Little Black Book
This story I'm about to share happened decades ago (between 1920s to 1970s). Yes, decades ago kasi kwento ito ng Papo (Great Grandparents) ko na kinuwento na rin lamang sa amin ng Lolo ko.
Yung Lolo Papo ko daw meron siyang matalik na kaibigan, let's call him Tomas. Si Tomas ay kilalang manggagamot sa barrio nila somewhere in Albay noon. Maraming nagpapagamot sa kanya; pilay, lagnat, bati and even kulam at barang ginagamot niya. 'Business partner' sila ni Lolo Papo (by the way, ako na lamang ang nagbansag ng katawagang iyon sa kanila 'coz that's how it looks like to me as the story goes by). How? Lolo Papo apparently knew how to do Black Magic.
Business goes like this. Si Lolo Papo ang takbuhan ng mga gustong maghiganti sa mga kagalit nila, gayumahin ang mga napupusuan nila, and so on and so forth. Nanggagamot din siya pero more on black side ang 'practice' niya. Takbuhan din siya ng mga nakulam, nabarang, o nagayuma. Nagagamot niya yung iba, yung iba na hindi niya kayang i-fix itinuturo niya kay Tomas. Wonder why? Yes. Yung ibang di niya magamot ay siya ang may gawa. At yun ang Monkey Business nila. Lalagyan niya ng sakit yung tao, gagamutin naman ni Tomas.
I asked Lolo how did Lolo Papo acquired that kind of power or ability to cure or put a curse to people. Hindi rin daw niya alam. Basta ang alam niya, mayroon daw itong maliit na libro na kulay itim. Blangko daw ang mga pahina nun pero kapag biyernes santo biglang nagkakasulat. Sa pakiwari niya isa iyon sa pinanggagalingan ng 'kapangyarihan' ni Lolo Papo.
Disclaimer:
Di ko na inabot na buhay si Lolo Papo. Mahirap paniwalaan itong kwento ko, I know. Ako man di makapaniwala sa mga kwento about my great grandparents. Pero one thing I'm sure of, manggagamot si Lolo Papo at ipinasa or sinalo ng panganay na kapatid ni Lolo yung ability na yun. Sa kanya kami lumalapit para magpahilot o magpatawas noong nabubuhay pa siya (may kwento rin pala tungkol sa Lola Papo ko which is somehow I can attest to kasi nasa elementary na ako nang siya ay mamatay. Will narrate soon).PS. Read carefully kasi baka may maguluhan sa kwento. Maayos po ang kwento. Pag di mo na-gets, wag po isisi sa kwento or sender. Pakibasa lang ng maigi. Feeling ko kasi may malilito sa characters haha.
Daragang Magayon
Letran Manaoag
Sabi nila na lahat daw ng school ay dati daw cemetery or di kaya ay hospital. Isa sa mga building ng Letran ay tinuturing na isang national heritage na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ng mga guro at estudyante. Marami sa mga students doon ang may experience na sa mga multo at meron ding mga estudyante doon ang may third eye tulad ng kabigan ko.
Habang nagle-lecture yung teacher namin naikwento niya na merong nagsabi sa kanya na dating student ng Letran na yung ngayong Media Center namin (which is doon kami nagkaklase minsan) ay dati palang puntod ng mga parig namatay. Yung may mga 'In the memorial of' na nakalagay. Tapos yung sa may hallway ng elementary building is may madre daw doon na naglalakad nakakulay black. Meron ding part doon sa may elementary building (yung bandang gilid ng building) ay may malaking puno doon which is pinagtatambayan ng mga students tuwing lunch time. Doon sa malaking puno na yon makikita mo daw doon yung pari na pugot ang ulo. Maniwala kayo o hindi, totoo ito.
Next naman is yung sa may dulo ng hallway ng building ng JHS meron doong storage area, kumbaga nandon yung mga pinaglumaan na upuan ng mga students, doon daw kasi may nakagapos sa kadena ng babae na sumisilip doon sa siwang ng door, kung di man sumisilip maririnig mo daw yung pagsayad ng kadena sa sahig. Another one is doon na sa college building na ako mismo ang naka-experience. Nung gabing yon kasi kakatapos lang ng fiesta ng Manaoag and nag-drum and lyre kami nun and habang naglalakad kami ng mga kasama ko sa loob ng school para kunin yung meryenda namin at the same time isusuli yung mga barricade flags, I accidentally look at the college building na dapat di ko na ginawa, kasi naman hindi ka pa ba kakabahan pag may nakita kang naglalakad sa 3rd floor ng building naka-all black and come to think of it na yung iisang guard na nagna-night shift ay nasa gate inaalalayan yung ibang students para makapasok. Another thing is nakwento rin samin nung dating student ng Letran (na my third eye) na tuwing flag ceremony ay may nakikita siyang bata na nakaupo sa flag pole inoobserbahan yung bawat students (umaga palang non mga bes kinakabahan agad ako). Isa pang part ay yung sa isa pang dulo ng JHS building na meron kang maririnig doon na parang may tumutulo pero wala ka namang makikitang tumutulo pero sabi nila na pag narinig mo daw yun, tumutulo na naman yung dugo ng babaeng nakasabit sa may kisame.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree