Tubuhan: Triangle

191 6 0
                                    


Hoho since nabasa ko na marami sa inyo ang naghahanap ng part 4 sa tubuhan chronicles na ito, let me spoil you a bit kasi mag-a-out of town ako for work kaya baka matagalan ang susunod kong entry. Eto pala yung post-"Arianne" year na kwento kasi yung last one pre-"Arianne" days pala yun. Thank you sa isang reader for pointing out my mishap. Warning lang kasi may totoong individual na namatay sa episode na ito at alam ko naman na medyo may pagkabalahura ako maglahad ng kwento kaya huwag nyo sanang isipin na dini-disrespect ko yung nadeds.

(29 March 2012)
-Nalunod ang anak ni Ate Mayet

Patapos na ang unang taon ko sa college ng mga panahon na yun. Two weeks nalang yata ang natitira sa araw ng pasukan pero umabsent pa ako at napilitan na sumama kay Papa Victor sa kabilang barangay para magsabong. Ewan ko ba sa matandang yun pero simula ng naka-jackpot siya sa sabong noong nakaraang fiesta sa amin, kinonsider niya na ako na lucky charm kuno at sinasama palagi sa mga illegal cock fighting activities niya. Ako naman itong alipin ng pera, hindi rin makatanggi kasi malaki ang incentives na binibigay niya pag panalo. Maaga pa lang nasa derby arena na kami pero tanghali na ng maisalang sa laban yung mga panabong ni papang. Gabi na ng magpasya kaming umuwi, lagpas 6pm na siguro yun. Panalo lahat ng tatlong panabong na dala ni papang kaya siyempre naambunan din ako ng grasya. May girlfriend na ako that time, si Mariel, yung babaeng nasa loob ang kulo. Naalala ko tinext ko pa siya habang nasa tricycle kami ni papang. "Oy papuli na ko, kaon ta batchoy pag-abot ko" (Oy pauwi na ko, kain tayo ng batchoy pagkarating ko) sabi ko. Kaso hindi ako nireplyan, nakakalungkot lang. Napapagitnaan ng malawak na katubuhan saka ilog ang barrio namin. Nang malapit na kami sa tulay, napansin namin ni papang na maraming nakikiusyoso dun which is hindi normal kasi pag ganung oras, nagpapahinga na ang mga tao. Nasa bukana na kami ng tulay ng mapansin namin na may malaking bangka na nangta-trawl sa may ilog at may iilang maliliit din. Parang may prusisyon ng ilaw sa ilog ng gabing yun gawa ng mga gasera, petromax saka searchlight ng trawl boat na bumubulabog sa kadiliman ng gabi. Pagkababa namin ni papang, nakiusyoso na rin kami.

"Nalunod kagina sang ugto ang anak ni Mayet, asta karon wala pa makita." (Nalunod kaninang tanghali ang anak ni Mayet, hanggang ngayon hindi pa nakikita). Yan ang sabi ng kumare ni papang. Hindi kami close pero ang alam ko nasa elementary ang batang lalaking nalunod. Halos araw-araw kong nakikita ang batang yun kasi palagi akong bumibili ng panindang nilupak ng nanay niya.

Note: Ang nilupak ay gawa sa saging na saba plus kamote na dinurog at hinalo sa malaking kahoy na almeres na ang tawag ay hal-o. Nilalagyan din yun ng asukal saka mantikilya.

Hindi rin ako nagtagal dun kasi inutusan ako ni papang na maghatid ng pera kina Mama Delia sa kabila bilang balato. Dinig na dinig ko ang palahaw ng dumaan ako sa bahay nila Nang Mayet (Manang = Ate). Nasa gilid lang kasi ng kalsada ang sementadong bahay nila. Isa yung pamilya nila sa mas asensadong family sa barrio na yun, ofw kasi sa middle east ang asawa niya. Mga 10 yata ng gabi ng tumigil temporarily ang paghahanap dun sa bata, sobrang bigat ng atmosphere nun sa barrio namin kasi ang usap-usapan gidaga (inalay) na daw yung bata sa ilog. Yearly na pangyayari yung may nalulunod dun sa amin. Ang kwento ni Mama Delia, noong bata pa daw sila ng ipa-redirect ng mga may-ari ng hacienda ang ilog para mas lumaki ang sakop nila na lupa. Nagkaroon daw ng malakihang dredging operations saka reclamation sa lugar na yun. Ang barrio namin ay nakatayo dun mismo sa reclaimed site, sa mismong original na daanan ng ilog kaya mapapansin mo na iba ang kulay ng lupa dun compared sa katubuhan kasi foreign ang lupa na yun at itinambak lang doon. After daw nun, nagsimula na daw umusbong yung barrio namin pero hindi daw nagtagal, gumuho yung isang parte ng tambak na lupa kasama ang apat na kabahayan. Anim katao ang namatay dahil dun. Paunang bayad daw sabi nila kasi pagkatapos nun, taon-taon na may namamatay sa ilog.

Kinabukasan, maaga pa lang maririnig mo na ang malakas na tunog ng motor ng mga bangkang nagta-trawl. Binayaran daw yun ng hacienda para tumulong sa paghahanap. Sabado nun pagkatapos ng mga gawaing bahay, nagpaalam ako kay papang na makikibalita dun sa ilog banda. Dinaanan ko pa nga yata si Mariel nun para isama sana kaso may pasok pala siya nun kahit sabado kasi sa catholic school siya nag-aaral kaya ekis muna siya sa episode na ito. Sa isip-isip ko, kagabi pa ako hindi pinapansin ng babaeng ito ah, siguro may iba na ito, hmmm. So yun na nga habang naglalakad ako papunta sa may tulay, napansin ko na namatay yung makina ng trawling boat tapos parang may commotion na nangyayari kaya ako itong tsismoso nagtatatakbo din. May kung anong mabigat na bagay daw na sumabit sa net ng bangka kaya pinatay muna ang makina at sinubukan nilang hanguin kaso ayaw daw talaga magpahango.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon