Pakihawak namanHello po! I'm from Mindanao. Avid reader ako dito. Sana ma-post ito.
I just wanted to share this mysterious story of the Education Building in our State University. Graduate na po ako ngayon and base po sa mga nakakausap ko na mga Education Students doon, nangyayari pa rin pala yung mga naranasan namin.
Dati nung college ako, bilang Education student na sobrang conscious sa grades at ayaw mag-take ng exam na walang test permit, palagi kaming nagsisikap na makabayad on time sa mga fees. Kami ng mga barkada ko composed of 3 girls and 2 gays ay pumila sa Cashier ng School, mahaba yung pila at ihing-ihi na kami ni Luna (not her real name). Pumunta kaming Girls CR non sa 2nd floor at medyo maraming tao kaya hintay-hintay muna. Nang may bakanteng cubicle na, pinauna ko si Luna kasi ihing-ihi na talaga siya. Sa paghihintay ko sa kanyang matapos, may isang babaeng lumapit sa akin. Naka-uniform din at may dalang bag "Miss pwede pakihawak muna? Iihi lang ako saglit" suyo niya sa akin. Ngumiti siya at inabot ang bag. Pumayag ako at hinawakan ang bag niya. Pumasok siya sa isang nabakanteng cubicle na sakto namang siyang paglabas ni Luna sa isang cubicle. "Oh kaninong bag yan?" tanong niya "Aah sa babaeng nakasalubong mo pinahawakan niya, ikaw muna humawak. Iihi lang ako saglit tapos bigay mo sa kanya pag tapos na siya."
Natapos na ako't lahat-lahat, hindi pa rin lumalabas yung babae. Kaya ayun naghintay kami. 5 minutes na yata ang nakalipas wala pa rin. Kinatok na namin yung cubicle na pinasukan niya pero walang sumasagot. Pagbukas namin walang tao. Impossibleng lumabas na siya kasi nandun si Luna, madaraanan niya paglabas niya.
Nagkatinginan kami ni Luna. Alam kong natakot din siya. Hinintay namin sa labas kasi kako baka di niya lang napansin. Hinanap na namin sa buong floor yung babae. Nagtanong din kami kung sino ang may-ari nung bag pero walang nakakakilala sa kanya.
Natapos na sa pagbabayad ang mga kabarkada namin, wala pa rin. Tumulong na sila sa paghahanap pero wala pa rin. Hindi pa rin namin nakikita considering na hindi malawak ang university. Malapit na yung oras para sa isa naming subject kaya napagdesisyunan naming iwan nalang yung bag sa faculty at dun kami mas kinilabutan sa nalaman namin.
Pagpasok namin ng faculty dala yung bag, halos lahat ng matatandang instructor lumingon sa amin. Sabi pa ni Mrs. H "Oh she's doing it again. Kayo na ang panglimang grupo mula noon at pangalawa ngayong taon" E di nagtinginan kaming lima.
"Diba babae ang nagbigay nito? Pinahawakan niya tapos sabi iihi lang? Ganyang-ganyan din ang sinasabi niya sa lahat ng pumupunta dito at dinadala yan. The very same bag na dinadala sa amin every time may exam since 199x. Pagpasensyahan nyo na kung naabala kayo. May babae kasing estudyante na namatay dati, ganitong panahon din, malapit na mag-exam. Bago siya namatay iniwan niya ang bag niya sa CR. Ganung-ganun din, pinahawakan niya. Nakita nalang siyang nakahandusay sa loob ng cubicle, naglaslas. Hinala ng iba baka daw sa depresyon. Pero ang totoo, buntis daw yun at ayaw panagutan nung nobyo."
That conversation was 2 years ago, at sa mga narinig ko ganon pa rin hanggang ngayon. Siguro dahil di pa matahimik ang kaluluwa niya.
- Yanaaa
Eye to Eye with the White Lady (True Story)
Based on my experience. I was 7 or 8 years old nung nangyari ito. Kasagsagan ng malakas na bagyo. Di ko na maalala kung anong bagyo yun. Nakataas ang Signal #3 sa aming lalawigan noon. Kasama ko ang ate ko na natutulog sa kama. Yung kama malapit sa main door ngunit may nilagay na kabinet na nagsisilbing harang para hindi makita ang mga natutulog mula sa labas kapag nakabukas ang pinto. Nagising ako dahil sa ingay ng sipol ng hangin at bugso ng malakas na ulan. Bukang liwayway noon mga 3am or 4am. Nagulat ako dahil may nakatayo malapit sa paanan namin. Yung paanan namin malapit sa pintuan ng kwarto kung saan natutulog ang mga magulang at dalawa ko pang kapatid. So yung posisyon nya, nakaharap sya sa pinto ng kwarto. Sa ibang anggulo, naka-side sya sa paanan namin. Naiimagine nyo ba? Malinaw ba? Bumangon ako ng dahan-dahan at umupo sa kama tsaka pinagmasdan ko sya. Nakasuot sya ng pangkasal. Nakatitig sya sa mga magulang ko na parang binabantayan nya sila. Pagkalipas ng ilang minuto, parang nakatunog sya na tinitignan ko sya. Tumingin sya sa akin na aking ikinagulat. Maitim yung mukha nya na parang nasunog tapos maitim ang mga mata nya. Bigla syang umalis papunta sa main door na parang natakot sa akin.Yung pag-alis nya ay ang pagbugso naman ng malakas na hangin at ulan. Parang hangin syang naglaho.Lumabas ako sa kulambo at umiyak. Ginising ko mga family members ko tsaka kwinento yung nangyari.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HororThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree