Our FatherKasalukuyang resigned na ako sa pagiging Flight Attendant, pero sa totoo lang kung gugustuhin ko pwede pa akong bumalik dahil bata pa naman ako. Delikado ang pagiging FA. Nakabaon ang isa mong binti sa hukay sabi ng mama ko. Pero hindi ang takot sa aksidente ang nagpa-resign sakin, kundi takot sa mga bagay na di ko lubusang ma-explain. Sa totoo lang isa lang 'to sa mga kwento ko. I worked at Philippine Airlines. So I was mostly taking flights outside asia specifically I was flying all the way to the continent of Europe, laki ng bayad sa totoo lang lalo na pag peak season. So flights to Germany were very rare, dahil mahigpit sila sa language barrier, we'd have people aboard na minsan 16 lang ang tao. Kadalasan 2-3 lang na FA on board kapag sa Germany ang lapag. I'm sorry for the long explanation but I just want to make everyone aware.
This happened November 2010. We landed on Frankfurt (airport sa Germany). Pagkaalis ng mga tao sabi ng head pilot namin 3 hours pa bago ang sunod na flight at since di pa kami nakakababa sa Frankfurt we took the advantage, pinapasok naman kami. Ang ganda ng airport nila. After 30 minutes we decided we've seen enough at babalik na kami. Nag-retouch ako sa CR ng Frankfurt kasama si Agnes (not her real name). I was busy minding my business, re-applying my lipstick and attaching more bobby pins sa buhok ko. Lumabas na si Agnes, sabi sasamahan nya ang iba naming co-workers sa labas, um-oo naman ako at nag-apply ng konting eye shadow at pabango.
Habang nag-i-spray ako ng pabango, may narinig ako na parang bumubulong. Sobrang hina at di ko ma-gets yung sinasabi nya, ibang lengguwahe yata. I was still facing the mirror hanggang may mapansin akong nakatayo sa likod ko. Nung una akala ko tao pero di sya gumagalaw. Nakaitim, di kita yung mukha dahil may parang hoodie yung suot nya, may binubulong pa rin sya. This time natakot na ako, ang bigat na ng pakiramdam ko at sobrang hapong-hapo na hininga ko. Lalo akong natakot nung narinig ko yung tawa nya, ang lalim ng boses nya sobra, parang nag-e-echo pa. Naiiyak na ako sobra pero sa sobrang takot ko di lumalabas yung boses ko. Pumikit ako at nagdasal "Lord please guide me, tulungan nyo ko" At ayun na nga nagdasal ako, yung boses ko nanginginig, pikit na pikit ako.
"Our Father, Who art in heaven
Hallowed be Thy Name;
Thy kingdom come ..... "At habang nagdadasal ako, sumabay sya jusko gusto ko ng tumakbo pero parang napako ako sa kinatatayuan ko. Tuloy ako sa pagdarasal pero sinasabayan nya ako, yung boses nya na malalim nag-e-echo at nung tumigil ako narinig ko ulit yung tawa nya. Dumilat ako at pagtingin ko sa salamin katabi ko na sya. Hawak nya yung hood na nakatakip sa kanya, unti-unti nyang tinatanggal at pak dun na lumabas ang tili ko at pak uli hinimatay na ang ate nyo. Paggising ko nasa labas na ako ng CR. Pinapaypayan na ako nila Agnes, dadalhin na sana nila ko sa emergency room pero nagising na daw ako agad. Pagkagising ko lumingon agad ako sa pinto ng CR. Tapos umiyak na ako, oo alam ko iyakin talaga ako. Tanong na sila ng tanong anong nangyari, akala nila may nanakit sakin. Kinuwento ko sa kanila lahat, tapos yung co-pilot namin na may lahing German lumaki yung mata. Tas para syang namutla, sabi nya marami daw kulto sa Germany dahil hindi sila kagaya nating mga pinoy na lubos na naniniwala sa Diyos. Kinuwento nya rin na may similar experience din sya pero sa loob naman mismo ng airport. Pero di kagaya ko na hinimatay.
Ilang buwan matapos kong ma-experience yun di na ako bumalik sa Germany at nag-resign na rin ako. Pero hanggang ngayon naalala ko pa rin sya. Medyo mahaba pero salamat sa mga nagbasa. Sa mga incoming FA diyan, huwag kayo matakot. Faith lang ang kailangan natin kung ma-experience nyo man maging matapang kayo at layasan nyo. God Bless sa lahat!
Ms. Flight Attendant
One way road
Hi! Just wanna share my story that happened last March 2016 sa Malabon, General Trias, Cavite, around 1 AM.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree