligid mo. Tumakbo agad kami pababa kasi nakakatakot sa taas dahil sa kapal ng fog. Nung nasa baba na kami pumunta kami sa likod dahil may garden doon. Habang tinitignan namin yung garden, ang dami daw nakita ng lola ko na maliliit na tao, ang sabi nya dwende daw, pero wala naman kaming makita.

Biglang bumuhos ang ulan kaya bumalik kami sa loob ng Diplomat Hotel. Habang hinihintay naming tumila ang ulan, hindi mapakali ang lola ko tinitignan nya ang paligid lalo na ang CR. Ihing-ihi na ako noon ngunit nung sinabi kong iihi ako. Takot na takot nyang sinabi "Huwag!!! Sa hotel nalang."

Gabi na ng makauwi kami ng hotel, ngunit hanggang sa hotel may sumunod yata sa amin. 1am gising pa kami nagkukuwentuhan. At exactly 2am may nakita at naramdamang humawak sa kanyang kamay ang lola ko, itim na kamay. tinignan nya ang tita kong katabi nya ngunit tulog na, tinignan nya din ang pinsan ko pero sya ay nagse-cellphone lang. Nagtaka rin sya dahil lahat naman kami sa kwarto na yun ay mapuputi (hindj nya muna sinabi sa amin nung gabing yun para di kami matakot).

3am, nagising ako ng may naramdaman ako, akala ko lumilindol nung gabing yun dahil gumagalaw ang double deck kung saan ako nakahiga. Nung minulat ko ang mata ko tumigil yung paggalaw, tapos may nahulog sa bandang ulunan ko at pumunta sa ilalim ng double deck. Di ko na tinignan dahil madilim sa kwarto at natatakot ako dahil may narinig ako na nagsasalita ng Latin, tinignan ko sa kabilang kama, yung lola ko pala ang nagsasalita, natakot ako dahil kung ano yung binanggit nya nung nasa Diplomat Hotel kami yun din ang binanggit nya habang natutulog sya. Dalawa kaming nagising nun, ako at ang pinsan ko. Takot na takot ang pinsan ko dahil doon, sumigaw sya at pinapatigil nya ang lola ko sa pagsasalita. At binuksan namin ang ilaw para makatulog kami ng gabing yun.

Kinabukasan nun nung nasa biyahe na kami tinanong namin sya kung bakit sya nagsasalita ng latin, ang sagot nya "Meron daw kasing sumunod sa amin sa hotel, lalaki at nakasuot ng mahaba na kulay puti, maitim ang kanyang kulay."

Doon sa Diplomat Hotel, nakita daw nya sa pintuan ang nakaitim na madre kaya sya napasigaw na huwag kaming pupunta sa kwartong yon. Eh sobrang takot nya nun (ganon nalang ang sinabi nya para siguro di kami matakot kasi gusto pa naming bumalik).

At diyan nagtatapos ang aming karanasan sa Baguio. Madami pang kwento at karanasan ang lola ko na kinuwento nya sa amin habang nandito sila sa Pinas, tsaka na dahil sobrang hahaba pa nun. Thank you sa lahat ng nagbasa! God bless.

CHOY

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon