Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)

310 14 0
                                    


PART 1

Hi spookify gusto ko lang i-share ang isa sa mga experiences ko noong tumira ako sa probinsiya namin. Call me Carrots kasi favorite gulay ko yun and also to hide my identity na rin. Ganito kasi yun, 4th yr high school ako that time ng napilitan kaming lumipat mula dito sa Manila papunta sa probinsiya namin due to family issues. Hindi ko na i-specify pero somewhere in Negros ang probinsiya namin at sa bahay ng kapatid ng lola kami nakitira. Typical na probinsiya sa Negros ang setting sa lugar na yun. May malalawak na taniman ng tubo, may nagtataasang puno ng mangga at santol saka malapit sa ilog. Hindi na bago sa akin ang lugar kasi dun ko ginugugol ang summer vacation ko every year kakangatngat ng tubo at panghuhuli ng gagamba. Sa limang kapatid ng lola na nakatira dun, pinakamalapit ako kay "Papa Victor." Sa bahay niya ako laging naglalagi kasi may tv dun saka may cd player kaya may pa-movie every night si papang saka pag umaga na papasok siya sa trabaho, wantosawa naman ako sa educational cd collection niya tungkol sa human anatomy. Sa tapat ng bahay ni Papa Victor ang bahay ng pamilya na bantog sa lugar na yun bilang mga aswang pero huwag judger, friendly neighbor sila kasi alam nila na pag nambiktima sila sa sitio na yun one hit delete sila sa madla. Ang daily routine ko dun ay magising ng 4am para magpastol ng mga baka at kambing ni papang then uwi at gumayak para pumasok sa school.

Isang umaga, habang umiinom ako ng kape sa tapat ng bahay, lumapit sakin si "Tiya Rita" na may dalang tasa ng salabat. Siya yung matriarch ng bali-balitang aswang family sa tapat namin. Kung ide-describe ko siya siguro nasa 90s na ang edad pero unnaturally malakas pa rin, lubog yung mata saka laging may kakaibang amoy ng langis na ewan basta amoy matanda. Hindi na bago sakin ang ganito kasi once in a while nakikipagkwentuhan naman siya sakin sa umaga habang nagkakape kami. Nagkwentuhan kami tungkol sa panahon, sa mga baka at kambing ni papang, lagay ng ilog, sa apo niya na pauwi galing ibang bansa etc hanggang sa nagpaalam na ako para maligo kasi nga may pasok pa. Papasok na ako sa bahay ng pahabol niyang sinabi sa akin na "Kuhaa timprano ang mga baka nyo karon sa hapon ha kay basi maulan" (kunin mo ng maaga ang mga baka nyo mamayang hapon kasi baka umulan). I find it weird kasi hindi naman makulimlim pero hindi ako manhid na ipapagsawalang bahala lang yung ganung klaseng danger warning tulad ng karamihan na kesyo ipinagkibit balikat lang daw like duh aswang na ang nagsabi sayo indirectly na huwag magpapagabi sa kalsada lalo pa at kailangan kong dumaan sa likod bahay nila papunta at pauwi mula sa pastulan. Kaya ayun na nga, after class mga 4:30pm tinakasan ko pa yung flag retreat ceremony para lang makauwi agad at maiuwi ang mga ipinastol kong baka. Dumaan muna ako sa bahay para kunin ang "binangon" (bolo) at maliit na "espading" (di ko alam ano yun sa tagalog basta search nyo nalang) na lagi kong dala tuwing nagpapastol. Staple tools kasi yun sa probinsiya namin.

Pagkarating ko sa spot na pinag-iwanan ko ng mga kahayupan napansin ko kaagad na kulang ng 2 ang mga kambing. Sa isip-isip ko "nalintikan na, eto na yung pinaka-iiwasang plot twist na napapanood ko sa mga movie" kaya without second thought napagpasyahan ko na iwan ang dalawang nawawala sa kawan, bahala na mamaya ang palusot ko kay papang. Mabilis pa sa alas kwatro kong hinila ang mga baka at kambing palabas ng tubuhan kung saan ko sila pinapastol lagi. Tumingin ako sa relo ko malapit na mag 5:30pm, nagre-rewind na ng paulit-ulit sa utak ko yung warning ni Tiya Rita kaya na-motivate ako lalo. Half way pabalik, medyo madilim na talaga saka mahigpit na yung hawak ko sa binangon ko ng biglang umihip yung malakas na hangin. Naging tahimik bigla ang mga dala kong hayop na parang nag-aantay at nagmamasid sa paligid. Deep inside alam ko sa sarili ko na boss fight na yung kasunod ng mga ganitong scene kaya hinanda ko na ang sarili ko mentally. Pwede kong iwan ang mga hayop at tumakbo pero hindi kaya ng konsensiya ko kasi ang kita pag naibenta ang mga hayop na ito, inilaan na ni papang para pang-college ng anak niya. Habang magpa-flash na sa isip ko yung maiksi pero masaya kong buhay, nabasag ang katahimikan ng malakas na tunog ng wak! wak! wak! basta ganun ang creepy parang naghihingalong ibon then parang may biglang bumulusok sa katubuhan sa di kalayuan. Walang pagdadalawang isip, binitawan ko kaagad yung mga baka at kambing sabay takbo pauwi. Hindi pa ako nakakalayo ng biglang tumunog yung wak pero mahina na then namataan ko ang 2 black na baboy, isang malaki isang medium sized na lumabas sa kasukalan sa di kalayuan.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon