Come Again

146 6 0
                                    


Hi po! Pangalawang share ko na ito ng karanasan ko kaya sana po magustuhan niyo pa rin ito. Napanood ko kasi yung sa KMJS na featured ang Camiguin kaya naalala ko yung experience ko noong nakaraang taon.

I'm actually a Public School Teacher. Bago lang at medyo nahihirapan akong makisama noong una sa mga co-teachers ko. Medyo may edad na kasi ang karamihan at bata pa ako kaya wala ako masyadong naging close noong mga panahon na iyon. Not until magkaroon ng new teachers ang school namin. Syempre katulad ko mga newly hired din at hindi na nalalayo ang edad namin. Bago sila dahil galing pa silang main campus at nalipat lang sa aming school. Hindi sila mahirap pakisamahan dahil pare-pareho naman kami ng trip. Hindi katulad nung mga matatanda sa faculty na tataasan ka ng kilay kapag may nagawa kang di pasok sa standards nila. Titingnan ka na para bang wala kang karapatang magmalaki dahil mas mataas ang position nila sayo. I thought I was used to it pero noong ilang buwan naiyak ako dahil ginawa akong bata nung isang teacher sa harap ng mga students ko. That time I was just 21 at tingin niya hindi pa ako handang mag-handle ng high school students. Kaya todo burst out ako ng hinaing sa mga bagong friendship ko. Si Pia at Resa, parehong pitong taon ang tanda sakin.

I kinda like their company that's why imbes na mag-stay sa faculty ng Grade 9 ay pumupunta talaga ako sa Grade 8 na faculty. Medyo malayo dahil malawak ang school pero tiniis ko na lang kasi syempre mas prefer ko na doon sa malayo kesa sa impiyernong room na yun.

December na at nagkayayaan ang mga teachers na mag-celebrate ng Teachers day sa Camiguin Island. Late na nga ang celebration namin pero kasi naman walang leave ang teachers kaya nagkaganun. Hindi ko alam kung may bad vibes sakin ang matatanda pero sa trip naming yun naranasan ko ang hindi ko mapaniwalaang pangyayari. Akala ko sa mga di lang nakikitang nilalang ang katatakutan ko pero nagkamali ako, pwede pa lang sa buhay na.

It was my first experience seeing a beautiful island. Sobrang blue nung dagat at ang sarap ng simoy ng hangin lalo na yung white sand ng Vanishing Island. Nag-tour kami at napunta sa mga pinagmamalaking tourist spot ng isla. Cold spring, hot spring tapos yung falls pa nila. Until napunta kami sa mga historical places nila. Yung simbahan na namatayan daw ng maraming tao dahil sa pagputok ng bulkan at yung matandang puno na hundred years na ang buhay. Pati na rin yung sinking cemetery na crus lang ang nakikita dahil mataas na ang dagat. Syempre dahil sa mga magagandang tanawin kanya-kanyang groufie at selfie na. Sobrang busy ng lahat kaya ako na lang ang nakalibot mag-isa ng hindi nagpi-picture. Napunta ako doon sa mga nagbebenta ng mga souvenir. Tingin dito, tingin doon until mapunta ang mata ko sa isang matanda. Natigilan ako dahil ngumingiti siya sa akin. At first akala ko sa may tao sa likod ko pero wala naman! Kaya ako talaga ang nginingitian nung matanda. Kinilabutan ako sa ngisi niya sa akin. Nakaupo siya sa isang bato habang nakatingin ng diretso sa akin. Nakasuot siya ng lumang damit at pudpod na tsinelas. Naisip ko baka palaboy. Bigla namang tumabi sakin si Pia at Resa na naghahagikgikan. Tumingin sila sa tinitignan ko.

"Ma'am, sinong tinitingnan mo diyan?" Sabi ni Resa. Bigla akong kinabahan dahil pare-pareho kaming nakaharap doon sa matanda.
"Yung aleng nakangiti, Ma'am." sagot ko pa. Nagtinginan silang dalawa at tumawa.
"Eh? Bato lang yan ma'am...wala namang tao. Tara na at baka maunahan tayo sa pwesto natin sa sasakyan!" yaya sakin ni Pia.
Hindi ako agad nakapag-react nung time na iyon kasi paanong nasabi nilang walang tao eh kitang-kita ko na nakaupo yung matanda at nakangiti pa sakin! Hindi ako gumalaw kaya dalawa na silang hinila ako para maglakad. Lutang ako sa biyahe namin dahil hindi ko talaga makalimutan ang ngiti nung matanda.
Tatlong araw lang yung reservation namin kaya pagdating ng madaling araw din nun ay nag-empake na kami para umuwi na. Malayo pa kasi ang pinanggalingan namin at aabutin na kami ng buong maghapon sa biyahe.
Bago gumayak ay nag-stopover muna kami sa isang kainan para mag-breakfast. Masikip at kaunti ang upuan kaya by batch kaming kumain. Nauna ako kaya lumabas na agad ako ng kainan at tumambay sa labas. Medyo tanga rin ako sa part na nakalimutan kong uminom ng tubig kaya kahit gustuhin ko mang pumasok ulit ay baka makaistorbo lang ako sa iba. May nakita akong tindahan kaya lumapit ako at napagpasyahang bimili na lang ng tubig. Walang tao sa tindahan. Puro nakakalasing ang paninda at iisa lang ang nakita kong malaking bote ng tubig. Sobrang tagal nung may-ari kahit na nagtawag na ako na may bibili. Agad na napansin ko ang isang basket na may mga nakabalot na makukulay na pagkain. Cute iyon dahil may ribbon pa. Kinuha ko ang isa at tinitigan, mukhang masarap.
"Pineapple pie yan hija" sabi nung matandang lumabas galing sa loob.
Nanlaki ang mata ko dahil siya yung matandang nakangisi sakin kahapon! Hindi kagaya kahapon luma ang damit niya pero ngayon malinis na bestida lang. Ang hindi lang nagbago ay ang ngisi niyang nakakakilabot! Napaatras ako ng kaunti kaya nabitawan ko yung hawak ko. Napapikit ako ng medyo madurog yun sa sahig. Pinulot ko at agad binalik sa basket "Gusto mong tikman?" Sabi niya at ngumisi naman ulit. Seriously? Bakit siya ngiti ng ngiti? Kahit kinakabahan ay agad kong tinuro ang bibilhin kong tubig. Hindi ko agad nabigkas yung word na tubig kaya medyo matagal yung pagturo doon.
"Bibili ka ng tubig?"
Tumango agad ako. "Oopo. Magkano po?"
Sinabi niya kung magkano kaya agad akong kumuha ng pera. Nilagay ko agad sa counter at hindi inantay ang palad niya. Binigay niya sakin ang tubig kaya tumalikod na agad ako. Kakaripas na sana ako ng takbo ng tawagin niya ako.
"Ineng! Sayo na ito. Free taste yan dahil bagong bake ko lang." sabay lahad niya nung isang bugkos na maliit na pineapple pie. Good thing I wasn't driven crazy that I was able to get her pineapple pie. Nagpasalamat ako kahit awkward kasi bakit ang bait niya sakin. Dapat nga magalit siya dahil nadurog ko ang isa. Medyo pinisil ko yung binigay niya dahil baka iyon din ung nadurog pero hindi naman. Naisip kong ito naman ang pagka-OA ko na kahit maliliit na bagay nilalagyan ko ng kababalaghan. She smiled at me kaya sinuklian ko na rin ng ngiti bago umalis.

Gabing-gabi na at nasa daan pa rin kami. Gutom na gutom na ako dahil nung lunch ay sa Jollibee lang kami ng Cagayan kumain. Hindi luto ang kanin nila kaya hindi ko nakain yun. Talagang chicken lang ang pinagtiyagaan ko at take out na burger. Naghahanap ako ng makakain pa sa bag ko ng makita ko ung maliit na pineapple pie na bigay sakin. I was able to open it when Pia snatched it from my grip.
"Saan mo ito nakuha?" takang tanong niya.
"Sa tindahan. Bigay lang sakin." sabi ko.
"Hindi ka dapat tumatanggap ng kung anu-ano sa hindi mo kilala Ma'am, baka may something ito."
Nagtaka ako dahil sobrang seryoso niya nung time na yun. Tumawa si Resa dahil mukhang paranoid talaga itong si Pia. Sa aming tatlo pinaka-matured mag-isip si Pia. Siguro dahil months ang tanda niya kay Resa sa edad na 28.
"Wag mong kainin. Itapon mo na lang." suhestiyon niya.
Hindi ko nga kinain pero nasayangan ako. Binalik ko na lang sa bag at naghanap ng ibang pagkain.

Lampas alas nueve na ng dumating ako sa aming bahay. Sa sobrang pagod ko bagsak agad ako sa kama. Dalawang araw rin ang pagbawi ko ng tulog dahil sa puyat ko nun sa Camiguin.

Nag-iipon ako ng labahin nung time na yun ng mabuksan ko yung bag kung saan yung pineapple pie na bigay sakin. Ganun pa rin ang itsura at mukhang di naman nasira pero hindi ko na magawang kainin dahil baka panis na talaga.

Dumaan yung pusa namin na sobrang ingay dahil naghahanap ng makakain. Naisip ko sa kanya na lang ipakain dahil mukhang gutom na. Akala ko choosy pa siya pero agad namang nilantakan yung pie. Okay naman siya habang kumakain pero nung ilang minuto na napansin kong parang nabibilaukan yung pusa. Natakot ako dahil parang hirap na hirap siyang huminga. Nang di na siya kumilos hinawakan ko ang tyan niya kung buhay pa ba. To my horror ay bigla siyang bumangon at kinalmot ang kamay kong nakahawak sa tiyan niya! Ang sakit at lalim nung kalmot nung pusa! Halos maiyak ako sa hapdi! Bakit ganon? Pinakain ko lang tapos nagalit na agad!

Tanda ko pa kung gaano kairita ang mukha nung pusa habang tinititigan ako. Ewan ko lang kung ako lang ba o ano pero nakita ko talagang nag-smirk sakin yung pusa! Bigla akong napatayo sa pagkakaupo. Sobrang natakot ako sa expression niyang iyon.

Weeks after that incident biglang nangamatay ang mga alaga naming pato at mga manok. Wakwak ang mga leeg at naubusan ng dugo.

My Mom told me that she saw our cat nipping our poor little duck. Sa sobrang galit ng papa ko ay pinagbabaril niya yung pusa dahil sa namatay niyang panabong na mga manok. Hindi naman natamaan dahil sa bilis ng takbo. Nagtaka lang ako sa asal nung pusa namin dahil malambing iyon at hindi mabangis. Daga nga lang ang kayang patayin non tapos maliliit pa.

Ayokong isipin na dahil sa nakain niyang pineapple pie na galing sa Camiguin Island ay nagkaganon siya. Natakot rin ako na kung ako kaya ang nakakain non ay magkaganon din kaya ako?

No Rain

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon