Salamin
Magandang hapon admin at sa mga readers. Gamit ko ulit ang tunay na account ko kaya paki hide nalang din po ulit ng identity ko. Maraming salamat at mabuhay kayo!
Nung nakaraang araw pa talaga ito nangyari, ngayon ko lang ikukwento. January 7, 2020 (Tuesday 2:45am-3am) sira ung relo ko. Nabasag nung nasagi ng motor ung bisikleta ko habang pauwi galing sa school. Sa pc ng office nalang ako bumase ng oras (bago na ang relo ko ngayon kaya wala ng problema). Rest day ko dapat ang January 7 pero itong coordinator namin tumawag kasi may hotel daw na nangangailangan ng marunong sa crystalizing, reliever lang kumbaga. Marunong ako kaya nya ako ang tinawagan. Inalam ko muna kung anong oras at saan. Sa Makati daw at GY shift pa (10pm-6am). Tatanggihan ko sana kasi di ako makaka-duty sa school pag pumalag ako sa schedule na un. Napa-oo lang ako nang sinabi na libre ang pamasahe at pagkain tapos on the spot ibibigay ung sweldo. Tumawag na agad ako kay bisor at sinabi ko na di ako makaka-duty kinabukasan. Nag-ok naman si bisor.
Sa Makati Avanue ang hotel at dalawang floor lang ang titirahin. Tinanong ko ung coordinator ng agency na nasa hotel kung nasaan ung makakasama ko. Pasado 10pm na kako. Solo lang daw kasi ibinida ng coor ko na malupit nga daw ako sa crystalizing. Hindi na ako pumalag don. Magic nalang ang gagawin ko para di ako lugi. 3rd & 4th floor ang tinira ko. 3rd floor located ang mga opisina at 4th floor naman ang function hall. Mabilis kong natapos ang 3rd floor kasi masikip dun e. Ayos kapag crystalizing kasi di malawak ang area. Sa 4th floor ako medyo nagtagal kasi malawak un. Itong function hall na ito mirror ang walling. Kabilaan ang pwesto ng salamin kaya magmumukhang never-ending ang reflection mo sa salamin.
Hindi ko alam kung anong oras na yun nung nag-start ako sa crystalizing ng 4th floor. Sobrang tahimik na nun. Naririnig ko nalang e ung tunog ng polisher ko at ng radio na binigay sakin ng security department habang naglalagay ako ng chemical sa sahig, naaaninag ko na may ibang gumagalaw sa salamin maliban sakin. Ayoko munang bigyan ng pansin kasi di ko maalis sa paningin ko ung chemical na in-a-apply ko sa sahig. Nang matapos ko un ay saka ako nagpalingon-lingon. Wala naman kako sabi ko sa sarili ko. Pisil ko na ang polisher nun pero ung paningin ko e parang naka-180 degrees na field of vision kasi kinabahan na ako dun sa napansin ko na parang gumagalaw e. At di nga nagkamali ung mata ko, may gumagalaw nga. lahat ng reflection ko sa salamin ay pare-parehas ang ginagawa, maliban sa isa. Hindi ko tinitingnan directly ung reflection na un pero inaaninag ko sya. Imagine nalang kung paano ko yun ginagawa na nakatingin ka sa isa pero nakakalat ang vision mo. Yung isang reflection na un ay nakatayo. Nakatayo lang un. Eh nagpa-polish ako, gumalaw ang ulo ng reflection na un. Tumingin sakin at ngumiti. Demonic smile ang ginawa ng hayop. Hindi ko na tinapos ang pagki-crystalize ko. Inayos ko na agad ang polisher, mga pad at chemicals. Iniwan ko muna sa loob ng function hall ung mga gamit saka ako lumabas. Saktong may dumaang security habang pababa ako ng hagdan. Nagtanong ako ng oras. Ang sabi nya ay quarter to 3am daw. Tamang-tama hinto muna ako. Mapapasama pa kapag tinuloy ko pa hanggang 3am ang gawa ko. Nag-radyo na ang security na naronda sa mga hallway. Kakain na daw. Naglabas na ng pagkain ang kitchen sa hotel, mas tamang tama. Baka gutom lang yung mga nakita ko kanina. 9pm kasi ang huli kong kain non, bale bago ako pumasok. Nakatapos na akong kumain nang mag-decide akong magpahinga. Pakiramdam ko napahaba ang tulog ko kaya nung magising ako kaya karipas ako ng takbo sa 4th floor para tapusin ung ginagawa ko bago magdatingan yung mga papasok ng 6am. Sinetup ko na ulit ung polisher ko at chemicals na gagamitin. Hawak ko na ung polisher ko pero binitiwan ko din agad kasi nakalimutan kong mag-apply ng chemical ulit sa sahig. Nasira yung iniwan ko e. Habang in-a-apply ko ung chemical e napatingin ako sa salamin na dapat di ko na ginawa. Nandon ung reflection ko sa salamin na hawak ang polisher. Tiningnan ko naman ung polisher ko. Napaligpit ako agad at napatakbo palabas ng hallway dahil sa nakita ko. Yung handle ng polisher ay gumagalaw left and right at yung reflection ko sa salamin ay parang tumatawa na. Nakatalikod pa rin ung reflection ko na yon sakin. Iniwan ko na ung polisher ko dun sa function hall. Bahala na sila bukas don kako. Bumalik ako sa housekeeping office para dun nalang muna tumambay. Napatingin ako sa oras sa pc ng executive housekeeper. 3am palang ang putragis na yon. Hindi na ako lumabas ng office. Maraming santo dun sa opisina kaya napanatag ang kalooban ko na walang kababalaghan na mangyayari dun. Hanggang sa magdatingan na ung morning shift. Wala na akong kinausap sa kanila. In-endorse ko nalang na yung polisher ay naiwanan ko doon sa function hall. Sinabi ko sa kanila na uuwi na ako at ung bayad e ipadala nalang sa coordinator. Palabas na ako ng employees entrance nang makita ako ng chief security officer. Sinabi nya, "Kumusta ang 4th floor? Maigi wala kang nakita doon. Dapat talaga 3 o 4 kayong gagawa dun kapag GY para di nyo napapansin ung mga nakatira doon e." hindi na lang ako sumagot. Sa isip ko lang ito sinabi, "Inamoka nagkita lang tayo kagabi bago ako mag-start ni hindi mo man lang ako tinimbrehan. Gunggong!"
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree