Sharing our experience sa naging hiking namin ng group ko. Nangyari ito nito lang araw ng mga patay. Hindi siya nakakatakot, pero gusto ko lang din mabasa kung may same experience din kayo.
Five kami sa group, and 4th time na naming aakyat. So, medyo familiar na kami sa madadaanan at mararanasan namin during the hike. Bumiyahe kami from Laguna to Batangas exactly at 3am. Excited kaming lahat since isang taon na din since our last hike and tinama namin lahat ito sa rest day namin and finally natuloy siya. Medyo sad lang din kasi pagdating namin biglang umulan, pero think positive kami na aaraw din yan mamaya.
Nakarating kami sa Jump off at 5am, nag-register and luckily may nag-offer as Tour Guide kasi di na sumipot yung contact namin na Tour Guide. Siya si Kuya Mike (not his real name). Tour Guide talaga siya sa bundok na yun and kumpleto siya sa gamit na dala and tiwala kami kasi galing naman siya sa Barangay.
Nag-cr na kami and nag-ayos at iniwan na yung mga gamit na di naman kailangan. Para di mabigat paahon. Basa yung kalsada and putik talaga ang naabutan namin pero keri lang, safe naman daw kasi may nauna ng group samin na umakyat. Sa una, kalsada muna ang dadaanan mo, then after 15-20 mins papasok ka na sa gubat. Dun na daw mag-i-start ang kalbaryo sabi ni Kuya Mike. Yes, kasi alam nyo naman term lang din siguro yun since di naman talaga madali mag-hike kahit na 2-3 hrs trek lang ito.
Habang naglalakad, nagkukuwentuhan kami nila Kuya Mike, madami na daw hikers dito na di nakakatapos at bumababa, biniro pa namin siya na "Naku Kuya Mike kami na uata ang next?" Sabay tawa, sayang naman daw kung di naman matatapos napakaganda daw ng 360 view sa taas. Nakarating kami sa 1st Station, ewan ko pero ang bigat na ng pakiramdam ko that time kahit wala pang 1 hr kaming naglalakad. Ako pa yung pinakaunang uminom ng tubig. Pero binalewala ko kasi galing din kaming work the day before kami mag-hike. Nag-picture saglit tas tuloy na ulit ang lakad.
Nasa station 2 na kami, dumadaing na yung kapatid ko na sumasakit daw ang tenga niya. Sabi ko baka lang kasi mataas na kami kaya masakit. By the way, ang kasama ko pala ay yung isa kong kapatid na lalaki, boyfriend ko, kapatid ng boyfriend ko and yung kaklase niya, 3 girls and 2 boys. Nauuna na kaming tatlong babae lumakad sunod kami kay Kuya Mike. Napapansin ko na ang tagal na maglakad ng bf ko, siya na yung nasa pinakahuli, and we have to stop din kasi di naman pwedeng di kami magsabay-sabay. Biglang nagsalita si Kuya Mike, "Pag may nahihilo magsabi lang ha?" Nagtaka na ako, kasi ba't kaya mahihilo? Dinedma ko. Hanggang sa dumaing na yung bf kong nahihilo daw siya. Huminto kami saglit, approaching na kami sa Station 3 that time. Sabi ko water break, pahinga kami for about 15 mins. Lahat kami sinasabi na kaya yan hahaha! Di ka kasi nag-almusal e. Then, tuloy ulit sa lakad.
Station 3 na, rest ulit. Dito na talaga nag-start ang lahat. Sobrang putla na ng bf ko, hilong-hilo na daw siya. Pinainom namin siya ng tubig, pinakain din ng chocolates and nilagyan din siya ng white flower ni Kuya Mike. This time nagtanong na ako, what if po di na po talaga kaya? Ano na pong next na gagawin? Sabi niya ibababa niya daw ang 'di na may kaya and maiiwan dito sa spot na 'to ang magpo-proceed. Medyo kinabahan ako dun sa iiwan daw kami kasi madilim pa talaga ng bahagya, dagdag pa nung kulimlim ng panahon gawa ng ulan. More pahinga ginawa namin sa Station 3 dahil na din sa sinabi ni Kuya Mike na bawal na daw magpahinga sa susunod na dalawang station. Diretso na daw and sa 6th Station nalang daw kami pwedeng magpahinga. Lahat kami nagtanong kung bakit bawal mag-stay sa 4th Station. Wala siyang sinagot kundi "Bawal dun."
Tinuloy namin ang pag-akyat pero mga ilang hakbang palang napaupo na bf ko sa lupa. Di na daw niya kaya, bababa na daw siya. Mabilis kaming nagdedisyon lahat na sige kaming tatlong babae ang tutuloy silang dalawang lalaki na ang bababa. Naisip ko din na baka pag pinilit ko siya kung mapaano pa siya lalo na't walang magda-drive samin pauwi mas mahirap na. Sinabihan kami ni Kuya Mike na diretso lang kami hanggang sa 5th Station kasi 4th Station na din itong natigilan namin. Pag may nakita daw kaming susunod na pahingahan, yun na daw ang Station 5. Medyo malayo ako sa bf ko kasi mataas-taas na ako then nasa baba siya, di na ako bumaba para magpaalam. So, kaming 3 nalang naiwan sabi ko huwag tayong maghiwa-hiwalay kasi mahirap na.
Station 5, tahimik, malamig. Ako matanda sa kanila so dapat di ako duwag haha kahit na mas takot pa yata ako sa kanila. Sa totoo lang kabado na ako kasi 20 mins na wala pa din kaming nakikitang ibang hiker na umaakyat, kami pa ding tatlo. Nag-selfie nalang kami and kumain kasi baka isa na naman samin ang bumaba din dahil sa hilo. Inisip nalang namin na baka dahil sa bisyo niya at di kondisyon na katawan kaya di na niya kayang umakyat pero lagi naman ganito ang setup namin pag-umaakyat and wala pang 2 hrs kaming naglalakad, unlike sa mga nauna naming akyatin na halos buong araw.
Around 7:30am, may nakita kaming babaeng umaakyat na may dalang gamit. Binati niya kami, sinabihan daw siya ng Tour Guide namin na isabay kami hanggang sa 6th Station, nung una duda ako kasi baka engkanto 'to lol pero sumama kami hanggang sa susunod na Station. Tinanong namin kung saan niya nakita mga kasama namin, sabi niya "Dun sa may nagbigti". Actually kapatid ng bf ko nakarinig nun, hindi kami. Pero dedma lang, hanggang sa makarating ng 6th Station. May tindahan pala si ate dito, and dito na din namin hinintay si Kuya Mike. Kwentuhan saglit kay ate hanggang sa dumating din si Kuya Mike.
8:30am siguro kami nakarating sa taas. Sobrang ganda ng view and sayang wala sila and nasira ang goals namin lol. Tinext ko siya na nasa taas na kami and nag-sorry siya kasi iniwan niya ako. May nakita daw siya habang naglalakad and kung itutuloy daw niya baka mamatay na daw siya. Sabi ko ang OA mo, pero kinakabahan pa din ako. Nag-stay kami for almost 1 hr sa taas kasi kailangan mo ding pumila para makapag-picture sa magandang spot. Sobrang worth it ang pagod dahil sa makikitang view. Hindi na kami nag-traverse kasi may naiwan kami sa baba. 9:30am bumaba na kami, habang pababa di namin maiwasan na di magtanong kay Kuya Mike kung bakit bawal magpahinga sa Station 4.
Sabi niya may nagpakamatay daw sa Station na yun, lalaki daw. Hindi rin alam kung anong reason kung bakit ito nagbigti, kung sa girlfriend ba o family problem. Bigla kaming natakot na tatlo at nagsisi ba't pa namin natanong. Palagi daw kasi yun nagpapakita at madami daw nahihilo sa lugar na yun pati na daw sa Station 5 kung saan kami naghintay na tatlo. Todo dasal nalang ako na sana safe kaming makababa at 'di namin makita yung nakita ng bf ko. Na-open din yung topic ng lalaking nahulog din sa bundok na yun at 13 days bago ito nakita, na nabasa ko din naman sa ibang blogs about sa bundok na 'to.
Nag-rest kami ng matagal sa station ni ate. Kasi sa susunod na dalawang station bawal na ulit magpahinga. Nag-open din kami sa isa't isa na nahilo din kami, lahat pala kami nahilo pero mas grabe sa isa. Nagkwentuhan nalang kami pababa at sa lapag lang kami nakatingin haha okay din naman dahil madami na kaming nakakasalubong na aakyat palang. Tinigil na namin ang kwentuhan about dun sa nagpapakita dahil baka lalong ma-attract yung mga nasa tabi-tabi, so change topic kami. Hanggang sa makita namin ang kalsada at tuluyang makalabas ng gubat. Yung feeling na parang galing ka sa challenge and natapos mo ang feeling, nawala ang bigat sa totoo lang. Nasa kalsada na kami nung nagkwentuhan ulit kami nila Kuya Mike since 20 mins pa itong lakad hanggang sa Mountaineer Store kung saan kami naka-park.
Sabi niya noon hindi daw talaga siya naniniwala sa mga multo or kahit ano pa man, pero nagbago daw lahat yun nung time na nag-overnight siya sa bundok na 'to at may dumaan na babaeng nakaitim sa harap niya. Nasabi din niya na may Rosary daw sa puno kung saan nagbigti ang lalaki. Hindi rin daw ito ang daan noon, pero di ko na natanong kung bakit dito na pinapadaan? Siguro kasi mas madali ito compared sa noon. And yung naranasan ng bf ko ay normal na daw sa mga umaakyat sa bundok na yun, yung iba pa daw ay sumusuka na daw talaga kaya kung minsan ay makikita mo sa Tshirt ng Tour Guides yung line na "Susuka pero 'di susuko."
Nagkita-kita na kami and okay naman kaming 5. Hanggang sa sasakyan pauwi iisa lang ang naging topic namin. Thank you din kay Kuya Mike na sobrang bait at haba ng pasensya samin. Totoong madaming misteryo sa bundok na 'to. Hindi lang naman sa bundok na ito dahil halos lahat naman ng bundok ay may kwento. Nakaakyat na ba kayo sa bundok na 'to? Anong experience ninyo?.
- Cheesecake
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree