Gutom (Parts 1-2)

112 6 0
                                    


Part 1

Happy New Year, Spookify family! I hope na kahit marami nang struggles ang naranasan natin sa umpisa pa lang ng taon ay malampasan natin ang lahat ng mga ito at maging mas matatag at mas mapanalig tayo sa Diyos.

Kwentuhan ko ulit kayo ng mga naging experiences ko noong na-assign ako sa branch ng company namin somewhere in the Bicol Region. For context, these events happened way back 2011. It was March kaya marami kaming binuksan na summer jobs sa lahat ng mga sites namin. Since maraming mga newly hires, kinailangan ng mga temporary trainers and managers. Yung mga malalaking branches dito sa Luzon ay nagpadala ng mga support team sa mga smaller sites sa other parts ng Luzon, and Mindanao. Anim kaming lahat na ipinadala sa Bicol, apat na lalaki at dalawa kaming babae ni Camille. Kaya lang, a week before kami umalis ay na-confine si Cams kaya pinalitan siya ni Ate Liza. Marami ang may ayaw kay Ate Liza dahil may pagka-weird siya like kapag tinanong mo, minsan ay napakalayo ng sagot niya. Sa akin, wala namang kaso iyon lalo na at magkasundo naman kami dahil same kami ng taste sa music.

Nag-stay kami sa staff house para libre ang lodging pero after two days, nagpasya kami ni Ate Liza na mag-board na lang sa labas. Halos lalaki kasi yung mga nasa staff house tapos ay burara pa yung iba. May kalayuan ng kaunti yung boarding house mula sa company pero pwede pa rin siyang lakarin. Dalawang palapag yung bahay, yung sa ibaba ay in-o-occupy nung matandang mag-asawa na may-ari ng bahay tapos yung 2nd floor ay para sa mga boarders. Pag-akyat mo sa 2nd floor, may isang kwarto sa right na katabi ng hagdan, may maluwang na sala sa gitna tapos ay dalawang kwarto sa left. Sa amin ni Ate Riza yung kwarto sa right. Yung sa katapat namin na room, magjowa raw na nagwo-work din sa company namin ang umookupa. Tapos yung katabi naman nila ay magkapatid na nagtatrabaho sa isang restaurant sa bayan. May maliit na kitchen at dining area sa tabi ng kwarto nung magkapatid (bale katapat ito ng sala). Shared areas sila para sa aming lahat. Sa likod ng sala ay may mga bintana tapos ay may pintuan rin palabas sa balcony na kung saan matatanaw mo yung backyard ng bahay. May mga kulungan ng manok doon at gulayan sa may gilid. Sa may dulo ng bakuran ay may mga kambing naman.

Okay, so pasensya na at napahaba ang backstory.

Two weeks after namin lumipat sa boarding house, umuwi yung anak na dalaga nung mag-asawa. Nangungupahan ito malapit sa college na pinapasukan para hindi na ma-hassle sa pagbiyahe araw-araw dahil medyo may kalayuan din ito mula sa bahay nila. Noong una, akala namin ay apo siya nina Tay Fredo at Nay Ester. Buti na lang at agad siyang ipinakilala sa amin. Emily ang pangalan niya, petite, medyo chinita, at super cute. Hindi pala kaagad nagkaanak ang mag-asawa kaya medyo may edad na sila ngayong dalaga na ang kanilang anak. Nagluto si Nay Ester nang gabing iyon para i-celebrate ang pag-uwi ni Emily kaya nakalibre kami ng hapunan ni Ate Liza at yung magkapatid na boarders. Habang kumakain kami, nagkukwento si Nay Ester about kay Emily, yung course niya (something na may kinalaman sa mga animals), mga achievements, etc. Tahimik lang si Emily at tumatango paminsan-minsan. Sa isip ko ay napakahinhin niyang bata at matalino. Daughter goals kumbaga. As we eat, napansin ko na malakas palang kumain si Emily. Patapos na kaming kumain at akala ko ay tapos na rin siya pero sumandok pa siya ulit ng kanin na parang magsisimula pa lang. It's not a big deal naman since niluto iyon ng parents niya para sa kanya. Natuwa lang ako kasi di mo aakalain na sa liit niyang iyon ay big eater siya. Isa pang napansin ko habang kumakain kami ay yung paraan ng pagkain niya. Puno pa yung bibig niya pero subo pa rin siya ng subo to the point na umaapaw na yung pagkain sa bibig niya. Natatawa nga si Tay Fredo noon at sinabihan si Emily na magdahan-dahan lang dahil wala naman siyang kaagaw. Sumulyap lang si Emily sa tatay niya at ngumiti tapos ay nagpatuloy na ulit siya sa pagkain. Siguro ay dahil galing sa biyahe yung bata kaya natural lang na magutom talaga siya. Isa pa, alam ko rin kung paano ang buhay-dorm, todo-tipid kayo sa halos lahat ng bagay kaya kapag umuuwi ako sa amin nun, nagpapakasawa rin ako sa pagkain.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon