Part 1Hello, Spookify! Marahil ay may nakapagsabi na rin sa inyo na mas dapat nating katakutan ang mga buhay kaysa sa patay. Isa ako sa mga naniniwala sa kasabihang yan. I guess pati kayo ay nakalakihan rin ang mga bilin ng mga parents natin na wag tatanggap ng pagkain o sasama sa hindi kakilala, wag basta-basta magpapapasok sa bahay, etc. Hindi kasi natin hawak ang pag-iisip ng ibang tao. Hindi natin alam ang mga motibo nila. Minsan nga, kahit yung mga taong inaakala nating pwedeng pagkatiwalaan, gagawan rin tayo ng hindi maganda. Kwentuhan ko kayo ng mga experiences ko na I considered creepy, hindi dahil sa mga paranormal entities, kundi dahil sa mga taong na-encounter ko at sa kung ano ang mga kaya nilang gawin.
(Note: stories po ang mga sine-send ko dito sa page at hindi Twitter posts, so please expect na mahaba talaga sila. If you dislike lengthy stories, skip nyo na lang po at wag na sanang magreklamo.)
I. Kumare
Nangyari ito year 2015. 25th birthday ng bestfriend kong si Jen kaya nagyaya siyang mag-lunch kasama ng ibang friends namin. After naming kumain, nag-ikot muna kami sa mall. We lost track of time dahil naglaro pa yung mga kids nila at di namin namalayang pasado 4pm na pala. Nauna na kami ni Jen sa iba pa naming kasama dahil may pasok pa siya sa work ng 5pm. Napagkasunduan namin na bababa na si Jen sa workplace niya para di siya ma-late at pinakisuyo na lang na ihatid ko ang anak niya sa bahay nila. Two years old na ang baby ni Jen at kapareho niyang mestisahin. Apat na lang kaming pasaherong natira sa jeep dahil halos nagsibabaan na rin yung iba sa workplace ni Jen. Umusog ako malapit sa may estribo para di ako gawing taga abot ng bayad ng mga sumasakay. Ang pwesto ko nun ay sa right side ng jeep, malapit sa estribo pero hindi dulong-dulo dahil hawak ko si Baby. Solo ko yung side na yun. Sa kabilang side naman ng jeep ay may isang nursing student sa tabi ng estribo, isang may edad ng babae sa bandang gitna, at isang lalaki sa likuran ng driver.
Di pa kami nakakalayo sa binabaan ni Jen ay may sumakay na isang babae. Umupo siya sa may kaliwa ko. Bale siya ngayon ang nasa dulo at kaharapan nung nursing student. Pagkaandar na pagkaandar ng jeep, naramdaman kong uminit ang batok ko. Akala ko hangin lang o kaya exhaust na galing sa mga kasabay naming sasakyan. Nakakandong sa akin si Baby at kumakain ng wafer. Nung dumaan kami sa isang ginagawang mall, sumilip ako saglit sa bintana pero biglang umiyak si Baby kaya umayos ako sa pagkakaupo. Nung tingnan ko siya, itinuturo niya sakin yung babae na hawak-hawak yung wafer na kinakain ni Baby kanina. Nainis ako nun kasi hindi naman niya kami kakilala para gawin niya sa bata yun pero I didn't want to sound rude kaya di na lang ako kumibo. Inalo nung babae si Baby at isinusubo sa kanya yung wafer pero kinuha ko iyon at inilagay sa plastic. Nagpa-side ako sa pagkakaupo kaya medyo nakatalikod na ako dun sa babae.
Maya-maya naramdaman ko na sumisiksik siya sa akin kaya nilingon ko siya at tinanong nang "Bakit po?" Sabay naman niyang inabot yung bayad niya sa akin. Kinuha ko iyon at inabot dun sa matandang babae. Tapos bigla niya akong hinawakan sa balikat at sinabing, "Ay, kumare, ikaw pala yan! Di kita agad namukhaan." Nagulat naman ako kasi di ko siya kakilala. Lima lang ang mga inaanak ko at mga kaibigan ko lahat ang mga parents nila. Sabi ko, "Pasensya na po, hindi ko kayo kakilala. Baka po nagkamali lang kayo." Humawak naman siya ngayon sa braso ko at sinabing asawa raw siya ni "Romy" na ninong ni Baby.
Kung iisipin, posible talaga na pagkamalan kaming mag-ina ni Baby nung time na yun pero ang sinasabi kasi ng babae, inaanak daw ng asawa niya si Baby. Di ba, kakilala niya dapat ang mga parents ng bata? So, bakit niya ako pagkakamalan na nanay lalo na at hindi naman kami magkamukha ni Jen? Nagsimula siyang magkwento tungkol sa bagong tayo nilang business at inimbitahan ako na dumalaw sa kanila, na kung gusto ko raw ay dumaan muna kami sa bahay nila bago kami umuwi ni Baby. Oo lang ako ng oo sa mga sinasabi niya. Aware ako na isang total stranger yung babae at ayaw kong makipag-usap pero hindi ko alam kung bakit napapa-oo niya ako sa lahat ng nga sinasabi niya. Tinanong din niya kung saan na nagtatrabaho ngayon ang "asawa" ko kasi parang hindi na raw niya nakikita sa opisina sina Romy. Sa isip ko, talagang hindi niya makikita sa office ang asawa ko kasi wala naman akong asawa. Kung ang Daddy naman ni Baby ang tinutukoy niya, hindi rin niya makikita dahil nasa Saudi siya. Kaya ang sinagot ko na lang, "Wala po." Kada may itatanong siya, gusto kong tumanggi at wag nang sumagot pero parang kusang lumalabas yung mga salita mula sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree