JoseI just want to share yung experience ko. Wala kasi akong mapagkwentuhan.
So here it goes.
Bata pa lang ako sinasabi na nila na lapitin talaga ako ng mga nilalang na hindi nakikita ng normal na tao. Pero ako, never ko talaga silang nakita. Ayun ang akala ko.
7 years old ako that time nung may nakilala akong engkanto. Nung una hindi ko talaga alam na ganoon sya. May bakanteng lote kasi kami, dapat tatayuan ng bahay yon kaso wala pang time si Papa. May puno din kami ng mangga doon, super mabunga non tapos may tree house din tas ang tatamis pa ng mga bunga. Nung time din na yon, wala akong masyadong kalaro. Tingin kasi nung ibang bata samin, maldita ako which is true naman hahaha. May nakilala akong binata doon sa lugar na yon. Wala akong ibang alam tungkol sa kanya basta kalaro ko siya. Araw-araw kaming naglalaro doon, mapa-barbie man yan o cars, pati bahay-bahayan nalaro namin. One time non, nag-away kami. Kasi ang sama palagi ng tingin nya sa mga magulang ko. One time non, sinundo ako ni Mama. Kinabahan sya nung nakita nya akong tawa ng tawa 'mag-isa'. Tapos kung titignan mo talaga, parang may kasama ako kaso wala siyang nakikita. So nung nasa bahay na ako, nagpakuwento sya kung sino daw ang kalaro ko palagi. Sinabi ko na si Jose. Yung binata sa bakanteng lote. So dinescribe ko si Jose. Matangkad sakin, brownish yung mata, moreno tapos ang ganda ng ngiti.
So tumagal yung pagkakaibigan namin, kaso syempre tumatanda tayo. Nung nag-high school ako, mas busy na kasi food services ako noon, uso pa kasi samin nun yung electives parang course sa college. So syempre sobrang busy tapos nagdadalaga na, wala ng time maglaro. Isang beses non umuwi ako ng mag-isa sa bahay, nasa palengke si mama nasa trabaho naman si papa. Btw, may kapatid ako pero never kaming nagkasundo. 11 years kasi ang age gap namin at pinalaki talaga ako na wala sya sa buhay ko. Personal reasons hahaha. So ayun na nga, pag-uwi ko naabutan ko si Jose sa sala. So kinausap ko sya, "Uy, long time no see ah? Sobrang busy ko kasi e. Tsaka di na kasi ako naglalaro e. Dalaga na ako." Pagtapos non, parang nagalit sya at umalis sa bahay namin. So ako di ko na pinansin.
Pagkatapos ng gabing yon, nilagnat na ako ng sobrang taas. Mawawala sa umaga, tataas ng bigla sa gabi Isang linggo akong ganon, so yung mga magulang ko nagtaka na. Pina-albularyo ako, kilala ko naman kasi yung albularyo. Hinilot muna ako tapos tinawas. Yung ilalagay yung plato sa taas ng apoy ng kandila? inikot-ikot nya doon. Maya-maya nag-form ng parang lalaki daw. Parang binata daw, tapos tinanong niya ako kung may nabato ba daw ako na nuno sa punso o kaya nasaktan na engkanto. Naisip ko si Jose pero alam ko na tao siya. Pero biglang nabanggit ng mama ko na before may kalaro ako sa bakanteng lote. So ang ginawa nila, pinuntahan nila yung bakanteng lote. Sinigawan nila, "Hoy, kung sino ka man na kampon ng kadiliman lubayan mo ang batang ito. Hindi siya sasama sa iyo. Tigilan mo na siya, kawawa na siya!" Nakita ko si Jose doon sa may mangga, pero sila mama hindi nila nakikita so kinausap ko na lang.
"Jose, galit ka ba sa akin? Sorry na oh. Bati na tayo. Kawawa na ako e." Pero yung mata nya ay parang galit na galit, nagulat na lang ako nung ngumiti siya, lumapit sya sa akin parang bubulong. Iba yung ngiti nya that time. Hindi yung magandang ngiti na alam ko. Sobrang creepy that time. Tapos bumulong siya, "Papatawarin kita ngayon pero sisiguraduhin ko na hindi mo ako makakalimutan. Habangbuhay mo akong makakasama."At pagtapos ng gabing yon, hindi ko na nga siya nakita kaso nag-iwan naman siya ng sumpa.
Sumpa
So eto po yung sagot doon sa kwento kay Jose. Hindi naman siya ganoon kalala so don't worry.
2nd year high school na ako that time, holy week nangyari ito. Gumising ako na ang daming dugo sa buong kama ko. Kinairita ko pa kasi kakapalit ko lang ng bedsheet tapos ang daming dugo. Akala ko may regla ako kaso wala naman. So nagtaka ako, ginawa ko nalang ay naligo tapos naglaba. Siyempre wala namang pasok kasi summer at mahal na araw nga, ginawa ko na lahat ng gawaing bahay. Bawal din kasi akong lumabas. Sa pamahiin kasi sa amin na bawal lumabas ng bahay kapag mahal na araw, bawal mag-travel at madami pang iba. So ako wala namang magawa, stay nalang sa bahay.
Tanghali noon, nagulat ako kasi paghawak ko sa cellphone ko, may dugo. E wala naman akong sugat. So ako inalam ko, may nalabas na dugo sa gitna ng kamay ko. Tuloy-tuloy lang siya. Wala namang sugat yung kamay ko. Pinunasan ko ng pinunasan. Ayaw mawala. Natatakot na ako kung bakit ganoon. Nagpa-panic na ako, kapag ako pa naman nagpa-panic hindi makahinga ng maayos tapos ang dami ko na agad naiisip. Sigaw na ako ng sigaw, tinawag ko sila papa at mama. Nagulat sila kung bakit ang daming dugo. E ako dahil nagpa-panic, bigla akong nawalan ng malay.
Nagising na lang ako na nasa sala ako at nandon na naman yung albularyo. Tinignan kung anong mali sa akin. Sila nag-uusap ng mga magulang ko. Tapos napalingon ako sa may bandang kusina namin, nakita ko si Jose. Nanlaki agad ang mata ko. Matagal ko na siyang hindi nakikita. Tapos naisip ko yung sinabi niya na hindi ko daw siya makakalimutan. So napaisip ako, siya kaya ang may kagagawan nito? Gusto nila akong tawasin ulit pero tinanggihan ko pero mapilit sila, kaya ayun pumayag nalang ako. Ganoong proseso na naman. May nakita na naman doon sa plato na imahe ng lalaki. E di nalaman agad nila mama na baka si Jose na naman daw yon. Ayaw na naman akong tigilan. Kaya ako, hindi na naniwala. Naisipan ko nalang na kausapin siya.
9pm na non, hindi pa din ako makatulog. Nababagabag ako kasi may anino akong nakikita. E wala namang ibang tao sa kwarto ko. Hindi nalang ako natakot kasi alam ko naman na siya yon. So ako tinawag ko na lang siya, "Hoy Jose, di na ako natutuwa ah. Magpakita ka na. Alam ko naman na ibang nilalang ka at ikaw ang may gawa nito. Ano ba kailangan mo? Hindi naman kita kakalimutan na maging kaibigan ah? Bakit may pahirap pa na ganito?"
"Akala ko nalimutan mo na agad ako e, kaya binigyan kita ng ganyan. Sobrang nasaktan lang ako kasi nga ayaw mo ng makipaglaro sa akin."
"Alam mo namang hindi na ako bata, so bakit pa maglalaro? Sorry kung naiwan ka kaso may ibang bagay na kasi akong ginagawa ngayon. Wala ng time para maglaro."Hndi na sya nagsalita pero mukhang galit na. Habang patagal ng patagal ang araw hanggang umabot ng Biyernes Santo, dumami yung dugo sa katawan ko. Nagkaroon na ako sa may noo na korteng tinik na korona ni Jesus, sa likod ko ang daming latay na bakat pero hindi naman masakit, sa kamay ko patuloy ang dugo even yung paa ko nagkaroon na. Parang yung nangyari talaga kay Jesus noong sinalo nya yung mga kasalanan natin. Ganon na ganoon. Hindi na namin alam ang gagawin kaya binalikan ko si Jose doon sa puno ng Mangga, nakiusap ako sa kanya.
"Ano bang kailangan mo Jose? Naghihirapan na ako, natatakot na ako sa dugo. Tigilan mo na ako." Pero hindi niya ako narinig. So ako sumuko nalang, baka nga sinumpa na niya ako. Pero nung nag-17 ako, nagkajowa ako at nabuntis ako. Pinanindigan ako nung lalaki. Doon nagbago ang lahat, holy week noon at inaasahan ko na merong lalabas sa kamay ko. Pero wala! Wala ng dugo! Pero hindi ako nakuntento kaya, inantay ko hanggang sunday pero wala na! Tinigilan na niya ako, pero hindi ang anak ko.
Isang beses non, nung nag 1 year ang anak ko, nakita ko siyang nakikipaglaro kay Jose at nakakausap niya. So sa huli, ayaw nya talaga akong tigilan.
- Prinsesa
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree