So nakita ko yung post about sa school namin yung sa 4th floor daw and gusto ko lang din i-share ang experience namin ng classmates ko sa Cad Bldg. noong first sem.Describe ko muna ang set up sa labas ng room namin. So ang room namin ay nasa 6th floor pinakahuling room. Paglabas mo sa room, sa left side makikita mo na yung teachers' faculty at sa harap naman ay yung door ng fire exit tapos may parang bench na ang kaharap ay ang faculty's elavator, tapos sa left side ay yung hallway na papunta sa students' elevator or sa stairs kung saan araw-araw kaming dumadaan. So yun start na.
Around 7pm na yun, nasa room pa kami ng mga kaklase ko kasi may tinatapos pa kaming video para sa film namin sa Media Fest. Habang nire-render ang video, nag-decide kami na mag-dinner nalang sa room. So yun bumili kami ng pagkain sa baba tapos yung students' elevator that time sira yung ilaw kaya sobrang dilim at kailangan mo nang flashlight para makita yung mga kasama mo.
So yun, pito kami noon and nasa room na kami, kumakain and chikas. Undeniable talaga na ang lalakas ng boses namin at ng tawa namin that time kasi nag-e-echo din dahil na rin siguro sa sobrang laki ng room namin. Nag-uusap lang kami nang bigla nalang naming mabantayan na in-off na yung ilaw sa labas ng hallway. Dahil matatakutin halos kami lahat, yun nataranta kami sis. Bigla kaming naging si Flash dahil sa sobrang bilis sa pagkuha namin ng kanya kanyang gamit.
Palabas na sana kami nang makita namin na in-on ng adviser namin yung ilaw sa hallway at pumasok siya sa faculty. Medyo nakahinga kami nun at nagsipagtawanan nalang dahil nga sa naging reaksyon namin. Tutal nailigpit na naman namin lahat ng gamit namin, nag-decide nalang kami na umuwi na lang.
Paglabas namin sa room, nakita namin na close na yung door sa hallway. First time namin na masaraduhan noon kaya medyo kinabahan kami kung paano kami lalabas since di na kami makapunta sa students' elevator at masa-sanction-an kami kapag ginamit namin ang faculty's elevator.
Buti nalang naalala namin na yung isa naming classmate, nasaraduhan din siya ng door sa hallway one time at nakisabay nalang siya sa isang teacher sa faculty's elevator. Kaya yun nag-decide kami na hintayin nalang yung adviser namin sa labas ng faculty at umupo doon sa bench na kaharap ng elevator.
Dahil di namin gustong ma-bored sa kahihintay nagkwentuhan ulit kami at that time mas lalong um-echo yung mga boses namin dahil sa sobrang lakas. Tawa kami nang tawa nang biglang may kumatok na para bang galing sa door sa hallway. Napatahimik kami, well natakot slight kasi wala namang tao eh pero napaisip kami na baka may nagpi-film sa kabilang side ng hallway at pinapatahimik kami. Kaya yun medyo hininaan namin yung boses namin pero may kumatok ulit at that time, mas lumakas pa yung katok. So yung isang classmate ko medyo nairita na kasi nga ang hina-hina na nga ng boses namin o baka tinatakot lang kami nila. Pabiro siyang nagsalita, well bisaya ang language namin pero translate ko nalang "oy labas kayo diyan wag nyo kaming tinatakot di kami natatakot aysus" tapos may bigla ulit na kumatok at para bang palapit nang palapit yung katok sa amin and alam naming di na yun joke kaya we decided na puntahan yung door at i-check kung naka-lock ba ito or may tao ba.
Nauna kami ng dalawa kong kaklase tapos yung iba nasa likod namin tapos yung kaklase naming "nakakakita ng mga di natin nakikita" nasa hulihan. Nang nasa pinto na kami, ako yung tumulak sa pinto and shocking kasi di pala naka-lock nakasara lang talaga siya at sa pagbukas nito, malamig na hangin ang sumalubong sa amin, sobrang dilim kasi patay lahat ng ilaw, at walang katao-tao. Kaya nagsitakbuhan ulit kami sa bench tapos yung classmate kong nasa hulihan biglang namutla.
Pagkatapos namin makaupo nakita namin yung faculty's elevator na paakyat. Hindi siya nag-stop sa 1st, 2nd, 3rd, 4th, 5th so nag-expect kami na baka guard yun at nakita kami sa CCTV kaya umakyat siya pero pagbukas ng elevator, WALANG TAO. Malamig ulit na hangin ang sumalubong sa amin kaya mas natakot kami.
Yung isa kong kaklase napag-isipan niyang mag-video para kung maulit man ay may makuha kaming ebidensya. At nung nag-video na siya parang may nawala parang gumaan yung mga pakiramdam namin. Wala nang nagparamdam pero nang nagbiro yung classmate ko at tinuro-turo niya sa video yung pintuan na nakasara ulit ewan namin kung sino ang nagsarado, may isang katok na napakalakas, ewan namin kung knock pa ba yun or slam na siya ng door kasi sobrang lakas yung parang may nag-walkout na tao na sobrang galit.
Legit na takot na talaga yung na-feel namin, yung mga balahibo namin nagsisitayuan na tapos nagsisiksikan kami lahat sa bench. Yung classmate naming namumutla mas namutla pa. And then, nakita namin na paakyat ulit ang elevator. Nagdasal kami na sana may tao na ito or guard man lang kasi parang na-freeze na kami sa sobrang takot. Buti nalang nga sa pagbukas ng elevator, may guard na at tumakbo kami patungo sa kanya tapos mas lalo kaming natakot sa sinabi niya, well bisaya ha pero i-translate ko "Bakit nandito pa kayo? Kayo nalang estudyante dito sa building" at boom confirmed na wala talagang ibang tao dun kundi kami nalang, so sino yung kumakatok?.
Kinuwento namin ang nangyari sa guard ngunit di siya naniniwala. Pero chief alam namin medyo kinabahan ka nun kasi na-feel namin ang heartbeat mo. Sa sobrang ingay siguro namin, narinig kami ng teachers sa faculty kaya lumabas sila.
Guys bawal pala mag-knock or pumasok sa faculty that time kasi may ginagawa silang papers yata nun, nakakatakot multuhin pero mas natatakot kami ma-sanction.
Nakita namin yung adviser namin at ang isa pa niyang kasamang teacher. Ikinuwento namin at bigla kaming sinabihan na umuwi nalang at nagsalita yung isa niyang kasama
"The last time na may minulto dito, tatlo sila at yung dalawa nanaginip ng tungkol sa building for three consecutive days kaya umuwi na kayo."
Mas natakot kami. Pinauwi na kami kasi bawal na daw mga students sa building that time (since yung building na yun ay para sa SHS Students so walang College). Nakiusap kami na kung pwede ba sa Faculty's elevator pero sabi ng guard bawal daw kasi may CCTV at baka ma-sanction kami kaya wala kaming choice kundi maglakad papunta sa Student's elevator.
Binuksan ng guard yung pintuan sa hallway at shocks on na yung lights, mas lalo pa kaming natakot pero sabi nila pag natakot ka mas lalo kang tatakutin kaya binalewala nalang namin at naglakad papunta sa Students Elevator.
Hinatid kami ng guard sa elevator, at shocking kasi hindi siya sumabay sa amin at nagpaiwan siya sa 6th floor. Sinarado na yung elevator at pagsara ng door ng elevator sobrang dilim dahil sira nga yung lights kaya natakot ulit kami at dali-daling kinuha yung flashlights namin.
Kumanta kami ng worship songs, yung iba samin naiiyak na at paglabas talaga namin sa building pumunta kami sa simbahan na katabi lang ng School. Nagdasal at lumabas na din after.
Nag-usap kami at tiningnan yung 6th floor na para bang may nakatutok sa amin tapos biglang nagsalita yung classmate naming "nakakakita". Sabi niya nang unang time na binuksan namin yung pintuan nilingon niya yung room namin at may nakita siyang isang babaeng pumasok sa room namin kaya namutla siya ng sobra.
Kinagabihan nakita din namin ang tweet ng isang teacher na pagkaalis namin, kinatok din yung mga teachers sa faculty sinilip ngunit walang tao kaya napag-isipan nila that time na di nalang mag-overtime dahil sa takot.
Kinabukasan, nanaginip yung dalawa kong kaklase. Hindi pa sila nag-uusap pero pareho sila ng panaginip tungkol sa 6th floor. Yung isa nakatitig lang sa 6th floor at yung isa paakyat sa 6th floor na para bang may hinahabol. Tapos yung isa naman naming kaklase nanaginip siya nakatayo siya sa harap ng elevator sa 6th floor at pag-open ng elevator ay nakita niya yung dalawa naming kaklase (yung dalawang nagbiro naming kaklase) at sa likod nila ay yung babae na nakita niya.
At diyan po nagtatapos ang kwento namin. Ang natutunan talaga namin ay to respect the place kahit kayo nalang yung tao kasi baka talaga may mga bagay-bagay na di natin nakikita na nakapalibot lang pala sa atin.
Pero guys despite sa kababalaghan ng school, maganda po talaga ang education quality sa Davao Doctors College like I swear. Kaya huwag po kayong matakot magpa-enroll kasi worth it po talaga hehe char nag-advertise pa jud.
So yun lang God bless! Take care kayong lahat!.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
УжасыThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree