NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery

154 6 0
                                    


Nag-iipon ako para sa aking Lasik Surgery, sa loob ng maraming taon. Ako'y bulag na parang isang paniki kapag hindi ko nasusuot ang contact lens ko, pagkatapos may bumarang isa, eeuuuugh...! Sa kabutihang palad, maayos naman ang operasyon, at malapit na akong makakatapak sa aking tahanan.

"Parang may mali," sabi ng driver.
"Sigurado ka bang ang address mo ay '72 East Mill Rd.'?"
"Uh, oo naman, sigurado ako. Ako at ang asawa ko ay nakatira doon sa loob ng sampung taon."
"Okay," sabi ng nag-aalangang boses ng driver.
"Uh, gusto ko lang i-double check."

Ginugol ko ang oras sa pagtingin-tingin sa bintana ng sasakyan sa biyahe. Mga bahay, puno, mga sasakyan, mas malinaw na sila sa paningin ko. Ngumiti ako sa aking sarili, habang ang driver ay lumiko sa aming kalsada.

At pagkatapos ay bigla siyang huminto.
"Anong ginagawa mo?" sabi ko.
"72 East Mill Rd. ito na."
"Ngunit hindi iyan ang aking bahay."
Tumingin ako sa bahay. Ito ay isang maliit na bahay kagaya ng sa amin ngunit ito ay kumpletong hindi naaayos. Parang ito ay hindi na tinirahan sa loob ng maraming taon. Ang puting pintura ay natatanggal na sa kahoy. Ang mga halaman ay nakapulupot at nasobrahan sa taas, ang ilan nama'y gumagapang na sa gilid ng bahay. Ang ilang mga bintana ay basag at ang mga taniman ng mga bulaklak sa ilalim -- na maselang inaalagaan ni Maggie, sa aming tunay na tahanan, ay walang laman.

"Hindi ito ang aking bahay."
Itinuro niya ang isang mailbox, at doon sa natatanggal na puting pintura ay ang numerong 72.
Ito ay katawa-tawa. Hindi ito ang aking bahay, ngunit ang Uber driver ay nag-iisip na ako ay isang baliw.
"Okay, salamat," sabi ko.
Tatawagan ko na sana ang ibang Uber driver upang ihatid ako sa aking tunay na bahay nang mahagip ng aking paningin ang isang malaking pintuan. Dito, sa harap ng pintuan ay isa sa mga original na welcome mats na binili ko noon."LUMAYO KA. WALANG TAO SA BAHAY."

Naalala kong binili ko ang mat na ito. Ako at si Maggie ay pumunta sa mall noon. Tumawa ako tungkol sa kung paanong napaka-anti-social namin. Naalala ko pati ang chip reader na gumagana sa aking card at ang cashier na binibigyan kami ng isang weird na tingin.

Naalala ko lahat.

Nanginginig ang kamay, tumungo ako sa harap ng pintuan. Kinuha ang susi sa aking bulsa, at inilagay sa kandado. Ito ay nagkasya at ang pinto ay dahan-dahang bumakas. Sa loob, ang bahay ay nasa pinakamalalang estado. Ang sahig ay sira at marumi na. Ilan sa mga haligi ay mayroong malaki at nabubulok na butas. Sa lamesa sa kusina nakalatag ang tumpok na mga liham, lahat ay naka-addressed sa akin. Sa lamesa din ay may nakalatag na kalahating kinain na cinnamon bagel - na kinain ko ngayong umaga.

Wala akong duda tungkol dito---ito ang aking bahay.

Kung ganon nasaan si Maggie?
"Maggie?" tawag ko. Ang aking boses ay kumalat sa walang laman at nabubulok na bahay. "Maggie, nasa bahay ka ba?"

Katahimikan.

Lumakad ako sa hagdanan. Ang bawat hakbang na bumabagsak sa ilalim ng aking timbang, nagbabanta upang tuluyan itong masira. Nang umabot na ako sa pinakamataas, lahat ng pintuan ay sarado. "Maggie!"

Muli, katahimikan.

Napunta ang aking mga kamay sa doorknob ng aming silid-tulugan. Na may humihingal na paghinga, itinulak ko ito pabukas. Ang mga kurtina ay bukas. Ang gintong liwanag ng araw ay pumapasok sa bintana, pinuno ang silid ng liwanag.

At dun sa ibabaw ng kama ay may isang mannequin.

Ang kanyang mukha ay ipininta sa plastik na may makintab na balat. Ang kanyang pekeng kayumangging buhok ay nakakalat sa unan na parang eleganting mga alon. Ang kanyang walang paningin na mga mata ay nakatitig sa kisame, na para bang siya ay nasa perpektong kapayapaan.

Tulad ng isang baliw, sinimulan ko siyang yugyugin. "Maggie! Maggie!" Syempre, ang katahimikan lang ang sumalubong sa akin.

Bumagsak ako sa sulok at nagsimulang umiyak. Ang mga luha ko'y nagpapahapdi sa aking bagong operang mga mata --- ngunit hindi ko ito mapigilan.

Ang doktor ay hindi lang inayos ang aking pagka-nearsightedness.

Binuksan niya rin ang aking mga mata.

🔍Mouri-kun

~cREDDITs

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon