Mountaineer Stories

257 9 0
                                    


Kaninong kwento ka maniniwala?
Shared by Lizziebare

Tanda ko parang org yun ng UP Mountaineers tapos may magkasintahan din dun. Pero yung girl naiwan sa station nila sa paanan ng bundok then yung bf ang sumama. After few days or hours bumalik yung group at sinabi sa girl na nagkaroon ng landslide at hindi nakasurvive si bf. Natulog muna silang lahat dahil gabi na rin yun. Pero si girl hindi makatulog feeling niya may nag-uutos na lumabas siya ng tent kaya ayun lumabas nga siya at nakita ang bf na gumagapang at puno ng putik. Ang sabi naman nung bf siya lang ang nakasurvive sa landslide at the rest ay namatay. Kaya ang malaking palaisipan kung ikaw si girl, kanino ka maniniwala?

----

Nag-aalala yung girl kasi di nakabalik yung bf niya and yung kasamahan lang niya nakabalik and in the middle of the night nang lumabas siya sa cabin niya nakita niya bf niya limping while walking then nagulat sya kala niya ghost yung bf niya then sinabi ng bf niya na siya lang ang nakasurvive sa landslide hindi mga kasamahan niya. Then nung tiningnan nila yung cabin it was completely empty (di ako sure kung tiningnan nga nila or not). Scary nga yan.

Hiking

Dati hindi ako naniniwala na kapag graduating ka lapitin ka ng disgrasya. Pero nung nangyari samin yon, di na ko naglalayas ng bahay hangga't di pa ko graduate.

Balik tayo sa mismong kwento. Kwento ko lang yung naging experience namin.
March 3, 2019, first time kong sumama sa hiking non sa Mt. Daraitan, Tanay Rizal. Ang lagi ko lang kasama yung boyfriend ko, classmate, at kaibigan ko bale apat lang kaming magkakasama palagi, minsan nakasunod samin yung kaibigan ng boyfriend ko or yung guide kasi madalas kaming nahuhuli, dahil na rin dalawa kaming beginners. And kaming apat lang din yung graduating sa batch namin.

Nung paakyat na kalma pa kami, nagpapahinga every station. Kumain sa pinaka-last station. Muntik na kong sumama sa isa naming kasama pababa dahil sumakit na puson ko pero nung sinabi nung boyfriend ko na "pag di ka na tumuloy sa pinakataas, sasama ako sayo pababa". Naisip ko agad na gusto nya din makarating sa pinakataas. At isa pa nasa taas na kami, so sabi ko sige tuloy tayo.

Nasa tuktok na kami. Picture here, picture there. Group picture na din ng batch namin. Kain ulit, nakatulog na nga ko non sa gilid ng kahoy kakahintay. After non pababa na kami, eto na.

Nag-iba yung daan sa pagbaba. Sabi kasi samin may ibang bundok daw na same yung akyatan at babaan. Pero yung Mt. Daraitan magkaiba daw. Nadaan kaming heart peak para mag-picture after non bumaba na kami. Nung oras na yon may kasunod pa kaming apat o limang babae na ka-batch namin pati isang tour guide. Sa sobrang pagod at sakit na ng binti namin nung kaklase ko nagpapahinga kami tapos pinauna na namin yung mga babae tapos pati pala tour guide iniwan kami. Ang sinusundan nalang namin yung kaibigan ko na nakasunod din sa iba. Alam nyo yung feeling na naririnig namin sila sa baba tapos may naririnig din kami sa taas pero di na namin sila makita. Yung kaibigan at boyfriend ko bumaba sila kasi dalawa yung daan, sumunod ako sa boyfriend ko pero bumalik siya sa kabilang daan. Nagulat ako kasi sa kaliwa sya bumaba tapos sa kanan siya bumalik kasama yung kaibigan ko, umakyat na lang ako pabalik at nag-usap-usap kung san kami bababa.

Sabi ko "Lahat tayo dito graduating, dati di ako naniniwala sa ganong kasabihan. Ngayon naniniwala na ko." Sabi ko na din na wait natin yung nasa taas bumaba baka sakaling alam yung daan pero halos simula nung nagpahinga kami nagtatawanan lang sila. Baka kako wala talagang tao don. Feeling ko pinaglaruan kami kasi yung kaklase ko bigla na lang syang umupo sa bato tapos yung boyfriend ko umihi, pero sinabihan ko na magtabi-tabi (tabi tabi po). Naisip ko din non na mag-sorry nung naghahanap ng daan yung dalawang kasama namin. Tapos bumaba kami sa kanang daan. Kasi sa kaliwa daw may mga batang naglalaro sa baba.

And yes nakababa kami, nakita namin yung daan finally. Sinalubong kami nung kaibigan nung boyfriend ko pati ng tour guide kasi napaupo yung kaklase ko sa sakit ng binti, umiiyak na din kasi sya. Sabi nung kaibigan nung bf ko "ba't ang tagal nyo mag-iisang oras na kayong wala." Napaisip din ako kasi parang 20 mins lang kami don tapos mag-iisang oras na pala kaming di nababa.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon