Madre

145 3 0
                                    


Hi po! Isa po akong avid fan nitong spookify at sana naman po paki hide po ang identity ko.

Back when I was in high school suki na talaga ako sa mga play. So kapag may mga play na gagawin automatic na ako na ang bida na nadala ko naman pagtungo ng college. Syempre dahil mahilig talaga akong magdrama game na game ako at binibigay ang best sa mga pino-portray kong character. Nagsimula ang karanasan ko sa mga kahindik-hindik na nilalang na di nakikita ng ibang buhay na tao noong 2nd year college ako. Hindi ko talaga iyon makakalimutan dahil sa first time ko pa makatuntong sa lugar na iyon ay ganoon pa ang sasapitin ko.
Masyadong maliit at masikip ang school namin para sa isang program kaya naman naisipan ng leader namin na ang play namin ay ipapalabas na lang sa isang social hall. Noong una ayaw ko pa dahil sa bakuran ng simbahan ang social hall na yun na pwede pa naming mapasukan kapag pupunta doon. Iba kasi ang religion ko kaya hindi pa talaga ako nakakapasok ng simbahan ng Katoliko pero dahil sa grades ay nagawa ko na. Hindi ko sinabi ito sa parents ko dahil mapapagalitan ako.
Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko nung pagpasok pa lang namin ng simbahan. Namangha ako pero nagsitayuan ang balahibo ko lalo nung papasok na kami ng social hall. Hindi ko na sinabi sa mga kaklase ko na hindi ako komportable dahil ayoko namang mabastos sila o di kaya'y isiping ang arte ko. Respeto na rin sa kanila kahit magkaiba kami ng paniniwala.

Noong mga ilang araw namin ng practice ay wala naman akong problema pero noong ilang araw na lang ay mangyayari na ang play saka naman ako natakot ng husto. Hindi dahil sa play namin kung hindi sa karanasan ko sa palikuran ng simbahan. Ihing-ihi na ako nung time na yun kaya nagpasama ako sa kaklase ko papuntang cr. Syempre ako lang naman ang naiihi kaya ako lang ang pumasok. Dalawang pinto iyon, lahat ay bukas. Pinili ko ang dulo dahil mukhang mas malinis dahil walang bakas ng putik.

Hinayaan kong bukas ang pinto dahil sa totoo lang nanginginig talaga ako nung time na iyon ewan ko kung bakit dahil hindi naman talaga ako matatakutin. Medyo okay pa nung time na yun dahil kita ko sa side ng mata ko na nasa labas ng pintuan ang kaklase ko. Pero hindi ko alam kung paano nangyari na paglingon ko sa malaki at lumang-lumang salamin ay may nakaupo sa katabi kong cr. Isang babaeng walang mukha na nakasuot ng pang madre. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko naman namalayan na may pumasok pala sa kabila. Dahan-dahan ang paglingon ko sa katabing cr dahil akala ko namamalikmata lang ako pero hindi, talagang may nakaupo. Halos di ko na na-zipper ng maayos ang pantalon ko at nagtatakbo na ako palabas. Tuloy-tuloy sana ang takbo ko pero nahawakan ako ng kaklase ko. Tinanong ako kung bakit takot na takot ako. Doon pa lang na-realized ko na baka nag-o-over react lang talaga ako. Baka tao rin yung madreng nakasabayan ko sa loob. Sinabi ko na i-check niya ang cr kung nandon pa ba yung madre pero tumawa lang siya kasi kanina pa daw siya nakabantay sa labas walang pumasok na iba maliban sakin. Hindi ako naniwala kaya talagang nagpasama na ako para balikan kung nagsisinungaling ba siya o ako ang nag-i-imagine, pero wala talagang tao. Instinct agad ang gumana samin kahit wala namang nagsabing tumakbo kami pero kumaripas talaga kami papasok ng social hall kung saan naroon ang mga kasamahan namin.

Halos mag-iyakan na kami nung kaklase ko nung nagkukwento kami sa mga kasama namin. Akala ko mabibigla sila pero natawa lang sila at sinabing "Pang-welcome lang iyon sayo. Bagong salta ka kasi dito." Tapos balik na ulit sila sa praktis. Hindi ko alam kung maiinis ako sa mga kasama ko pero dahil wala naman yata silang ganang makinig hinayaan na lang namin na di kami paniwalaan. Pero sa totoo lang hindi ako nakatulog nung gabing iyon.

Araw na ng play kaya sobrang busy naming lahat. Saulo ko na ang lines ko kaya tingin ko wala namang problema. Pero talagang sa pinakamabigat na eksena pa talaga ako muntik ng pumalpak! Bilin samin nung leader namin na huwag aalis sa pwesto dahil doon kami lalabas at papasok para sa mga eksena pero talagang nawaglit sa isip ko kaya naman imbes manatili ako sa lugar ko ay nakapag-exit ako sa kabilang lugar. Mahihirapan na akong pumuslit sa kabila dahil umaaksyon na ang drama kaya sa ayaw at gusto ko kailangan kong pumasok sa madilim na sulok ng stage para makalipat sa kabila. Nung time na iyon hindi ko inaasahan na madadaanan ko pa ang nilalang na sobrang kinakatakutan ko. Halos hindi ako humihinga nung magtama ang mga mata namin. Sobrang nanindig ang balahibo ko dahil wala naman siyang mukha pero sa isip ko nakikita ko ang mata niya. Pulang-pula at galit na galit. Kaya kahit naka-heels ako talagang tinakbo ko paakyat ang stage. Nabigla ang mga kasama ko dahil wala pa ako sa eksena kaya ang nangyari nilaktawan namin ang ibang eksena. Walang nakakaiyak sa eksenang iyon kaya tingin ko sobrang na-oa-han sila sa pag-iyak ko. Hagulgol ako sa stage kahit na ang babaw lang naman ang eksena. Ni hindi maubos ang luha ko kaya kahit patapos na ang play iyak pa rin ako ng iyak.

Naikwento ko na ito sa mga kaibigan ko kaya sa mga sumunod na play namin ay naghanap na lang kami ng ibang place. Napag-alaman ko rin na may namatay talagang madre sa social hall na iyon at hindi pa alam kung ano ang dahilan ng kinamatay nya. Ganun pa man ang aking karanasan ay hindi pa rin nakabawas sa respeto ko sa mga kaibigan ko at sa kanilang simbahan.

No Rain

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon