Si Ninong (Parts 1 & 2)

170 8 0
                                    


Part 1

Hi Spookify! I've been reading here in spookify ever since at hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin ako. Ngayon, feeling ko it's time to share my stories and experiences.

Medyo mahaba po, I hope na magustuhan ninyo.

Mayroon akong ninong na ang pangalan ay John. Sa natatandaan ko, mula 8 years old ako every christmas and new year, pumupunta kami sa bahay nila (sa Antipolo) para mag-celebrate at syempre para mamasko. Taon-taon yon.

Pero no'ng 14 years old na ako, hindi na kami nakapunta pa ulit sa kanila dahil nga lumipat na kami sa province (sa Bicolandia) at bihira na lang kaming mapunta kila ninong. Bago magpasko, umuwi kami sa Antipolo para kila ninong kasi tumawag yung asawa niya kay mama at ang sabi bumisita daw kami sa kanila.

December 23 ng madaling araw kami nakarating sa Antipolo at doon na dumiretso kila ninong. Kasama ko si Papa, Mama at yung kapatid kong babae. 3am na yun at pagdating namin sa kanto, tanaw palang yung gate nila, nagtaka ako kasi may nakatayo sa tapat ng gate nila ninong. Madilim kaya hindi ko masyadong kita. Tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa tapat ng gate. Kahit si papa at mama nagulat no'ng makita namin yung lalaki sa malapitan. At si ninong pala yon. Marungis yung damit niya, nakangiti siya na para bang may kausap na tuwang-tuwa at mahaba na rin ang buhok niya pati ang bigote at balbas.

"Anak, si ninong mo pala oh, mag-bless ka." bati ni papa pero halata na parang nag-aalangan siya. Lumapit naman ako ng kaunti at nag-bless kay ninong. "Binata na itong inaanak mo pare, malaki na ang utang mo diyan." dagdag pa ni papa.

Hindi naman sumagot si ninong, kung ano yung itsura niya kanina, yon pa rin yung itsura niya ngayon, as in hindi talaga siya natinag sa pwesto niya.

"Nasaan si mare? Tara na pumasok na tayo sa loob." pagyaya ni mama sa amin.

"Walang papasok sa loob. Ang papasok ay hindi na makakalabas." biglang sabi ni ninong, serious tone pero yung mukha niya kagaya pa rin ng kanina. Halos mapatalon ako sa takot, lumapit agad ako kay mama dahil gustong-gusto ko ng tumakbo. Si papa naman, parang nakikiramdam lang.

"Pare, anong problema?" tanong ni papa pero biglang may dumating, si ninang mula sa loob ng bahay.

"Oh, nandiyan na pala kayo, mars, pars," bati ni ninang saka niyakap si mama. "Ito na ba yung inaanak namin, aba, binata na ah." sabi niya naman saka ako ngumiti at nag-bless sa kanya.

"Mare, anong nangyari dito kay pare?" tanong ni papa.

"Naku, sa loob na natin pag-usapan. Tara, pumasok na kayo, tara na sa loob. Magluluto ako ng almusal bago kayo makapagpahinga." sagot naman ni ninang.

Tinawag ko si ninong at niyayang pumasok na sa loob, tumingin lang siya sakin, tapos nauna na siyang maglakad sa aming lahat, doon ko lang nakitang nagbago ang expression ng mukha niya. Nagdalawang isip pa akong pumasok dahil sa sinabi ni ninong pero hinatak na ako ni mama.

Nakapwesto kaming lahat sa sala nila ninong at doon ko palang nakita ang pagbabago ng itsura niya, sobrang payat na ni ninong, halos hindi mo na rin siya makikilala sa lubog nyang pisngi at mga mata, para bang ilang linggo na siyang hindi natutulog.

Kumakain na ako ng almusal kasama sila papa at ninang at doon na sila nagsimulang magkwentuhan. Ayon sa kwento ni ninang, nakulam daw si ninong kaya naging ganyan (August 21, 2017). Bago daw kasi maging ganyan si ninong, galing daw ng birthday sa lugar ng katrabaho niya si ninong, inumaga na daw ng uwi tapos nagsermon pa daw si ninang non, pero nakatulala lang daw si ninong na pumasok sa kwarto nila at hindi na umimik. Inisip daw ni ninang, baka sobrang lasing kaya kinabukasan niya na lang kakausapin, hindi daw siya natulog don sa kwarto nila ni ninong dahil nga lasing. Pero tanghali na daw kinabukasan, hindi pa rin lumalabas ng kwarto si ninong, kaya binulabog niya na daw yung pinto, pagbukas niya daw, nakita niya si ninong, nakatapis ng tuwalya at mukhang kakatapos lang maligo dahil basa ang buhok tsaka katawan. Tinawag niya daw si ninong at sinabi na lumabas na at tanghali na, sinabi niya pa na hindi na ito aabot sa trabaho pero ang sabi lang daw ni ninong ay "Maliligo ako." Nagtaka daw siya nun, bakit daw maliligo na naman eh, kakalabas lang ng cr? Hindi niya na lang daw pinansin at baka daw lasing pa rin. Alas dos na daw ng hapon lumabas ng kwarto si ninong at mukhang hindi na daw lasing. Nagtanong pa daw kung anong ulam, kaya pinaghandaan daw ni ninang ng pagkain. Habang kumakain daw si ninong ay nanonood sila ninang ng tv kasama yung dalawa nilang anak, ang isa ay 12 yrs old at ang isa ay 7 yrs old. Mga ilang minuto lang ang nakakalipas bigla daw kumalabog yung lamesa, hinampas ni ninong. "Ano ba Kyle! Jasper! Ang iingay nyo! Pinagtatawanan nyo ba ako?" sigaw daw ni ninong.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon