Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)

204 9 0
                                    


PART 1

It all started when I migrated in Cebu.  Few months din ako dito dahil sa gusto ko munang umalis sa Mindanao para makapagpahinga ng maluwag. I know some of you know me for how I write, and for how I describe my story. This story depends on how you believe, not just in magic, but also in unexplainable happenings.

Four months na ako dito and looking forward na dito ako na magsisimula ng panibagong buhay ko. Nakapagdesisyon na ako na mag-stop na muna sa pag-aaral for 1 year. Di kasi ako makapag-focus especially about what happened months and months ago, alam nyo na. Kasalukuyang naninirahan ako sa bahay ng tita ko ngayon somewhere here in Cebu malapit sa napakalaking statue na cross, alam ng taga Cebu yan haha. Di kalayuan sa bahay namin mga ilang metro ang layo, may istambayan doon na maganda puntahan lalo na kung gabi. Nakakapanibago lang ang area na tinitirahan ko dahil medyo bukirin, overveiw kapag gabi, madilim ang daanan, at maaliwalas. Okay lang naman kasi kahit papaano, peaceful at malamig ang hangin. May mga kapitbahay ka nga pero distansya din naman ang bahay, tapos di mo pa close. Isang gabi naisipan kong lumabas sa bahay ng 8pm para magpahangin at tignan ang mga ilaw na nangagaling sa siyudad. Dala ko ang kape ko habang nakaupo sa damuhan. Malalim ang iniisip habang pinagmamasdan ang kalangitan. Kasabay ng malamig na hangin na nagmumula sa likuran ko tumayo agad ang mga balahibo ko dahil may narinig akong boses, boses ng isang batang babae. "Kuya, malungkot ka yata." Napalingon ako bigla at nakita ko ang bata na nakatayo lang sa likuran ko, apat na hakbang mula sa kinalalagyan ko. "Oyy bata matulog kana, gabi na baka mahatak kapa ng mumu diyan sige ka." Tinawanan nya ako pero binalewala ko nalang. Maya-maya pa napansin ko hindi pa rin sya tumigil sa kakatawa. Almost 30 seconds ko na syang naririnig na tumatawa. Nairita ako kaya sinita ko sya. "Sge tawa ka pa para ihi ka nang ihi sa higaan mo mamaya." Sabi ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin sya tumigil kaya di ko nalang pinansin. Maya-maya pa ay para bang nahihilo ako sa kakainom ko ng kape, hindi ko maramdaman ang hangin sa paligid ko, at nagtaka ako kung bakit napakalamig na ng kape. Hindi pa rin sya tumigil sa kakatawa kaya lumingon ako at sinabi na "Sakit sa ulo kang ba..." at napasigaw ako ng malakas. Abot hanggang tainga ang kanyang ngiti, malalim ang mga mata at naka-sandal sa kaliwang balikat ang ulo nya habang tumatawa at nakatitig sakin. Binato ko sa kanya yung hawak kong kape at kumaripas ako ng takbo pauwi sa bahay. Parang nahihilo ako at habang papalapit ako sa bahay ay parang may humihila sakin sa likuran. Alam kong nasa likuran ko lang sya dahil naririnig ko ang bawat salita at nanunuot sa tainga ko ang mga sinasabi at tawa nya. Kahit madilim at maputik ang daraanan ko ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Ilang hakbang nalang ay makakaabot na rin ako sa pintuan ng bahay namin, nang bigla akong napatigil sa pagtakbo. Naramdaman ko ang lamig ng kamay nya sa kanang balikat ko at nakatayo lang ako na mistulang parang estatwa na hindi makagalaw. Para bang nakalutang sya sa likuran ko dahil naabot nga ang balikat ko. Bumulong sya sakin at sinabi na "Mahilig akong makipaghabulan kuya, gusto ko sana magtago ka na rin dahil hahanapin kita." Sa harapan ko ay may paparating na sasakyan. Di ako makagalaw, pilit kong iginagalaw ang katawan ko ngunit kahit daliri man lang ay hindi ko maigalaw. Tanging mga bulong nya lang ang naririnig ko at kung anu-ano ang pinagsasabi na sya ring sanhi nang panghihina ko at panghihilo. Ipinikit ko ang mata ko at nagdasal ako, yun lang ang tanging kaya kong gawin kapag ako ay nasa alanganin. Maya-maya pa ay nakarinig ako nang napakalakas na busina nang sasakyan at nasilaw ako sa ilaw ng sasakyan. Para bang namulat ako sa katotohanan. "Hoy! Umalis ka sa daraanan ko, kung magpapakamatay ka pwes pasensya wala akong pera!" Sigaw ng mamang driver na galit na galit. Tumabi ako sa gilid at napabulong nalang na "Gago ka pala eh, siguro utang yan kaya ganyan." Tapos naglakad ako papasok sa bahay. Pagpasok ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga. Paniguradong naka-lock ang pintuan ko. Bale may lock sa taas, tapos sa doorknob, tapos may isa pa malapit sa doorknob. "Anak nang kamote nga naman. Kailan ba ako patatahimikin ng mga animal na ito." Sabi ko sa sarili ko. Nagdasal ako at naglagay ako sa hintuturo ko ng kaunting lana pagkatapos ay dinilaan ko. Habang nakahiga ako nakatayo pa rin ang mga balahibo ko. Palaging pumapasok sa isipan ko ang mga nangyari. "Patay, yung mug ni Tita naitapon ko. Ahh bukas ko nalang hanapin yun." Anya ko sa sarili ko. Sa kaliwa ko ay may mababaw na cabinet na paglalagyan ko ng cellphone ko at dun ko na rin nilagay ang lana ko. Nakahiga ako habang nakatagilid sa kaliwa at nakaharap sa puntuan. Tinignan ko ang orasan ko at 11pm na pala ng gabi, nakakapagtaka. Maya-maya pa nakarinig ako ng mga yapak. Makikita mo talaga sa baba ng pintuan na may taong paparating sa kwarto ko. Hinala ko si Tita Carol lang yun kasi naririnig ko na nag-hmmm sya habang kumakanta. Tinatawag nya ang pangalan ko na para bang kanina nya pa ako hinahanap. "Doong? Nasaan kaaaaa. Nandiyan kaba sa kwarto mooooooo?" Hindi ako sumagot para kunwari tulog na ako. Ang pinagtataka ko lang, parang may halong kaunting tawa ang naririnig ko habang tinatawag nya ang pangalan ko. Kinabahan na ako at pawis na pawis lalo na't natatanaw ko na unti-unting umaapaw ang lana na nasa ibabaw ng cabinet.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon